Prologue

110 4 0
                                    

When I was young, my mom used to read me fairytale stories the typical fairytales where the prince charming saves the princess and they will live happily ever after. I've always wanted my life to be like that, as what they say I have a perfect life but when I was young all I ever wanted was to meet my prince charming. At yun ang pagkakamali ko masyado akong naniwala nag ganon talaga ang buhay, lahat may happy ending. All those fairytales that I've read before were not true after all kasi sa totoong buhay walang happy ending.

"Rosie, Rosie bangon na baka ma late ka pa unang araw pa naman ng pasukan" I heard my yaya shouting while knocking at my door

"Opo yaya! Sandali lang mag aayos lang ako"

Hayss. Unang araw nanaman ng pasukan. Panibagong taon nanaman ng pagtitayagang mag-aral para matapos ang isang taon sa kolehiyo at pagkatapos ay isang taon nanaman ng pagtiyagang mag aral at isang taon pa pagkatapos hanggang sa grumaduate. But I don't mind at all because I love school hahaha, but now I'm not sure, I still love school, but I don't want to see some people there, especially HIM.

Ako nga pala si Rose Louise Tan Delavin, but you can call me Rosie, sabi ng mga magulang ko bagay daw kasi sakin ang pangalang ito dahil napaka sweet daw pakinggan gaya ng ugali ko. I am 19 years old and currently a 2nd year BS Accountancy at Eastwood University. I chose to study a business related course because my parents own different kinds of businesses at dahil ako ay isang only child ay ako lang naman ang mag mamana ng mga ito. People think that my life is perfect, may kaya kami sa buhay, mabait ang parents ko, maganda daw ako, pero kung bibigayn ako ng pagkakataon gusto ko lang naman talaga ng simpleng buhay buti na nga lang at iyon din ang gusto ng mga magulang ko kaya we try to be as low key as possible.

"Rosie tapos ka na ba? Kanina ka pa dyan baka ma late ka na talaga."

"Opo yaya palabas na po ako. Anong oras na po ba?"

"Malapit na mag 7:30"

Oh my gosh! Malapit na akong ma late! Malala pa naman ang traffic ditto saamin. Dali dali na akong lumabas at tumakbo papunta sa gate.

"Oh di ka ba mag aalmusal man lang?"

"Wag na po yaya sa school na lang po ako kakain. Naihanda na po ba ni manong berto yung sasakyan?"

"Oo na iha puntahan mo na lang siya sa labas. Mag iingat kayo ha"

"Opo yaya. Salamat po! Mauna na po ako" Dali dali na akong lumabas ng gate at hinananap si Manong Berto, ang aming driver.

"Good morning manong! Tara na po Baka kasi ma late pa ako"

"Good morning iha! Oh siya tara na"

Habang nasa biyahe di ko mapigilan ang sarili kong kabahan. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na okay na ako ay hindi pa din talaga. Ayaw ko pa din siyang makita at natatakot pa din ako sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa nangyari.

"Iha okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag. Andito na tayo sa eskwelahan mo" Naputol ang aking pag iiisip ng sabihin ito sakin ni mang berto.

"Ahh sige po manong. Maraming salamat po sa pag hatid" Dali dali na akong lumabas ng sasakyan at tumungo na sa entrance ng university.

I took a deep sigh before I took a step forward to enter the university's gates pero bago pa ako makapasok ay may naramdaman akong kamay na umakbay sakin.

"Beshiee! Mukhang gumanda ka nanaman ngayon summer" Napatingin ako sa aking kaliwa kung saan na roon ang taong umakbay sakin. Si Blanche lang pala, isa sa aking bestfriends.

"Ayan ka nanaman Blanche. Ang aga aga kinukulit mo nanaman si Rose eh" Napatingin ako saaking likod kung saan nang galing ang boses ng babaeng nag salita. Siya naman si Hyacinth, Hya for short, isa din sa mga bestfriend ko.

"Ano ka ba naman Hya, pinapatawa ko lang tong kaibigan natin. Halatang kabado eh"

"I am not nervous. Bakit naman ako kakabahan?"

"Hmm... Sure ka ba dyan? Pero teka lang okay ka na ba talaga?"

"Oo naman. Kung iniisip niyo na hindi pa din ako okay eh nag kakamali kayo. Sapat na ang isang summer para maka move on ako sakanya noh."

"Mabuti yan. Dahil ang mga lalakeng gaya niya ay hindi dapat iniiyakan" saad naman ni Hya.

"Pero ready ka na bang Makita siya?" dagdag pa nito.

Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang kanyang tanong

"Oo naman. Pumasok na nga tayo at baka ma late pa tayo."

Nginitian muna naming ang isa't isa at magkakahawak kamay na pumasok na saaming paaralan hudyat na sisimulan na naming ang bagong yugto ng aming mga buhay.

The One Who Stayed (A DonKissTon Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon