-Kelly-
"Ano na nga Kelly! Magkwento ka na!" Parang batang natatakam sa kendi na pamimilit ni ate saakin
"Ate naman eh! Ayokong kiligin ka! Dapat ako lang!" Parang uod na sabi ko habang nagpagulong gulong sa kama ko
Nakaupo si ate sa bandang dulo sa may headboard, malaki naman ang kama ko kaya malayang malaya akong nagagawa ang gusto kong gawin dito.
"Ang selfish mo! Dali na kasi!" reklamo naman niya.
"Ganito kasi yun, Nakilala ko siya sa Cafe, tapos na bangga niya ako at ayun naramdaman ko ang butterfly sa tiyan ko at ang simasabi nilang spark nung napatingin ako sa kanya, Ayieeee" kinikilig na sabi ko at niyakap pa ang unan
"Eh? Yun na yun?paano naging kayo?" Parang dismayadong tanong ni ate
"Kahapon lang nung dinala niya ako sa hospital, bahala siya basta Boyfriend ko na siya!" Proud na sabi ko
"And that's my girl! Wag kang papayag na humindi siya! boyfriend mo na siya ok? Nakuha mo ba ang number?" Tanong naman ni ate na nagpalaki ng mga mata ko
"Uwaaaaaah! Wala akong number niyaaa!" Malungkot na sigaw ko at napaiyak sa unang yakap yakap ko.
"Ano?! Bakit di mo kinuhaaa!!!" Sabi naman ni ate at tinabihan ako sabay umiyak din siya sa gilid ko.
Uwaaaaaaaah Wala akong number ng first boyfriend ko at di ko pa naman alam kung saan siya nakatira! Uwaaaaaah so ibebreak ko na ba siya? *punas luha*
*
Haaaaaaay
Pang ilang buntong hininga ko na ba yan ngayong araw? Haaaaaay
"Hoy! Nakatunganga ka na naman diyan! Magbihis ka na, Hahanapin natin si BF mo, Biliiiis!" Nagliwanag ang mukha ko ng narinig ko ang sinabi ni ate
"Talaga ate?!" Excited na tanong ko at hinarap siya
"Oo kaya magbihis ka na bago pa ako tamarin!" Sabi ni ate at tinalikuran na alo
Kyaaaaaaah! Babyloooves Here I coooome!
"Miss napadaan ba dito yung lalaking nagdala sakin sa hospital kahapon?" Tanong ko sa babaeng nasa counter, siya din yung babae na kumuha ng order ko kahapon.
"Ahh, Si Sir Ken po ba ma'am? Madalas po siya dito, actually kakalabas niya lang nung pagdating niyo dito ma'am" sabi naman niya at todo ngiti
"Ha?!" Dismayadong tanong ni ate
"Opo ma'am"
"May number ka ba niya?" Tanong ko
"Ay wala po ma'am sorry po" kunwareng malungkot pa na sabi niya
Hinila na ako ni ate palabas sa cafe at naglibot libot dito sa mall
"Ate! Pagod na ako kakalakad!" Reklamo ko
"Uuwi ka ng hindi nahahanap si Ken o Magkaroon ng kaforever?" Nakataas ang kilay na tanong ni ate
"Oo na! Pero kain muna tayo, gutom na ako!" Sabi ko sabay nguso
*
"Ate, Tumigil nalang kaya tayo? Tsaka, ako lang naman nag-aassume eh na boyfriend ko siya kasi in the first place di naman talaga siya nanligaw eh" sabi ko kay ate habang nakatingin sa labas ng Jollibee
"Ano namang meron kung hindi siya nanligaw? Edi ikaw nalang manligaw!"
"Ate, pagod na ako! Bahala na siya sa buhay niya, marami pa namang iba diyan eh!" Haaaaay susuko na talaga ako
"Haaaay! Sayang, ginto na naging bato pa. Sige, ikaw bahala" dismayadong sabi ni ate at tumayo na, tapos na kasi kaming kumain.
Nauna si ate sa paglalakad ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan
"Ate! Ate!" Nanghihinang tawag ko kay ate habang hawak ang tiyan ko
"Kelly! Anong nangyare sayo? Saan may masakit? Wag mo sabihing buntis ka? Sinong ama?! Sino ha?! Sino!!?" Nagpapanic na tanong ni ate kaya binatokan ko siya
"Gaga, natatae ako! Magjejebz muna ako, mauna ka na sa kotse" sabi ko at tinalikuran na siya
"Ay sayang! Kala ko pa naman buntis ka!" Narinig ko pang sabi ni ate
Baliw talaga, wala pa nga akong boyfriend tapos buntis agad? Gaga din eh.
'Haaaaay! Successful!' Sabi ko sa sarili ko at lumabas na sa isang cubicle ng CR dito sa mall, naghugas muna akong kamay bago lumabas ng tuluyan sa CR.
"Sisteeeer!" Sigaw ng baklang nasa di kalayuan sa akin
Ako ba?
He opened his arms widely na parang ready na ready mangyakap kaya yun din ang ginawa ko
"S-sisteeer!" Gaya ko sa pagtawag niya sakin, baka kasi pag hindi ko yun ginawa eh mapahiya siya
O_____O -ako
Nagulat ako ng Nilampasan niya ako at niyakap niya yung babaeng nasa likod ko.
False Alarm! Hindi pala ako yung sister nya! Waaaaaah napahiya ako dun ah!
Tinignan ko ang paligid kung meron bang nakakita at putek maraming tumawa! Jusko lord!
Umalis nalang ako dun para di na ako mapahiya pang lalo
Bwisit na bakla! Ginawa ko lang naman yun para di siya mapahiya, tapos ako lang pala ang mapapahiya?! Aba!
Yuko ako ng yuko habang papalabas ng mall ng biglang may bumangga sakin
"Naknang puta!" Nasabi ko dahil sa sakit, napaupo kasi ako sa sahig sa grabeng impact ng pagkabangga sakin
"Wala ka bang Mat---"
O_______O
Napatigil ako sa pagsasalita ng nakita ko ang familiar na pagmumukha niya
"Kyaaaaah!!! Boooyfrieeeend!"napatayo ako agad at mabilis na niyakap siya
Si Ken! Nakita ko na si ken! Uwaaaaaah!
" Ikaw na naman?!" Parang inis pang sabi niya
"Yes! And I am Your Girlfriend, Nice To See you again!" Ngiting ngiti na sabi ko habang Nakatingin sa kanya
"Girlfriend? Mandiri ka nga! Sorry pero Bakla ako" diretsahang sabi niya at mabilis na nawala sa paningin ko, di ako nakagalaw dahil sa narinig ko
'Sorry pero bakla ako'
'Sorry pero bakla ako'
'Sorry Pero bakla ako'
B-bakla siya?
Uwaaaaaaaaah! Ayoko na sa Eaaaaarth!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Kelly's Love Adventure.
HumorAko si Kelly, Bente tres anyos, wala pa akong nagiging boyfriend at willing naman akong maghanap kahit ang makita ko ay bakla, Tomboy, biyudo, may asawa man o wala, wala na akong pake, ibigay niyo lang po saakin ang lalaking magbibigay at magpaparam...