Chapter 2

24 2 0
                                    

Julia's POV

Habang hinahanap ko yung ballpen ko may nakaagaw ng pansin saakin. May nakita akong nakasulat sa ilalim ng desk ko. Sinabi ko iyon kila Cheska at alam ko na natakot din sila dun sa nakita nila dahil sulat palang ang creepy na.

"Come on guys, baka naman may nang titrip lang saatin. Wag niyo na pansinin yan. Kumain nalang tayo for sure gutom lang yan. Lets go?" Sabi ni Kyla. Kahit pilit siyang kumalma alam ko na napapaisip din siya.

Pero siguro nga may nang titrip lang saamin. Nakita kona ang ballpen ko sa ilalim ng upuan ko. Kinuha ko ito at tumayo na.

"Tara" sabi ko at ngumiti.

Canteen

"Ano order niyo?" Sabi ko.

"Spaghetti lang saakin tsaka iced tea" sabi ni Cheska.

"Carbonara with chicken, Iced tea tsaka Chocolate cake" sabi naman ni Kyla.

"Mauubos mo ba yan ky?" Sabi ko naman.

"Oo kanina pa ako gutom eh di ako nakapag breakfast kanina"

"Okay ako nalang mag order" sabi ko naman.

***

Kyla's POV

Naiwan kami ni Cheska. Napapaisip din ako doon sa nakita namin kanina. Pero hindi ko pinansin dahil nga baka trip trip lang ng mga class mate ko.

"Hi ate Kyla, Hi ate Cheska pwede ba ako sumabay sa inyo?" sabi nung bata na tinawag akong maganda. Hindi naman siya ganon kabata pero alam ko na mas matanda kami.

"Hello, okay sure no problem" sabi naman ni Cheska. Nilapag niya lang yung inorder niyang pagkain at umupo na.

"By the way, Im Ella, 15 years old palang po ako" sabi niya at nakipag kamay saamin.

"Bakit ang bata mo pa pero kasabayan kana namin?" Tanong ko sa kanya.

"Maaga po kasi akong nag aral pinayagan lang po ako kase nag take ako ng exam at pwede na daw po ako makapasok" paliwanag niya.

"Uyy guys, dito na order niyo kaloka nahagard nako" sabi ni Julia at nag ayos ng damit.

"May kasama pala kayo" dagdag niya.

"Ayy oo nga pala, Julia siya si Ella yung katabi natin kanina" sabi ni Cheska.

"Ayy ikaw yung katabi ni Kyla diba? Nice meeting you" sabi ni Juls.

"Ella Santos po 15 years old ate" sabi naman ni ella at nakipag kamay kay Julia.

"Ang bata mo pa ah? Para saamin" sabi naman ni Julia.

"Mamaya ko na ikwento sis nagugutom na kami tara na kumain na tayo" sabi ko.

***

Cheska's POV

Hindi ako mapakali habang kumakain dahil parang may nakamasid saakin. Hindi ko maintindihan

"Ches? Okay ka lang ba?" Sabi ng katabi kong si Julia.

"Oo nga ate kanina kapa tingin ng tingin kung saan hindi ka rin kumakain. Patapos na kami oh" sabi ni Ella.

"Feel ko kasi may nag mamasid sa akin. Hindi ko maintindihan" sabi ko habang nakatingin sa kanila.

"Syempre ches. Transferee tayo kaya may mga titingin sayo o saatin" sabi naman ni Kyla.

Napatingin naman ako sa kanila at sumasang ayon sila sa sinabi ni Kyla. Siguro nga pero may nararamdaman akong iba. Tinuloy ko ang pagkain ng may nakita ako sa di kalayuan.

---
Itutuloy...

Room 123Where stories live. Discover now