Chapter 3: Hot Aura

55 0 0
                                    

Kahit masakit pa ang Ulo nya pilit paring gumising si Vanna para mag ayos at mag handa. Dahil ngayong araw siya makakalabas ng Clinic. Kahit gulong gulo tunanggap niya ang alok nila Mr. Greg na tulungan sya upang maalala ang lahat tungkol sa sarili at nakaraan nya. Pinunsan nya agad ang luha nyang tumulo nang maisip niyang hindi manlang nya kilala ang sarili.

Hindi ang pag iyak ang kelangan ko para matulungan ang sarili ko sabi niya sa kanyang sarili at pinilit maging matatag.

Bigla namang pumasok sa loob mg Clinic si Miss Yanna at medyo nagulat nang makita si Vanna na naka ready na.

"Ready kana pala. Tara na ihahatid na kita sa Dormitory nyo kung saan ka manunuluyan."Aya ni Miss Yanna at tumango naman si Vanna. Kinuha nya ang mga gamit nya at sumunod kay Yanna. Pag labas nila bumungad sakanya ang kabuoang Magical University. Nilingon nya ang Clinic at dalawang palapag lang ito. Para silang nasamalaking kastilyo. At ang nasa gita na ay para bang Malaking Park. Maraming Bench sa paligid at naggagandahang Halaman at Puno. Tumigil sila sa isang Pinto na may nakalagay na M.U Girls Dormitory . Pumasok sila dito at para bang nasa sikat silang hotel. Sumakay sila sa Elevator na may nakalagay sa pinto na " For Teacher's Only" At nakita nyang pinindot ni Miss Yanna at 14th floor.

*TING* tunong ng Elevator senyales na narating na nila ang 14th floor. Lumabas sila pinuntahan ang magiging Room ni Vanna at tumigil sila sa tapat ng Room na may nakalagay na 444

"Ito ang magiging room mo sa loob ng mahabang panahon pumasok kana at magpahinga bukas na ang unang araw mo sa M.U" sabi ni Miss Yanna at tumango lang si Vanna.

Pumasok si Vanna sa loob at bumungad sakanya ang napaka gandang silid at mabangong amoy nito. Meron itong tatlong kama, isa sa kanan kung saan ang pinto ng CR at isa sa kaliwa at sa gitna. Mukhang sa gitna ang kama nya dahil ito lang ang kama na medyo maayos di yulad sa magkabilang kama na medyo may gusot at may mangilan ngilang damit na naka kalat sa kama. Lumapit naman siya sa Kama nya at inilapag ang gamit sa gilid ng Cabinet nya.

Bigla namang bumukas ang pinto ng CR at lumabas ang isang babae na may towel na nakabalot sa buhok.

"Owh, Vanna right ? " Tanong nito at tanging tango lang ang sagot nito.

"By the way im Monic" pag papakilala nito at tumango lang ulit. Nakibit balikat lang si Monic. Ayaw ata akong kausap sabi niya sa sarili.

Humiga nalang si Vanna at ipinikit ang mata. Di nya namalayan na nakatulog na pala sya.

3:00 AM.

May malakas na Alarm ang tumunog sa buong dormitory at nagising ang lahat.

Iminulat ni Vanna ang mata at nagtaka. Ang aga pala gumising dito sabi niya aa sarili

"Ganto talaga dito maagang gumigising dahil bago pa sumikat ang araw nag sisimula na ang klase natin" Pag papaliwanag ni Monic at tumango lang sya.

"Nauna nanaman si Diane sa Cr ugrh! sabi na nga ba dapat maaga akong nagising!" reklamo ni Monic at ginulo gulo ang buhok.

Lumabas si Diane ng Cr at nginitian ng pang-asar si Monic. Inirapanlang to ni Monic at pumasok sa Cr. Nilingon naman ni Diane si Vanna saglit at inirapan ito. Walang emosyon ang mukha ni Vanna at inantay na matapos si Monic.

4:30 AM. Lahat ng Estudyante ng M.U ay nasa loob na nang canteen. Habang si Vanna ay papunta palang . Pag pasok niya sa canteen nakaagaw siya ng atensyon

"Woah newbie"

"Goodluck sakanya"

"Poor girl"

mga ilang bulong ng mga estudyante.Pumila si Vanna sa pilahan para omorder ng Breakfast.

Bigla banalang syang naiwas nang may naramdamang inihagis ba bagay sakanya mula sa likod kaya imbes siya ang tamaan yung lalakeng nasa harap nya ang tinamaan. Naging sanhi ito ng malakas na tawanan.

Magical University (M.U) : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon