Nawala na ba ang nararamdaman?
O sadyang ayaw mo lang ako masaktan?
Kahit ano mangyari sa huli naman
Lahat tayo masasaktanNgunit bakit di nalang tayo maging masaya?
Araw araw tayo maguusap at magsasama
Sa paglalim ng aking nadarama
Mas iintindihin kita sa lahat ng problemaNgunit bakit bigla kang lumayo at nawala
Nagbago ang iyong mga gawa at salita
Nakayanan mo na ring tiisin ang aking di pagsasalita
Ngumingiti lang ako sa araw araw ngunit
Sa totoo masakit naHanggang sa muling pagbalik ng nadarama
May ispesyal kang lugar sa puso kong sira na
Wala tayong magagawa,sumuko na tayo sa isa't isa
Sigurado na ako na hindi na ako sayo at sa iba ka na.
BINABASA MO ANG
Unexpected Things Happen In Expected Places and Time
PoetryWhen you are sure about what's to happen,unexpected things just come right in.