Chapter 9!

23 1 0
                                    

Kasalukuyan kong minamaneho si baby ko. What I mean is si motor ko okay? Papunta sa school, and napaka ganda ng araw ngayon kaya sana walang sumira nito. Kundi mukha nila ang sisirain ko! Charr lang. Bad yun. Bait bait ko kaya.

Nanang nakarating na ako sa school ay pinark ko si baby. Habang naglalakad ay rinig na rinig ko ang sigaw ng isang babae na panigurado ako na si Hannie, at wala nang iba. And tama naman ako, nakita ko siya kasama ang isang lalaki. Nakooo, I smell something fishyyyyy.

"KAPAL MONG MALIITIN ANG HOTNESS KO!" Wait what? Hotness daw? HAHAHAHA. Pero wait..... may narealize ako.

Kung hot siya, ibig sabihin mas cool ako sa kaniya! HAHAHAHA. Pero kung nababasa niya lang isip ko siguradong nabatukan na ako nun. Ayaw na ayaw pa naman palalamang sa iba. Hayst buti pa ako, napakabait na nilalang. Nagsimula na akong maglakad at nilagpasan silang dalawang nagtatalo na ngayon. Pero bago ako tuluyang makalayo sa kanila ay tumigil ako.

"UYYYYYY! TAMA NA SA PAGBABANGAYAN! MAMAYA MAGKAINLABAN PA KAYO DIYAN. TUTAL MAY CHEMISTRY PANAMAN KAYO! AYIIIEEE" sigaw ko at tumakbo na. Aba mahirap nang maabutan ako ni Hannie noh? Baka mamaya pektusan ako nun eh.

Pagdating ko sa room ay agad na akong umupo sa silya ko. Inayos ko ang pagkakabun ng buhok ko dahil medyo nagulo ito dahil sa byahe ko kanina. Maya maya pa ay lumapit sa akin si Cole.

"S-saira?" Tawag nito sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Baka mamaya mangongopya rin siya ng assignment kosa math eh. At eto namang teacher namin, pangatlong araw palang namin pero may assignment kaagad. Hayst. Naramdaman ko namang kinalabit niya ako kaya napatingin ako sa kaniya ng matalim.

"Kung mangongopya ka ng assignment sa math, wala kang mapapala." Diretsahan kong sabi sa kaniya na ikinatungo naman niya.

"Magpapatulong sana ako sayo." Tulong? Anong tulong?

"Ano ba yun?" Tanong ko naman

"Sa math." Tulungan mo naman ako, okay ako sa ibang subject hindi mataas pero pasado pero sa math sobrang bagsak ako. Magbabayad ako kung kailangan." Saad nito na ikinagulat ko.

"Okay. Sa sabado pwede ka? No need to pay, pagmiryendahin mo lang ako ng milktea sapat na" sabi ko ng nakangiti at nakathumbs up pa.

"T-thank you!" Sabi nito at ngumiti

"Tsaka ka na magthank you kapag nakapasa ka na sa math. At tsaka, sa math lang ha? Kung ibang subject wala kang maasahan sa akin." Pagamin ko at napakamot sa ulo

"Kung gusto mo magtulungan tayong dalawa para maipasa lahat ng subject." Natuwa naman ako sa narinig ko dahil parang pursigidong pursigido siya

"Sige ba! Sa Sabado ha. Chat nalang tayo." Sabi ko nang nakangiti. Maya maya pa ay dumating na ang teacher at nagturo.

Dumating ang kasunod at nagturo. Medyo nabored ako sa lesson kaya nagtaas ako ng kamay at nagsabing iihi lang. Agad akong lumabas at nagtungo sa garden. Naabutan ko ang mga haliparot na naglalandian sa farden habang naaapakapakan na ang mga halaman. Pero wala silang pakialam, ni hindi nga nila napansin na nandito ako eh. Sila ata yung nakita namin sa parking lot.

Tumikhim muna ako para maagaw ang atensiyon nila. Pero tumingin lang sila saglit at ipinagpatuloy ang harutan.

"Kung maglalandian kayong mga haliparot kayo, please wag niyong idamay yung mga halaman. Huwag kayo dito sa garden, doon kayo sa SOGO." Saad ko kaya naman napataas ang isang kilay nung babae at matalim akong tiningnan. Pero hindi ako nagpatinag, duh? Mas nakakamatay parin titig ni Hannie at mas lalo naman yung kay Jessica pag nawalan na ng pasensya. At mas lalo siyang matakot sakin, kasi pag ako sinubukan niya. I'll make her life a living hell. Oh panis! English yan.

Love BETWEEN FightWhere stories live. Discover now