Chapter 1

39 4 0
                                    

AMANDA'S POV

Lumingon-lingon si Amanda. Parang may hinahanap sya kung saan man. Nasa corridor sya sa second floor ng school nila at wala namang gaanong tao dito pero hindi nya parin mahanap yung hinahanap nya.

To be specific, yung kaibigan nyang si Ara na bigla nalang syang iniwan habang nakalinga sya sa kabilang direksyon.

Nung nahagip ng mata nya ang buhok ng kanyang kaibigan na malayo-layo na sakanya ay kusang gumalaw ang paa nya upang tumakbo. Kailangan nyang habulin si Ara kasi sabay "daw" silang mag-l-lunch. Pinahirapan sya sa pagtakbo ng dala nyang mga libro pero matulin parin sya.

Nakita nya si Ara na kumaliwa upang bumaba sa hagdan. Ilang hakbang pa ang inabot nya para makadating sa nilikuan ni Ara. At nung kumaliwa na sya, may nabangga syang lalake. Buti nalang at hindi gaano malaki ang impact kasi kakahinto lang nya bago lumiko.

Yung kaliwang braso ng lalake ay tumanim sa dibdib ni Amanda kaya napangiwi ito ng sobra at napaupo pa.

Nawala na nga ang hinaharap dinamay pa ang sa likod.

"Shit, sorry Miss," sabi ng lalake habang dali-daling lumuhod sa tabi ni Amanda.

"Ay, sorry din. Hindi kita napansin." Nahihiyang sabi ni Amanda habang nakapikit parin sa sobrang sakit.

"Hala, tulungan na kita diyan." Kinuha niya yung mga books at notebooks na nahulog sa sahig. "Sorry, nahulog mo pa tuloy ung gamit mo dahil sakin."

"Ok lang kuya. Sorry din kasi hindi kita nakita." Medyo nakakadilat na din sya pero nangingilid ang luha sa mata nya.

"Ok lang din," he laughed, "sige pala, I think in a hurry ka."

"Uhm opo, hahaha. Thank you po sa pagtulong."

Tumayo na si Amanda at pinagmasdan ang lalaking lumayo ng paonti-onti hanggang sa hindi nya na to makita.

Lumingon na sya sa may hagdan at naghandang tumakbo ulit pero biglang nalukot ang mukha nya.

Nagpipigil si Ara ng tawa sa baba ng hagdan at onti nalang ay iiyak na sya.

"Leche," sigaw ni Amanda sa isip nya.

Naglakad si Amanda papunta sa kaniyang kaibigan nang may simangot sa mukha.

"Aish! Ano ba 'yan Amanda, katangahan mo umiral nanaman, ayan tuloy nakabangga ka pa."

"Nyeta! Kung hindi mo sana ako iniwan hindi sana ako makakabangga di ba? Baliw ka rin eh."

"I've died five times in your mind, haven't I?" She said with a giggle.

"Oh, more than five times," Amanda said with a glare.

"Sorry na, bagal mo kasing kumilos eh."

"Aba, ako pa may kasalan eh, no? Tss."

Lumabas na sila ng building ng school nila para makapag lunch na.

"So... Amanda?" Ngumingiti ng makabuluhan si Ara at alam ni Amanda na may kabalastugan nanaman na nagaganap sa isip nito.

"Oh, bakit Ara?"

"Ano feeling mo kanina nung nabangga mo ung guy?"

"Hmm... Ano nga ba? Well, MASAKIT LANG NAMAN KASI DIRETSO YUNG BRASO NYA SA BOOBS KO TAPOS YUNG PWET KO NAG TOUCH-DOWN PA SA SAHIG!" Amanda then changed the intonation of her voice to normal. "Pero other than that, wala naman."

"Sinasabing wala naman tapos sa susunod na magkikita sila baka biglaang maging close." Ara said, at the verge of bursting into laughter.

"Ay ewan sayo bruha. Ikaw na nga lng nagtatanong tapos ganyan pa ung sagot mo sakin. Tsk tsk."

Unexpectedly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon