Chapter 3

12 0 0
                                    

AMANDA'S POV:

Naglalakad kami ni Ara papuntang school. Sinundo niya ako sa bahay, which lagi din naman niyang gaawin kasi over protective tong bruha na 'toh.

Medyo maaga kaming pupunta ng school kaya hindi kami nap-paranoid kung malelate na ba kami o hindi pa and mabagal kami compared sa usual pace namin. Pano ba naman kasi, 6 palang ay binulabog na ako ni Ara sa kwarto. "New day, new me" daw.

Pero ok lang naman. Kasi malamig sa lugar namin kaya parang nag cocommercial kami ni Ara habang naglalakad.

"So, kamusta ang new you?" Tanong ko sakanya.

"Eto, ayaw mawala yung fact na maganda ako," sagot nya na parang seryosong-seryoso sya.

"Pati yung pagsisinungaling din ata," kontra ko.

Umirap sya at doon ko nalamang nanalo ako. Napatawa naman ako.

Malapit na kami sa school kaya tinanggal na ni Ara yung earphones nya. Hinintay ko syang ilagay nang maayos yun sa bag nya bago tumuloy sa paglalakad.

Papasok na kami sa gate ng school namin nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako kung saan-saan para hanapin ung tumatawag sakin.

"Amandaaaaaa! Andito akoooo," sabi nung boses. It's quite familiar. Hmm...

"Huh? Amanda, naririnig mo yun?" Tanong ni Ara.

"Oo." Sagot ko at tumingin-tingin sa paligid.

I'm looking for a guy na lumalapit samin basing on the increasing volume of the voice habang pinroprolong yung words. Maybe nakatingin samin kasi nga papunta samin, duh. Except kung stalker yan na sobrang labong mangyari.

"Aish si Mark pala. Hintayin na natin dito beh," sabi ni Ara at tinuro si Mark.

Tumingin ako sa direksyon ng daliri ni Ara at nakita ko si Mark na tumatakbo samin habang nakangiti.

Naguilty naman ako. Bat 'di ko agad nakilala boses nya? Tinulungan pa naman nya ko sa assignment ko sa lechugas na math. Hmm, oh well. Kakikilala ko palang naman sakanya eh.

"Good morning Amanda, good morning Ara," bungad ni Mark nang makarating samin.

"Good morning Mark," sabay naming bigkas ni Ara.

"Sabay na tayo pumasok sa school?" Pag-aaya nya.

Medyo nagulat naman kami. Kasi.. Wow, parang close na. Pero naalala ko yung pagtulong nya sakin sa math so I felt indebted so in the end, pinabayaan ko nalang.

"Ah sige, tara." Bigkas ko.

Naglakad na kami papasok sa gate ng aming school. Pinauna nya kaming dalawa and I find that gesture... Cute. Tss, bihira nalang kasi yung mga gentleman ngayon eh. And I know na yun din ang iniisip ni Ara kasi jusko, may eagle eye yan sa boys.

"Mark? Bat bigla ka ata naging close samin?" Shet bat lumabas yun sa bibig ko?! Baka maisip nya na ayaw namin yung presence nya. Ugh. Lupa, take me!

"Ay hehehe." Bigkas niya habang kinakamot ang kaniyang ulo.

I. Swear. To. God. Pag 'to nagtampo.

"Ahh, ano kasi. Gusto ko kayo maging tropa. Wala rin kasi akong masyadong kaibigan na babae sa school na toh. Mostly kasi lalaki mga tropa ko, you know mga naglalaro din ng basketball. Tsaka mahiyain rin ako sa babae."

Buti nalang hindi nya tinake as a bad thing yung tanong ko. I'm just curious.

"Ah ganon ba? Bat samin ni Ara hindi ka nahihiya?-AY TEKA WAITTTTT, ATHLETE KAAAA?!" Tumawa naman si Ara kaya nasiko ko sya ng biglaan habang nakatingin kay Mark. Nabura ng biglaan yung ngiti nya.

Unexpectedly Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon