Chapter: 1

342 18 3
                                    


ELEZI'S POV

"NANDITO na po ako." Bungad ko pagkabukas ng pinto.

Kumunot ang noo ko nang wala man lang sumalubong sa'kin. Kaya pumasok na ako at isinara ang pinto.

"Mama? Papa? Jeazin?" Tawag ko pero wala man lang sumagot.

Nasaan sila? Pumasok ako sa mga kwarto nila pero wala naman.

Nang makaramdam ako ng uhaw pumasok ako sa kusina at dumiretso sa ref. Kumuha ng bote may lamang tubig.

Habang umiinom ako may napansin akong isang maliit na papel nakaipit sa maliit na box nakalapag ito sa lamesa.

Taka ko itong tinignan. Nilapag ko muna na yung boteng hawak ko. Kinuha ko yung maliit na box.

"Ang ganda neto, ah?" Nilapag ko ulit yun at kinuha ang maliit na papel at binuklat yun. Nagulat akong may nakasulat dun. Kaya binasa ko.

Anak! Pasensya kana kung hindi kami nakapagpa-alam ng personal ha? Pero wag kang mag-alala babalik din kami. May kailangan lang kase kaming gawin ng papa mo. Isinama ko na rin si jeazin baka kase makagulo sya sayo at ayoko naman mangyari yun. Anak, mawawala kami ng matagal kaya hintayin mo kami, ah? Promise! Babalik naman kami, eh. Kaya wag kang magtatampo. Okay? May mga iniwan naman ako dyan. Gamitin mo. Mag-aral ng mabuti? Wag munang magbo-boyfriend! Lagot ka sa'kin. Mahal na mahal anak. Mag-iingat ka dyan palagi ha? Maglock ng pinto para di mapasok? Okay? Babye! We love you!

Nagmamahal nanay.

Nagbungtong hininga nalang ako at tinupi ko ulit yung papel at kinuha naman yung maliit na box. Nagulat ako sa nakita ko.

Wow! Ang ganda.

Isang kwintas na heart shape na may cirle na nakapalibot dito. May nakaukit pang initial ko.

E.R.M

Kinuha ko iyon at agad na isinuot sa akin. Huminga nalang ako ng malalim. Ano na ang gagawin ko ngayon? Mag-isa nalang ako dito sa bahay.

An Innocent Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon