Tinignan ko muna si Nicky na mahimbing parin na natutulog..
Kaya hindi ko na sya ginising pa..
Ginalugad ko yung bag ko at kumuha ng papel at ballpen dun.. matapos akong mag sulat ay iniwanan ko nalang ito sa desk nya
Nag iwan nalang ako ng sulat para pag gising nya hindi na sya mag alala kung nasaan ako..
Lumabas na ako sa kwarto nya at agad na sumakay ng elevator..
Habang nasa loob ako ay tinawagan ko ang driver namin..
"Mang Anton.. paki sundo naman po ako dito sa school"
"Ahh sige po maam.. intayin nyo nalang po ako sa tapat ng gate nyo.." sagot ng nasa kabilang telepono
Ibinaba ko na ang cellphone ko at lumabas na din ng elevator.
Nang nakababa ako ay agad na akong nagpunta sa tapat ng gate at doon inintay ang sundo ko..
Hindi naman nag tagal ay nakarating narin si Mang Anton..
Sumakay nalang ako at umalis na kami sa school.. pauwi ng bahay.
Habang binabagtas namin ang daan ay tinanong sko ni mang Anton
"Maam. Bakit po pala ginabi kayo ng uwi?? Eh first day palang naman po ng klase??"
"Nako mang Anton..mahabang storya."
"Maam. Alam nyo po ba na kanina pa pong nag aalala sina maam at sir sa bahay..."
"Welp. Atleast walang nangyaring masama sakin. Ako na ang bahalang mag explain sa kanila" yan nalang ang sinabi ko at hindi na nagsalita pa
-bahay-
"Ano ba.. Leo!! Tumawag kana kasi ng pulis.. baka kung ano ng nangyari sa anak natin" rinig kong sigaw ng mommy ko..
"Leah.. ano kaba.. malay mo naman ay ginagawang project.."
"Ginagawang project?? Sa unang araw ng klase??"
"Mom,dad.. dito na po ako!!" Sabi ko sa kanila
Agad naman akong niyakap ng mama ko.
"Hey, easy mom.. I'm ok.." sabi ko
"Saan kaba nagpu pupuntang bata. Alam mo bang alalang alala kami ng mom mo sayo." Sermon ni dad sakin
"Hehehe.. I'm just hangin' out with ma old Friend.. well.. Best Friend actually"
"Friend?? Best Friend?? You don't even have a friend. Ever SINCE.." sabi ni mom.. ipinag diinan pa yung Since
"I have one mom.." sabi ko at naglakad na papunta sa stairs..
"Hmm who?? Si lance ba??" Habol na tanong ni mom habang nakatingin sakin na nasa taas ng hagdan na..
"Yep mom.." yan nalang ang sinabi ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko..
"Oh my god. This day is so darn crazy. De joke lang." Sabi ko ng humiga ako sa kama ko
Masaya din nmn pala ano? Kasi nakita kona ang bff ko. No need na para hanapin ko sya.
Then may nakilala pa ako na dalawa nyang kaibigan si Ben and Jeff. Ang cute nila pag magkasama.
Medyo isip bata si Ben tapos may pagka serious naman si Jeff. Pero pag magkasama silang dalawa walang magawa si Jeff kundi ang maging sweet kay Ben.
I ship them.. they're cute..
Wahhhh .. sino kaya ang makikilala ko pa bukas. At nako. First day of school palang absent na agad ako buong mag hapon..
Baka makasanayan ko to. Lagot ako kay mommy. Buti nalang first day of school di ako mapapagalitan.
Nagpalit na ako ng damit ko at natulog na.. wala na akong balak kumain masyadong nakakatamad.
~Kinabukasan~
"Tok! Tok! Tok!" Malalakas na pag katok sa pinto ang nagpagising sakin ngayong umaga.
Kayat wala akong nagawa kundi ang ang buksan ito.
Nakita ko dun si mommy na nakapamaywang.
Isang pingot ang binigay nya sakin na nakapag pagising sakin ng tuluyan.
"Aray!! Mom naman. Bakit mo ako piningot?" Naka pout kong sabi sa kanya
"Wag mo akong nguso ngusuan dyan Princess. Kung ayaw kong putulin ko yan."mataray nyang banggit sakin.
Sabi ko nga.. "Eh mom. Bakit nyo ako piningot ? Wala naman akong ginawang masama ah? Ang aga nyo pang mang sermon."
"Aba ako pa sinisi mo. Baka nakakalimutan mo. Hindi ka pumasok kahapon. Tumawag sakin teacher mo. Tapos gabi kapa umuwi. Anong gusto mong ibigay ko sayo? Halik at yakap?"
Lagot na ako..
"Ahh. Ehh.. kasi mom.. ano~"
"Wag ka ng magpaliwanag. Basta wag mo ng uulitin yan ha.. kundi malalagot ka talaga sakin."
"Opo mom. Sorry po." Hingi ko ng tawad sa mommy ko
"Oh sya. Mag ayos kana. At may nag iintay sayo." Sabi ni mom at umalis na
Balak ko sanang tanungin si mom kung sino yun pero naka alis na sya agad.
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng kwarto ko. Ginawa ko na ang morning routines ko. After non ay nagbihis na ako.
Inayos ko ang buhok ko at ginawa kong i half braid ito sa dalawa. Yung hanggang kalahati lang tapos yung baba nya ay naka lugay . Kayo na bahala mag imagine ng itsura nya. Pagkatapos ko syang i braid ay nilagyan ko ng design na flower at butterfly na pin.
Nang makontento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta na sa kusina.
"Mom ! Dad!? Where are you guys?" Sigaw ko
Wala kasi sila sa kusina. Hindi kasi ako sanay na hindi sila kasabay kumain. Especially kapag breakfast.
"Mom! Dad!" Sigaw ko ulit
"Ahh princess, wala na sila naka alis na." Sabi ng yaya ko
"Bakit ang aga naman yaya? Di ko tuloy sila nakasabay kumain."
"May mahalaga daw kasing trabaho na dapat nilang tapusin. At hayaan mo na princess. Hindi naman araw araw nawawala ang mga magulang mo." Sabi ni yaya
Tama nga naman sya. Minsan lang naman talaga hindi ko makasabay sina mom at dad. Kaya napaka selfish ko naman kung mag rereklamo ako.
"Ahh sabagay nga po.. geh po kakain na ako." Sabi ko at umupo na sa upuan ko
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at lumabas na ng bahay.
Napansin ko. Wala si mang anton. Paano ako pupunta ng school? Eh wala din si dad para ihatid ako.
"Ya!!" Tawag ko sa yaya ko
"Ano ba yun princess? Naglalaba pa ako eh."
"Wala si mang anton at dad. Sino ang mag hahatid sakin? Hindi pa ako pwede mag drive ng car." Sabi ko yaya ko
"Hmm hindi mo ba nakikita yung kotse dun sa harap ng bahay? Sya ang sundo mo. Tsk ikaw talagang bata ka. Akala ko naman kung ano. Oh sya geh na. At ako ay mag lalaba pa." sabi ng yaya ko at pumasok na sa loob ng bahay.
"Bakit bago yata ang sundo ko?" Tanong ko sa isip ko.
Lumabas na ako at kinatok ang may ari ng sasakyan. Pumasok na ako at sinabihan yung driver.
"Manong tara na po." Sabi ko
Hindi ko na sya pinagka abalahan pang tingnan at nag soundtrip nalang ako sa kotse at pumikit.
---------------------------
Yeah.. ito na yun.. lol..
BINABASA MO ANG
Hindi Lahat Ng Pangako Napapako
Teen FictionHi my name is Althea.... May 3 fact lng akong sasabihin sau.... Una alam mo bang nakakatakot akong kaaway??? Kung hindi mo pa alam pwes ngayon alam mo na... o Pangalawa wag mong intaying hamunin ako sa isang bagay... kasi dimo alam kong anong gagawi...