Chapter 9 : The Infected Province

31 1 0
                                    

Lahat ng grupo ay may kanya kanyang kotse na inihanda para sakanila.

Sumakay na ng Kotse ang grupo nila Vanna. Si Axdrei ang Driver samantala si Van ang nasa passenger seat at sila Kyrus,Vanna, Ace,Lance at Kristal ang nasa likod. Malaki ang Kotse kaya kasya sila. Tanghali na sila lumabas ng M.U upang puntahan ang pamilya ni Kristal.

"Vanna saan ka naka tira ?" tanong ni Ace dahil ang plano nila ay hatiin sila sa dalawang grupo isa Kay Kristal at isa kay Vanna.

"Wala" sagot ni Vanna. Naaalala nya kasi yung sinabi ni Mr. Greg na wag ipagsabi na wala siyang maaalala sakanyang nakaraan mas ikabubuti rin daw niya ito.

"What do you mean ?" tanong ni Ace inaanatay din ng iba ang isasagot nya.

"Wala akong pamilyang ililigtas okay ? mag Focus tayo sa pamilya ni Kristal Kailangan natin sila mailigtas sa lalong madaling panahon." pag iiba nya ng usapan. Tumango nalang si Ace at nanahimik.

Halos limang oras nila tinahak ang kagubatan upang makalabas at makaring sa isang bayan.

Nakasilip lang si Vanna sa daan. Nasa tabi nya si Kyrus na tahimik lang ding nakamasid.

"Kailangan pa natin ng isang sasakyan para sa pamilya ni Kristal" ani Axdrei na deretsyo lang sa daan ang tingin .

"Madadaanan naman natin yung bahay namin kunin nalang natin yung Van namin dun. kakasya tayong lahat" suggestion naman ni Lance na sinang ayunan lang nila.

Halata naman sa mukha ni Kristal na nag aalala ito. Apat na taon na syang nag-aaral sa M.U simula nang nakatanggap sya ng invitation card from M.U hindi nya na nakita ang pamilya ng personal dahil sa sobrang layo ng mga ito. Kung may pagkakataon nakikipag Video Call nalang siya sa kapatid nyang lalake at dun nya lang nakakausap ang mga kapatid at kanyang lolo at lola.

"Wag kang mag-alala ligtas sila" sabi ni Lance nang mapansin nyang nag-aaalala ito.

Narating nila ang syudad na nagkakagulo maraming sundalo at may mga nakita rin silang mga estudyante ng M.U na tumutulong sa mga tao na mag evacuate.Ipinag bawal ng gobyeno na saktan o patayin ang mga taong inffected ng virus. Dahil alam nila na masusulusyonan nito ng mga estudyante ng M.U

Habang umaandar sila nasisilip nila ang mga taong inffected ng Virus. Para itong mga Zombie na nagwawala at nag sisitakbuhan.

"Ano ang mga ito ?" tanong ni Ace sa kawalan nang masaksihan ang mga nangyayare.

"Para silang Zombie" dugtong niya

"Binggo! tama ka ! matatawag natin silang Zombie. Pero para silang may mga isip. Nakita nyo ba yung lalake kanina ? Yung kinagat ? Hindi sya kinain ng mga Zombie. Para bang nakaplano na hawaan nila ito ng Virus. Parang may komokontrol sakanila" paliwanag ni Axdrei na pinagmamasdan ang kapaligiran.

"Maaring tama ka dahil may nakita rin akong isang grupo ng mga taong infected sabay sabay mag lakad at parang nakalihira." dugtong ni Van na pinag-aaralan ang paligin.

"Maaring kagagawan to ng isa sa mga alagad ni Nygon(naygo) " dugtong ni Kyrus na nakamasid din sa paligid.

"Nagsisimula na sila" Dugtong ni Lance at napayukom ang mga kamao.

Gulong gulo si Vanna sa mga sinasabi nila at kahit isa wala siyang maintindihan. Pero pilit parin nyang nag focus.

"Asan ba yung susi!?" bulyaw ni Lance sa kawalan habang hinahanap ang susi sa kwarto ng kanyang ama. Sa totoo lang walang nakatira ngayon dito kung di ang mga caretaker nila dahil lahat sila ay nasa M.U

Andito sila ngayon sa mansyo nila at hinahanap ang susi ng van.

"ano ba yan !" reklamo niya

Tumayo si Axdrei at itinaas ang kamay. Napatingin naman silang lahat sakanya.

Magical University (M.U) : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon