Chapter: 2

219 11 0
                                        


ELEZI'S POV

"PASOK ka." Pero nakatingin lang talaga sya sa'kin. Napairap nalang ako.

Para namang akong tanga dito sa lalaking 'to!

Hindi ba talaga sya marunong magsalita? Hayy.

Kinuha ko nalang ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa bahay. Pinauna ko nalang sya at sinara ko muna ang pinto bago sumunod sa kanya.

"Pasensya na maliit lang yung bahay namen. Di naman kami mayaman, eh."

Nakita ko sya palingon lingon sa paligid tila nagmamasid. Kaya pumasok nalang ako sa kusina at inilagay yung pinamili ko sa lamesa.

Kinuha ko iyon isa-isa at nilagay sa ref. Pagkatapos nun ay nagluto na ako. Para may makain na si Gwapong pulube. Hehehe.

Tinolang manok. I'm sure magugustuhan ka niya. Hihihi.

Pagkatapos kong maghanda. Saka ko siya binalikan. Nanlaki agad ang mata ko nang makita kong kinakagat niya yung remote ng T.V!

Anak naman ng tinola!

"Hoy! Hindi pagkain yan!" Dali-dali akong lumapit sa kanya at kinuha yung remote.

Eww! May laway!

Linapag ko muna yun sa katabing mesa. At pinunas ko ang kamay ko sa suot kong short. Saka bumaling ng tingin. Pero sya nakatingin parin dun sa remote nakalabas pa ang dila.

Kingina parang aso! Este gwapong pulubeng aso!

Hinuli ko ang baba niya saka ito ibinaling sa akin. Ang blue eyes niya! Shems.

Lumunok muna ako. "Alam mo bang hindi pagkain yan." Turo ko dun sa remote. "Tsaka kung nagugutom ka. Magsalita ka. Okay?" Tumango naman sya.

Waaaah! Ang kyut! Naintindihan niya ako! Hihihi.

Ngumiti ako at ginulo ko ang buhok niya. "Good boy. Tara sa kusina." Kinuha ko ang kamay niya at isinama sa akin.

***

"HINAY hinay lang. Baka mabulunan ka. Ay nako!" Sermon ko. Grabe ang lakas niyang kumain.

Napatingin nalang ako dun sa tinolang niluto ko. Halos wala ng matira. Pati sabaw nga wala na din, eh.

Siya lang lahat ang umubos! Hindi man lang ako binigyan. Pero ewan ko ba habang pinapanood ko syang kumain.

Para bang busog na busog na ako. Nawala ata yung gutom ko at sa kanya napunta. Tch!

"Masarap ba?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at patuloy lang sa pagkain. "Oo, masarap Elezi. Masarap. Salamat ah. Love you." Ako nalang sumagot sa tanong ko. Nakakahiya naman sa kanya.

An Innocent Prince Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon