Elezi's POV"Wag kang mag-alala akong bahala."
Nanginginig ang kamay ko habang unti unti kong binubuksan ang pinto. Hindi ko alam sunod na gagawin ko pagkatapos nito. Kaya mas minabuti kong huminga ng malalim at nagpanggap na parang walang nangyari.
Nang mabuksan ko ito tumambad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa kama habang pinaglalaruan niya ang kanyang mga darili. Kumunot ang noo ko nang mapansin kung ano ang nakalagay sa side table.
Ang cellphone ko.
"Lueco..."
Naangat ang tingin niya at may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan na magtagpo ang aming mga mata. T-teka hindi pwede! Masamang tao sya. Hindi ako pwede basta basta nalang magtiwala sa kanya.
Nasa loob lang ng bag ko ang cellphone ko. So, pano kana labas yun? Ano nagteleport lang ang peg?! Tch!
Kaya pumasok na ako sa loob pero bago yun sinara ko muna ang pinto. Tsaka lumapit sa kanya sinulyapan ko pa ang cellphone ko bago sa kanya.
"Kala ko nakapag punas kana?" Lumapit ako sa umakto na inamoy amoy sya. Hindi ko alam kung bakit sya lumayo ata nag-iwas tingin.
Umupo ako sa tabi niya. "Okay ka kang ba?" Hinuli ko ang baba nya pero hindi sya nakatingin sa akin. Kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Hanggang ngayon parin ba nahihiya ka parin sa akin? Hmm. Wag kang mag-alala. Ako lang naman ang kasama mo dito Diba?"
Mas lumapit ako sa kanya. Hanggang maabot ko ang taenga niya.
"Lueco... Magsalita ka naman..." Bulong ko. Linagyan ko ng kaunting kati para makaramdam naman sya.
"H-Hindi."
Nanlaki ang mata ko at bahagyang lumayo. "N-Nagsalita ka?"
Nag-iwas sya ng tingin.
"S-Sorry..."
Hindi ko alam pero agad akong napayakap sa kanya. "Grabe! Nagsasalita kana talaga? Ohmygod! Hindi na ako magmumukhang tanga kakausap sa sarili ko. Alam mo ba yun?"
"S-Sorry ulit.." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang makabilang pisngi niya. Binigyan ko sya ng isang malaking ngiti.
"That's okay. Atlis may nasasabi kana. So? Pwede kaba ulit magsalita?"
"M-Marunong naman k-kase ako eh." Natanggal ko ang mga kamay ko sa pisngi niya.
"Marunong ka naman pala! Bakit hindi ka nagsasalita!? Gago kaba?" Inis na anang ko.
BINABASA MO ANG
An Innocent Prince
RomantikSi Elezi Rosiea Leioz, galing sa isang mahirap na pamilya pero kahit na ganon. Ginagawa niya parin ang lahat para matulungan ang pamilya niya. At para narin matustosan lahat ng gastos ng pamilya. Isang gabi umuwi siya sa kanilang bahay pero wala ro...