Chapter 8 : First Mission

34 1 0
                                    

Nag tipon tipon ang mga guro sa meeting room nila para pag usapan ang nasabing crisis na nangyayari sa labas ng Magical University.

"Mr.Simon ikaw muna ang mamahala sa naiwang mga estudyante ni Mr.Greg" utos ng Secretary ni Director Fontez

"Itong Crisis na to ay gagawin nating First mission ng mga estudyante. Lahat sila para mabigyan ng chance ang ibang estudyante na di nakapasa sa mga exam na pinag daanan nila. At sa mga naka pasa. Plus points nalang nila." Anunsyo ni Secretary Laurine at sumang ayon naman ang lahat.

Pumasok si Sir Simon sa loob ng classroom ni Mr.Greg

"Good Morning Everyone, for now on ako muna ang adviser ninyo. I hope that kung gaano kayo kabait kay Mr. Greg ganun din sana saakin." Nagtawanan naman ang ilamg estudyanten.

"Pero meron tayong biglaan mission." anunsyo ng guro na ikinagulat nila.

Kinuha ni Mr. Simon ang remote ng TV at binuksan ang TV sa taas ng white board. At nag play ang isang Breaking News

" Breking News, Sa di maipaliwanag na pangyayare padami ng padami ang mga taong nagkakasakit at tila ba nagiging halimaw at nananakit. Sabi ng mga eksperto isa itong Disease na hindi alam kung paano at saan nag simula. Sa tuwing makakalmot o makakagat ka ng taong infected ng disease na to maari kang mahawaan." Mahabang balit ng host ng isang News Show.

Napahawak sa bibig ang mangilang ngilang kababaihan sa loob ng classroom. 

At nag play ang isang video kung saan pinapakita ang mga nangyayare sa buong syudad at mga probinsya sa buong bansa.

anong nangyayare ? tanong sa kanilang mga isip.

"Si mama !" sigaw ng isa nilang kaklse at nag simula na silang nag ingay. Dahil sa taranta at pag aalala sa mga pamilya nila sa labas ng Magical University. Dahil sa inis hinampas ni Mr. Simon ang table's teacher.

"Kumalma nga kayo ! Ganyan ba ang mga ugaling ipapakita nyo !? Paano nyong masasabing maaari kayong maging meyembro ng GAMU kung sa simpleng problema ganyan kayo umasta!!" Galit na sigaw ng kanilang guro at medyo natahimik naman ang lahat

"Hahatiin ko kayo at bawat grupo ay may pitong meyembro, At bago nyo simulan ang inyong misyon. Ang misyon nyo muna ay sunduin ang kanya kanya nyong pamilya at idala sa safe zone. Gagawin nyoto para maayos na magawa ang inyong mga misyon at walang pag aalala. Good luck guys. Nasa inyong mga kamay ang kaligtasan ng lahat" Mahabang anunsyo ng kanilang guro na naging dahilan ng pagiging seryoso ng lahat.

Bigla namang nagtaas ng kamay si Van at tinanong ang guro. "Ano ba talaga ang misyon namin ?" Seryosong tanong nito

"Iligtas ang karamihan at alamin kung saan ito nagmula at lutasin sa lalong madaling panahon" sagot ng guro.

"So parang Army na lahat ng estudyante ng Magical University?" singit ni Ace na nakangiti.

"Oo, dahil yun naman ang purpose kung Bakit nabuo ang Magical University, Para may pasukan ang mga kabataang magiging tagapag ligtas ng lahat" Seryosong sagot ng guro at matiim na tinignan ang mga estudyante "Student's sobrang thankful ng lahat dahil meron kaming tulad nyo" mula sa pusong pag papasalamat ng guro.

At sinimulan na ni Mr. Simon ang pag grupo sa mga estudyante.

"Mr. Draymon, Makakasama mo sa misyong ito ay sila

Mr. Madrigal

Mr. Clarkson

Ms. Cruz

Mr. Falcon

Mr. Jackson

at Ms. Perez "

Anunsyo na kanilang guro. Nagulat naman si Vanna nang marinig ang kanyang apilyedo. Ibigsabihin sila ang makakasama ko sa una kong misyon ? sabi nya sa isip nya .

At talaga naman ang mga lalaking to pa ang makakasama ko ? sabi ni Van sa kanyang sarili at napa yukom ang mga kamay ni Van.

Magrereklamo pa sana si Ace dahil ayaw nyang makasama ang mga kagrupo pero nang maalalang kasama nya si Vanna ay ngumiti nalang sya ng malapad at naexcite.

Mukhang si Lance at Vanna lang madali kong makakasundo sa mga kagrupo ko. Sabi ni Axdrei sakanyang sarili.

Lahat ng Estudyante ng Magical University ay maayos na nakalihira sa loob ng battle field habang nakikinig sa Sekretaryang si Ms. Laurine sa Stage.

"Students of Magical University. Ang Mission na ito ay para nang malaking digmaan. Napaka raming buhay ng tao ang nakasalalay sa inyong mga kamay. Ilang taon na kayo sa paaralang ito at may tiwala kami sa inyong mga kakayahan. Sana kung kompleto kayong lumabas sa Magical University ay bumalik din kayo ng kompleto. At sana alam nyo ding pag labas nyo dito ay isinugal nyo na ang inyong mga buhay. Goodluck students." mahabang anunsyo ni Ms. Laurine.

Meron pang 30 minutes bago sila lumabas ng Magical University. Nasa loob ng isang classroom ang Grupo nila Vanna para pag usapan ang kanilang mga plano.

"Ano ang una nating gagawin?" Tanong ni Lance sa lahat na seryoso ang mukha maliban kay Ace na nakangiti ng pilyo.

"Mas mabuti siguro na puntahan muna ninyo ang mga pamilya nyo" Sagot ni Axdrei.

"Eh pano naman kayo nila Ace at Lance na andito sa loob ng Magical University ang pamilya ?" tanong naman ni Van. Andito sa loob ng Magical University ang pamilya nila Ace, Lance at Axdrei. Dahil ang ama ni Ace ay Si Vice President Albert Falcon ng M.U at ang kuya niya ay Head teacher at ang ina nito ay isa sa board member ng buong M.U ganun din ang Lolo ni Axdrei na isa sa pinaka mataas na Official sa M.U lolo niya ang may hawak ng lahat ng mga sundol ng eskwelahan nila at ito ang namumuno sa mga military ng buong bansa na galing sa M.U at General ang Lolo niya sa buong bansa. At ganun din ang Ama ni Lance na mataas din ang posisyon sa Magical University.

Ang Magical University ay parang Palasyo na may mga sundalo at pinapamunuan ng isang tao na kung ituring ay parang hari at pinaka makapangyarihan sa loob ng M.U at labas ng Unibersidad. Mapalabas o loob ng M.U ay makapangyarihan parin ang namumuno dito bukod sa posisyon meron itong malakas na kapangyarihan. Maraming nagtatangka sa posisyon na to para makontrol ang lahat ng makakapangyarihang estudyante sa buong Magical University at gamitin sa nasama. Katulong ng M.U ang gobyerno lalo na kung sa tungkol sa kaligtasan ng buong bansa o buong mundo. Maraming sponsor ang eskwelahang ito lalo na't alam nilang kaya silang protektahan nito.

"Tutulong nalang kami sainyo na iligtas ang mga pamilya nyo" sagot naman  ni Axdrei.

"Ikaw Van kung gusto mo mauna kana " Pang asar naman ni Ace. Hindi talaga sila magkakasundo. Hindi naman sila ganto eh. Matatalik na mag kakaibigan silang tatlo. Simula lang nang manalo si Axdrei sa pagiging President ng Student Council nangibabaw na ang kanikanilang pakikipag kompetisyon sa isa't isa.

"nasa safe zone na sila " sagot ni Van na ipinagtaka nila. Tumawag ang papa niya na nasa safe zone na ang mga kapatid nito at ang ama. Samantalang ang Ina ay si Ms. Laurine ang Sekretarya ni Director Fontez na namumuno sa buong M.U . Masama ang loob nito sa Ina at kay Director Fontez dahil alam nyang may relasyon ang dalawang ito.

Mukhang alam na nila Ace at Axdrei ang ibigsabihin niya dahil alam din nila ang tungkol sa Ina nito at kay Director Fontez. Sa kanilang lahat sila ang may pinaka may kakilala sa isa't isa.

"Kung ganun. " tinignan nila sila Kristal at Vanna. Dahil alam nilang wala naman nang itinuring pamilya si Kyrus ang dalawang babae nalang ang kanilang tatanungin.

"Kristal at Vanna pamilya nyo nalang ang una nating pupuntahan" sabi ni Axdrei. Tumango naman si Kristal habang si Vanna ay tahimik lang.

"Sila lolo Mike at Lola Mary kasama ang dalawa kong kapatid ay nakatira sa isang probinsya malayo sa lugar nato baka kung ano na nangyare sakanila" Medyo nag aalalang sabi ni Kristal.

Magical University (M.U) : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon