Aniera's POV
Trabaho dito, trabaho dyan, trabaho everywhere! Yes, you heard me right. Im a breadwinner for a good reason. I actually volunteered since wala naman akong choice dahil kami lang ni Castor ang magkakampi. Ever since my stepmother came in our lives, nagkanda letse-letse na ang buhay namin ni Castor. She is so mean and heartless. Lahat ba ng stepmother ay ginawa para manggulo ng buhay? From the first place, I really don't like the idea of my dad getting married again because I knew this is gonna happen, but of course he wouldn't listen. He will only listen to himself. Argh! I really hate that memory. Siguro ito na talaga ang magiging path ng buhay ko. I guess I'll just go with the flow.
Kung noon mayaman kami at lahat nakukuha. Ngayon, LAHAT pinaghigirapan ko. I lately realized that we need to value money as much as the person who worked hard for it. Heck if thats the case. I dont thank dad a lor from the money he's trying to give because I will make sure I will return it. I dont want his filthy money. Lalo na't siya ang dahilan kung bakit wala si mama sa tabi namin.
I came back from the reality when someone called me.
"Aneira!" Naku! Tinatawag nako ng katrabaho ko.
"Sandali lang!" Makapag trabaho na nga.
"Hoy Aniera, ano na balak mo? Mag ga-graduate ka na ah.Magpapakain ka ba?" Pangungulit ni Caleb. Hays, ang kulit talaga ng taong to! Akala mo ang yaman-yaman ko!
"Tigil-tigilan mo nga ako Caleb at baka sapakin kita dyan. Ilang buwan pa bago ako makakapag graduate kayakailangan ko pang magtrabaho." Walang interes kong sagot.
Tinaasan naman niya ako ng kilay kaya napairap na lang ako sa kanta. Tss kalalaking tao eh!
"Trabaho nanaman, naku Aniera, mag asawa kana lang kaya?" Sabi niya sabay hila sa mga kamay ko." Tignan mo nga yang mga kamay mo. Dapat to malambot eh, hindi ka dapat nagtatrabaho."
Namula naman ang aking mga pisngi sa mga sinabi niya. Mabait talaga tong si Caleb, saksakan lang ng kulit!
Mabilis ko namang binawi ang aking kamay sa pagkakahawak niya.
"Caleb, alam mo namang wala akong choice eh. I have to work para matustusan ko ang mga pangangailangan ni Castor." Napayuko ako saka pumasok sa loob ng cafè.
Wala namang mangyayari kung magmumukmok ako eh. Kailangan magtrabaho nang makagraduate!! Kayang-kaya ko to! I just need more part time jobs since mas lumalaki na rin ang pinag gagastusan namin ni Castor. We were both in collge kaya kayod Aneira!
Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang text ng stepmom ko. Tss. Mga echoserang palaka! Ang kapal lang talaga ng mukha eh. Kung makahingi ng pera sakin akala mo kung sino. Grrrrr nakakapang gigil eh!!!
Calm down Aniera, calm down. Negativity wont help you.
"Uhm.....Aneira." Kalabit sakin ni Alice. Bestfriend ko.
Napapitlag na lang dahil hindi ko siya napansin.
"Oh Alice, napadaan ka ata dito. Kamusta?" Tanong ko. My gosh! Kailangan ko atang mag pahinga. Halos wala na rin akong pahinga these past few days.
She smiled at me. Pero hindi abot sa kanyang mata.
"Aniera, s-si Castor kasi eh." Utal niya sagot. Ngayon ko lang atang napansin na namumula ang kanyang mga mata. Ano kayang nangyari? Kinakabahan ako ah.
Mariin kong inabot ang mga kamay niya. Medyo nanginginig na rin ang mga kamay ko sa kaba. I really don't like thus feeling. It kills the hell out of me.
"Sabihin mo sakin Alice, kinakabahan ako sayo eh. Ano bang nangyari?" Naluluha nako dahil hindi ko alam kung bakit. Hindi na talaga tama yung nararamdaman ko. It feels wrong.
Tumingin siya sakin at nag pahid ng luha saka nagsalita. Makikita mo sa mga mata niya ang lungkot kaya lalo akong naluha.
"S-si Castor kasi n-nasa ospital. Nabundol kaya tinakbo siya sa ospital." Pagkasabi niya non, biglang nanlaki ang aking mga mata at doon narin bumuhos ang aking mga luha. Hindi ito maaari. Bakit ito nangyayari samin? What should I do now that our life is full of shit?! Ano bang klaseng karma to at sa kapatid ko ibinunton?! Why?!

BINABASA MO ANG
Part time job in hell
FantasyBakit ang unfair? Why do we have to experience so much pain when sometimes, feeling natin na sa edge na tayo.To be honest, hindi madaling mabuhay sa mapagbirong mundong ito. We have to live and to survive also. Aniera is one of them. She is on the...