Her Human Mate...
Medyo maingay ang mga kapitbahay dahil sa mga bata ng lumabas kami ng bahay Pina-una na kami ni nanay na pumunta dahil dadaanan niya pa daw ang ipina-reserve niyang mga gulay at karne kay Manang Simang
Naglalakad kami ni Ash papunta sa mansyon ng mga Saavedra Ng mapadaan kami sa Tindahan nila aling Sita
"Alam mo Cupid madalas kong mapansin yang malalagkit na tingin satin nila Manong Abner saka ng mga kainuman niya" Medyo pabulong niyang sabi
"Hindi ka pa nasanay eh alam mo namang mga matatandang manyak yang mga yan halos lahat ata ng dalaga dito ganyan ang tingin nila eh" aniya ko naman sakanya ng pabulong din
"Sa bagay my point ka"
Nakarating kami sa mansyon pero bigla bumilis tibok ng puso ko ewan ko kung bakit baka kinakabahan lang ako kasi ngayon ko lang makikita ang mga kalapit na pamilya ng mga Saavedra kaya maraming nanamang taong dadarating sa mansyon ngayon
Pumasok kami sa loob ng bahay sa likod dahil nandun ang kusina naabutan dun namin si nanay na nandun
"Oh..nay mas nauna pa kayo dumating saamin ah kala ko po ba may dadaanan pa kayo?"nagtatakang tanong ko
"Isinabay na kasi ako ng Tiyo Arnold mo ng mapadaan siya kila manang simang"saad niya Habang naghahanda ng mga lulutuin ngayong araw may magaganap kasing pagdiriwang ngayong araw welcome party daw
"Simulan niyo nang maglinis sa loob tinawagan ko na din yung ibang mga katulong na pinagbakasyon ko muna nung wala pa ang mga Saavedra" Sabi ni nanay tumango-tango naman kami si nanay ang mayordoma ng bahay na to dahil sakanya ibihabilin ito ng mga Saavedra ng magbakasyon sila sa malayo
Inabot na kami ng tanghali sa pag-aayos at paglilinis hindi dahil madumi ang mansyon kundi dahil mastado itong malawak at malaki dumating na din ang iba pang mga katulong pero tanghali na talaga kami natapos dahil pinalitan pa namin ang tubig sa mga pool at nilabas na din namin ang mga kagamitan sa bodega na nilalabas pag magkakaroon ng pagdiriwang dito sa mansyon
"O siya jan niyo nalang ilagay yan cupid at yung events coordinator daw ang mag-aasikaso jan ilabas niyo lang daw yang mga gagamitin"sabi ni nanay ng madatnan kaming naglalabas ng mga gamit para sa pagdiriwang
Nang matapos kami kumain at nagpahinga muna kami ni Ash habang yung iba naglilinis pa din ewan ko ba sa mga yan kala mo kung makapaglinis napaka-sipag eh nung wala namang tao dito hindi naman sila nagagawi dito mga plastic nga naman..
Biglang bumusina sa may harap ng mansyon kasabay ng pagsigaw ni nanay
"Nanjan na sila magsi-hilera na kayo jan at babatiin natin sila sa kanilang pagdating" Sigaw niya lahat kasi kami ngayon ay nakadamit pangkatulong
Nagsi-hilera na kami unang pumasok ang mag-asawang Saavedra Nakakapagtaka lang na ang babata pa rin ng mga itsura nila pero sabagay marami silang pera sino ba makakapagsabi diba malay mo dahil sa
Mga doctor din Biglang bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit kanina pa to napabaling ako kay ash ng bumulong ito sandaling nawala ang atensyion ko sa sususnod na papasok dahil nabaling kay Ash ang pansin ko"Ayan na makikita na natin sila ng personal dati sa mga picture frames lang dito sa mansyon ngayon face to face na" bulong ni Ash na rinig na rinig ko dahil katabi niya lang ako
"Tumahimik ka jan Ash mamaya marinig ka nila isipin pa nilang ngayon ka lang nakakita ng tao" natatawa kong saad pasimpleng irap naman ang isinagot niya sakin
Pumasok ang anak ng mag-asawa Si Mrs.Samantha kasama ang asawa niyang si raffaella Alcantra kasunod naman nila ang anak nilang si ella kasama ang asawa nito na babae din hindi na ako nagulat ang kwento kasi ni nanay Fixed marriage daw ang nangyari kila ma'am Samantha at sa asawa niya saka marami na din namang same sex marriage na nangyayari sa ibang bansa so wala nang bago
Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko ng unti-unting pumasok Ang pangalawang anak ni Ma'am Samantha nahigit ko ang aking hininga ng nang tuluyan na siyang makapasok parang slow motion lahat sa paligid ko ng bigla siyang tumingin sakin panandalian kong nakita ang pagdaan ng kislap sa kulay abo niyang mga mata ano yun spark? Ang ganda niya parang anghel magkamukha sila ng kambal niya pero magkaiba ang kulay ng buhok para siyang diwata Hala na titibo na ata ako
Lumapit siya sakin na ikinagulat ko at hindi lang ata ako lahat ata ng nasa paligid ko mukhang nagulat sa biglaang paglapit niya sakin ang bilis nga eh nasa harap ko agad siya
"I finally found you ....Mate"
BINABASA MO ANG
Her Human Mate GxG
Vampire"Tu-long ...parang awa niyo na tulungan niyo ko!" Nanghihinang sigaw ko habang tumatakbo sa kagubatan hindi ko na iniinda ang mga sugat sa paa ko at punit punit kong damit "Wala ka nang tatakbuhan pa Cupid mamatay kana! Pero bago mangyari yun ipapal...