1

901 4 1
                                    

Umaga nanaman, at nagising ako ng nakakapasong init ng araw na nakatapat sa aking mukha. Habang pupungas-pungas pa, tumingin ako sa digital watch  sa aking dingding--6:30 am. 

Napaisip ako. Lunes nga pala ngayon, at unang araw ng in-house seminar for teachers. Ang alam ko, 7:00 am ang call time namin sa assembly area. 6:30 na.

6:30 am na.

Dali-dali akong bumangon, kumuha ng damit sa aparador, at naligo. Gusto ko mang pumorma ngayon, wala na akong oras, kaya't napilitan akong magsuot ng pulang collared shirt , itim na slacks, at puting rubber shoes. Nagsuklay ako ng buhok habang dala-dala ang aking gamit, at tumakbo paalis ng condo.

Habang nagmamadali akong maglakad papunta sa St. Raphael College, biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag'yung bunso kong kapatid na si Jenna.

"Kuya Migz! Nandito ka na ba? First day niyo ngayon, 'di ba?" Tanong niya.

"Papunta na. Bakit? At akala ko ba bukas pa ang enrollment niyo, anong ginagawa mo diyan?"

"Kuya, tumambay lang ako dito kina Nathalie, 'yung nakatira sa tapat ng SRC. Ah, eh, kasi, naalala mo pa ba si Ate Clarisse?"

Nung sinabi iyon ni Jenna, napatigil ako bigla. Bumilis ang tibok ng puso ko; para bang dahan-dahang bumabagsak ang mundo sa akin.

"Ah, Clarisse from high school? Clarisse M-Martinez?" Sagot ko.

"Oo, kuya, si Ate Clah. Nakita ko siya rito sa main gate. You know, 'yung babaeng hindi dum--"

Pinigilan kong hindi magalit, "Oo, alam ko, 'yung hindi dumating sa tagpuan noong graduation. Tapos hindi na nagparamdam. Nawala na parang bula."

"Oh, move on na. That was five years ago, Kuya. Anyway, tingin mo magiging teacher rin siya diyan?"

"Ewan ko sa'yo. Papasok na ako sa loob ng campus. Uwi ka agad, ah," sabi ko, at daliang binaba ang telepono.

"St. Raphael's College. It's nice to be back."  Bulong ko sa aking sarili, habang nakatingin sa gusali kung saan ko ginastos ang apat na taon ko sa high school. Ang laki na ng pinagbago. Ang dating puting dingding, ngayon ay asul na. Nilagyan na nila ng ceramic tiles 'yung dating aspaltong sahig lang. Siguro ibang-iba na ang buhay ni Jenna rito--sa SRC rin kasi siya nag-aaral ngayon.

Sumugod ako sa fourth floor, sa auditorium kung saan gaganapin 'yung training. Pagbukas ko ng pinto, napatingin sa akin ang lahat--para bang isang malaking kasalanan ang ma-late ng five minutes.

Tumigil saglit sa pagsasalita si Mrs. Pangilinan, ang school principal mula noong panahon ko hanggang ngayon. 

"G-good morning, Ma'am. I'm sorry I'm late," kabado kong sinabi.

Napatawa ang punong guro sa harapan, "Ay, just like old times, Mr. Tan? Mula sa pagiging estudyante hanggang sa pagiging teacher. Hay, iho, take your seat."

Nang may kaba sa aking mukha, naghanap ako ng bakanteng upuan sa paligid. Pagkarating ko sa bandang harapan, napahinto ako dahil sa aking nakita.

Isang morenang babaeng kulot ang buhok, mabilog ang mga pisngi, at ang mga mata sa likod ng kanyang salamin ay tila nangungusap sa tingin. Ang nag-iisang babae na minahal ko.

"Ah, may nakaupo ba diyan sa tabi mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman," sagot niya. "I'm Clarisse, by the way," dugtong pa nito habang paupo ako.

"Uhm, Miguel. Miguel Angelo Tan. I hope you remember me from, uhh, high school."

"Ah, y-yes."

Bumalik siya sa matiyagang pakikinig sa Teaching Millennials talk ni Mrs. Pangilinan. Pero ako, hindi ko siya maalis sa isip ko. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya paminsan-minsan. Parang walang nagbago sa kanyang  kagandahan.

Lord naman, bakit mo nanaman kami pinagtagpo rito ulit? 



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TagpuanWhere stories live. Discover now