Chapter 1:

174 5 0
                                    

Jungkook's P.O.V
Narito kami ngayon sa harden nagpapahangin, at nag-iisip narin kung paano maging tunay na babae ang pamangkin ni Auntie.

(Flashback)

"Hay ! Sa wakas umalis narin si Auntie" sabi ni Jin. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ni Jin.

"Alam niyo may duda talaga ako, kung bakit kailangan pa nating gawing tunay na babae yang pamangkin ni Auntie." sabi ni Jimin.

"Owss ?? Bakit ano bang duda mo??" tanong ko kay Jimin.

"Bakla siguro yang pamangkin ni Auntie" seryosong sabi ni Jimin.

Pffffftttttt....pfffftttttttt...
Talagang di namin mapigilan ang pagtawa. Loko-loko tagala to.

"Bakit kayo tumatawa ?? May nakakatawa ba sinabi ko ??"

Pok !!!!

"Aray!! Para saan yon Suga?"

"Para yan sa kalokohan mo!! Ang O.a mo rin Jimin noh?? diba pwedeng tomboy lang ang pamangkin ni Auntie??"

"May point karin Suga daddy ko" na mukhang ngayon palang niya na-realize.

At tuluyang nagtawan kaming lahat.

(End of Flashback)

"Waaaaahhh!!!! Excited na ako 😄 Siguro maganda at sexy ang pamangkin ni Auntie noh?? kasi si Auntie maganda at sexy kahit middle 30's na ang age niya" sabik na sabik na pagkasabi ni Jimin, na halos mabingi ako sa sobrang ingay niya.

Yeah! That's right, his name is Jimin. Ang lalaking pandak, sweet, caring at higit sa lahat ang babaero sa grupo.

"Tumahimik ka jimin 😬 di ka naman kasing gwapo ko ! Wa effect parin yang gagawin mo!" sabi ni Jin.

Another boy, name Jin. The oldest at bookworm sa grupo, bibilib ka sa kanya dahil sa matalino na, stick to one pa sa lovelife niya.

"Mas wa effect yang gagawin mo! Bakit maaakit mo ba siya pag-nagbabasa kalang nang libro ha??" sabi ni Jimin na nakikipag-away pa talaga.

"Bakit ?? Kung magdadala ka nang maraming babae sa mansion, kala mo ba magiging proud siya??" angal ni Jin. Isa pa to, matanda na pero isip bata.

"Hoy!!! Tumigil nga kayo!! Hindi naman kayo mga gwapo 😤. Nag-aaway lang kayo sa mga walang kwentang bagay!!" singhal ni Suga sa dalawa.

Owwwsss 😀 that's my boy 👏 Suga as in I-suga 💪. Ang lalaking Matapang sa grupo.
Kinakatakutan talaga namin siya, lalong-lalo na pag-nagagalit siya.

"Hep! Hep! Hep! Tama na nga yan ✋ kung gusto niyong malibre ang lahat 😡" sabi ko na halos umuusok ang tenga ko sa mga lalaking to.

"Relax ka lang Jungkook 😊 nagbibiro lang naman kami ni Jimin eh, diba Jimin??" sabay akbay kay Jimin.

"Oo. Relax lang. Think positive. Kaya naman natin siyang gawing tunay na babae eh! gamit lang ang mga kagwapuhan natin. Halos nga lahat ng mga babae nag-kakandarapa sa atin, eh siya pa kaya ?? Am i right Jungkook??" Proud na pagkasabi ni Jimin.

Yeah, that's me! Jungkook! Ang lalaking mainitin ang ulo. Talagang na-iinis ako lalong-lalo na sa mga taong matitigas ang ulo. Isa rin akong 'Girl Hater',na-iinis kasi ako sa mga babaeng todo papansin kaya ayan laging umu-uwing iyakan, hays😧 di ko kasalanang mapangbara akong tao. Kaya ang tawag nila sa akin ang lalaking snobber sa grupo.

●Ding Dong! ●Ding Dong!

"Tunog yon nang doorbell sa gate ah??" sabi ko sabay tingin kay Jin.

"Omo!! don't tell me, baka ang pamangkin nayon ni Auntie??" nagulat kaming lahat sa sinabi ni Jimin.

"Baka nga, tara puntahan na natin" sabi ni Suga.

"Wait!! Ganito lang ba mga damit natin ?? Dapat with sense of Fashion, para naman ma love at first sight siya" sabi ni Jimin.

May point din ang loko. Kaya naman agad kaming pumasok sa mansion at nagbihis, na para bang mga prinsipe kami na nag-aantay sa pagdating ng aming prinsesa.

"Wow!! See?? Ang ga-gwapo natin" proud na sabi ni Jimin.

At agad kaming lumabas nang mansion para antayin ang pamangkin ni Auntie. Sakto namang pinagbuksan sila ni Manong Guard ( Oo may guard kami, echoss talaga tong si Auntie para daw mabantayan kami) at agad bumungad sa amin ang napaka-ganda at bagong-bago na Limousine.

Nag-antay kami nang ilang minuto, bago may bumaba. At pagkababa niya nagulat nalang kaming lahat at dito nagsimula ang kalbaryo nang aming buhay.

My True Color (liskOOk)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon