AMANDA'S POV
Umupo ako sa ilalim ng puno na lagi namin tinatambayan habang hinihintay ang bruha kong best friend. Di kami magkaklase kaya habang di pa sila lumalabas dito muna ako.
Dito ako palaging tumatambay sa tuwing hinihintay ko yung bruha kasi malilim. Tapos ewan ko ba, nappreskuhan ako pag nasa ilalim ako ng lilim nito. Kumbaga nakakarelax lang.
Panay yung tingin ko sa wristwatch ko habang lingon ng lingon sa pinto ng classroom nila Ara kung bubukas na ba ito, unfortunately, hindi pa talaga.
Nilibang ko na ng nilibang yung sarili ko para hindi makain ng boredom. Naglaro sa cellphone, kinagat yung kuko, sinipsip yung buhok, pati nga yung puno pinagtripan ko din eh pero wala. Bored na bored na ako.
"Aish, ang tagal ah?" Sabi ko sa sarili ko habang tumingin ulit sa relo ko.
Wait. May assignment pala kami sa math! Hmm, for the sake of avoiding boredom, should I do it na ba? Oh well, kaysa naman wala akong gawin dito.
Kinuha ko yung notebook ko sa bag and kinapa yung ball pen ko sa bulsa. Binuklat ko yung leaves ng notebook hanggang sa makadating ako sa page kung saan tutulo ang dugo ko. No doubts.
Iniscan ko muna yung kinopya namin sa whiteboard kanina para malaman ko yung "kakalabanin" ko. And habang sumasayaw yung mga numero sa mata ko, onti-onti na akong nahihilo.
Sinubukan kong sagutan yung first item and nakailang punit na ako ng pages sa likod ng notebook para gawing scratch pero wala parin akong progress.
Nyeta ang hirap nito! Bat ba kasi kelangan maging mahirap ng math jusko dati numbers lang tas ngayon meron nang 2x + 3x. Bwisit na letters to oh.
Habang tinatry isolve tong math problem na ikamamatay ko na ata, biglang may lumapit sakin.
"Hi, anong ginagawa mo at super frustrated ka ata?" Wow. Kailangan mo malaman? Kuya you're invading my privacy kuya.
Jusko kala ko naman kung sino, si kuya na nakabunggo ko pala.
"Ay hi, ikaw pala kuya. Uhm ano kasi... tinatry ko kasing sagutan yung math homework namin."
"Drop the kuya and call me by my name. Let me introduce myself, I'm Mark Ivan Ford, and you are?"
"Uhm, I'm Amanda Rose dela Fonte."
Finally nagkakaalaman na ng pangalan jusko ang weird naman kasi kung mag-uusap kami pero d naman namin alam yung pangalan ng isa't isa.
"So... sabi mo math yan?" He took his eyes away from mine and looked at my notebook. Mukhang interesado sya.
"Yes."
"I'll help, magaling naman ata ako sa math." Sabay kamot sa ulo. YES! MY SALVATION!
"Oh nice, sure." Finally may tulong na, di ko kakayanin toh nalilito na ako sa ginagawa ko.
Umupo siya sa tabi ko and tinulungan na niya ako sa math homework kong super hirap. Kinuha nya yung notebook ko and iniscan nya rin ung mga notes ko earlier. Then tinuro nya sakin yung formulas and yung paraan kung paano isolve yun.
Damn, he's very good.
After about 20 minutes natapos na namin yung homework ko. Lumabas na si Ara sa classroom nila then pumunta dito sa lugar namin.
"O Amanda, sorry nag tagal ako. Masyado atang nagsaya yung teacher namin sa pag turo.... Oh wait, wrong timing ba ako?" Then I realized na nandito pa pala si ku- Mark.
"Ang tagal mong bruha ka ah. Gagi, tinulungan niya lang ako sa homework ko. Wag kang mag-isip ng kung ano-ano diyan." I gave her a glare.
"Gehhh, gumawa nga kayo ng homework. Tsk."
"Uhm Hi, I'm Mark Ivan Ford. Nice to meet you." Tumayo na si Mark.
"Hi, I'm Ara dela Cruz. Nice to meet you too."
"So.. Ara, tara na?" Hinigit ko na yung kamay nya.
"Hmm, sige Amanda, lezgooo," sabi ni Ara at umambang lalayo na.
"Bye Mark," pagpapaalam ko habang kumakaway.
"Bye Mark." Sabay sabi rin ni Ara.
"Bye Amanda, bye Ara." Sabi nya at mukhang wala pa syang balak umalis.
"Thank you nga pala sa tulong," sabi ko. Leche, muntik ko na makalimutan mag-thank you.
"You're Welcome. Oh by the way chat mo nalang ako kung kelangan mo ulit ng tulong sa math, alam mo naman na ung pangalan ko, search mo nlng sa Facebook," sabi nya habang onti-onting kumurba yung labi nya sa isang nakakatunaw na ngiti.
S-shit.
FOOK ang cute ng ngiti niyaaaa. AISH AMANDA! Wag ka mafall nako talaga.
"U-uhm, sige." Ngumit rin ako. YAHH, ang cute niya nakakainisssss! Huhu
After ko sabihin yun, si Ara naman ang humila sakin papalabas ng school building.
Naglakad na kami pauwi. Sabay kami kasi madadaanan yung bahay namin pag papunta sakanila so palagi nya akong hinahatid.
Inaabsorb ko yung sunset na nakikita namin ngayon and andami kong naisip na kung ano-ano. Ang ganda kasi. Yung transition ng colors na kahit bright ay masarap parin sa mata.
Napapikit nalang tuloy ako bigla pero napadilat din agad kasi baka masagasaan ako.
Hayss. Hindi ko matanggal yung tingin ko sa sunse-
"HOY AMANDA!"
"Hoy ka rin." Panira ng moment. Tss.
"I swear wag kang mafall diyan sa lalaking yan, nako ayokong masaktan ka. Nakita ko ung reaction mo nung nginitian ka niya." I was taken aback by that. Hindi ko ineexpect na yun ang sasabihin nya.
"I know teh, pinipigilan ko yung sarili ko."
"Make sure mo yan beh."
"Opo."
Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko.
"Sige bye Araaaa, bukas ulit." As usual naman.
"Ok bye Amandaaa," sabi nya at naglakad na palayo.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceSi Amanda Rose dela Fonte ay isang normal na estudyanteng nag-aaral sa isang popular na eskwelahan sa kanilang lugar. Unexpectedly, she brushed shoulders with a man that she never had the slightest thought of being in love with. Pero nagkaroon ng ha...