Adventure #4- Isang linggong pag-ibig: HUWEBES

12 0 0
                                    

Kelly's

"San tayo Ngayon Guuuys?!" Masayang Tanong ko sakanila, Madami kasi Sa kanila ay Magsisimula ng magtrabaho as regular Employee next week kaya naisipan nilang Mag Celebrate kami.

"Dun nalang daw tayo sa Bahay nila Chester Miss, tapos dun nalang din tayo magcecelebrate" Sagot naman ni Dianne at naghiyawan na yung mga trainees ko

Tapos na ang trabaho namin at isa isa na din silang umalis mauuna na ata sa bahay nila Chester

"Miss, Kasama ba ako?" Nahihiyang tanong ni Ken saakin ng paalis na ako

"Ay Bakla!" Gulat na sabi ko at hinampas siya ng mahina sa balikat niya

"Magugulatin ka pala miss" patawa tawang sabi niya

"Paanong hindi ako Magugulat eh ginugulat mo ako! Ano pang ginagawa mo dito? Akala ko sumama ka na sa kanila!" Singhal ko sa kanya

"Wala naman ako masyadong kilala sa kanila kaya bakit ako sasama?" Sabi niya at ngumuso pa

Kadiri tong baklang to, may pa nguso nguso pa, E W!

"Malayo Pa ba tayo miss? Ang bigat bigat na ng dala ko!" Reklamo ni Ken

Naglalakad kami ni Ken papasok sa subdivision nila Chester nagcommute lang kasi kami at wala na king masakyang padyak kasi gabi na rin

Nilingon ko si Ken at Muntik na akong matawa sa hitsura niya, May Dala siyang Backpack sa likod niya tapos limang 1.5 litres ng Softdrinks na nasa plastic ang nasa kaliwa niyang kamay at mga Junkfoods at mga pagkain na lulutoin mamaya naman sa kabilang kamay niya

"Bwahahahaha" tawa ko habang tinitignan siya at siya naman ay tinignan lang ako ng masama

"Miss Dito po!" Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Chester na Kumakaway at tumakbo siya papunta samin para tulongan si Ken at ang bruhang bakla ay todo pacute naman

"Hihi tenkyah" slang na may landing sabi ni Ken at tinignan naman siya ni Chester na parang nagulat

Ayt! Makapasok na nga lang, Nagtitigan pa sila sa labas eh, kadirdir!

"Miss, Kanta ka po!" Bungad agad ni Ana sakin at binigay pa sakin ang Microphone, Remote at Songbook

Aba! Paano pa ako tatanggi sa lagay na 'to eh binigay na nila lahat, jusko.

"Whoaaaah! Go Miss Kelly!" Pagchecheer nila ana sakin Habang Hinihintay ko yung kanta na magstart, ang saya ng buhay naming mga babae dito kasi nagvivideoke lang kami habang yung mga lalaki yung nagluluto Bwahahahahaha

[NOW PLAYING: ISANG LINGGONG PAG-IBIG]

Lunes
Nang tayo'y magkakilala
Martes
Nang tayo'y muling nagkita
Miyerkules
Nagtapat ka ng yong pag-ibig
Huwebes
Ay inibig din kita
Biyernes
Ay puno ng pagmamahalan
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
Sabado
Tayo'y biglang nagkatampuhan
At pagsapit ng linggo giliw ako'y iyong iniwan

Nagkagulo kami ng biglang nagsexy dance si Marco Sa harap namin at nabigla naman ako ng tumabi si Ken saakin tapos tutok na tutok kay Marco sa Harap, Kulang nalang tumulo na laway niya

"Miss! Meshereeep" malanding bulong niya sakin kaya binatokan ko siya

"Kalandian mo Ken!"

"Aray naman miss!" Reklamo niya at binalik na ulit kay Marco ang tingin kaya tinitigan ko nalang siya

Haaay sayang naman tong baklang to, may mukha pa naman sana siya na pwede niyang ipagmalaki.

Ang gwapo niya pa naman pero wala eh gwapo din ang hanap niya, Haaaaay.

"Uy Si Miss madaya hindi nagshoshot!" Puna ni Dianne at binigyan agad nila ako ng baso na may beer kaya ininom ko nalang ito agad.

Nahihilo na ako at di narin masyadong malinaw ang paningin ko kaya humiga nalang ako kahit saan at natulog na.

"Ang Cute nila tignan no?"
"Hihihi"

Naalimpungatan ako ng may narinig akong nagbubulongan kaya minulat ko nalang ang mga mata ko, nakayakap ako sa isang tao at tinignan ko kung sino ito at laking gulat ko ng nakita ko si Ken, at hindi ko lang siya kayakap kundi katabi ko pa sa pagtulog!

"WAAAAAAAAH!" Sigaw ko at tumayo agad

"Anong meron?" Walang kaalam alam na tanong niya habang kinukusot Ang mga mata niya

"Bakit mo ko niyakaaap?! At bakit ka tumabi sakin?!" Inis na tanong ko at narinig ko namang tumatawa lang yung iba sa gilid

"What?! I don't know what you're talking about!" Maarteng sabi niya at nag unat unat pa.

Aish!!!


Pagkatapos naming iligpit ang lahat ng kalat sa bahay ni Chester ay umuwi na kami at sumama naman saakin si Ken, nagpapalibre ng pamasahe ang bakla kasi wala pa siyang pera, di man lang nahiya!!!


"Bye Miss, Thank you sa libre, Mwuah, Mwuah!" Maarteng sabi niya at maarte ding bumeso, kahit kailan naman ang arte ng baklang yan pero may naramdaman talaga akong something sa puso ko ng naglapat ang mga pisnge namin, Waaaaah Wag naman sana akong magkagusto sa bakla no???

To be continued...

A/N: UWAAAAAAAAAAH KUNG MAY NAGBABASA MAN DIYAN, PWEDE PA CRITIQUE PLEAAASE?? THAAANKS~

Kelly's Love Adventure.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon