Nakikita ng lahat ako ay masaya
Ngunit totoong ligaya ba ang nadarama
Sa lahat ng aking mga ngiti
Ay may katumbas na pighatiPighati na labis ay tinatago
Upang makita ng lahat ng tao
Na hindi ka apektado
Sa lahat ng sakit na nadarama ng puso.Minsan ang lungkot muna ang nauuna
Paminsan minsan din naman ang saya
Ngunit ang kakalabasan ng lahat ng ito
Ay lungkot pagkat wala talagang permanente sa mundoInakala lang natin na may totoong bagay
Na tatagal ng habang buhay
Oo meron nga naman
Ngunit Tayo rin naman ay iiwanKayang mag-antay ng mga tao
Ngunit sa kakaantay napagod na ito
Mga oras na nasayang para lang dito
At lalo na buhay pa niya ang nakataya ritoGinawa natin silang bagay na mahalaga
Ngunit siya rin ay tao rin pala
Na katulad mo rin na may pinapahalagahang iba
Tanggapin mo nalang na wala talagaMaging masaya ka sa mga bagay na nagpapasaya sayo
Ngunit wag mo na pilitiin ang ayaw sayo
Maging masaya ka nalang kung anong meron ka
At pahalagahan mo ito upang makita nila ang halaga mo sa iba
BINABASA MO ANG
Unexpected Things Happen In Expected Places and Time
PoesíaWhen you are sure about what's to happen,unexpected things just come right in.