Chapter 4

367 24 1
                                    

Pag uwi ng bahay ni Cupid ay nandun na si Ash basang-basa siya ng dahil sa ulan buti nalang at wala nang mga tao sa labas pero parang may iba siyang nararamdaman habang naglalakad siya kanina parang may nakasunod at laging nakatingin sakanya di niya maintindihan nakakatakot.

"Hoy!" Gulat siyang napatingin kay Ash nang bigla nalang itong sumulpot sa kung saan.

"Bakit ka ba nanggugulat!" Nakangusong sigaw niya dito, tumawa lang ito na parang walang nangyari.

"Ang lalim kasi ng iniisip mo, nakakalunod." Natatawang sabi nito.

"Di niyo ba talaga nakita na bigla akong hinila ni Ma'am Sky kanina?" Nagtatakang tanong niya, kanina kasi nang pagpasok niya parang normal lang na kinausap siya ni Ash Pero sa Ugali ng babaeng ito wala sa bokabularyo nito ang hindi maging usisera.

Nang tanungin niya naman ito ay tinawanan lang siya lalo pa nung sinabi niya ang totoo na hinaras siya ni Sky.

"Anong Hinila? Ang kulit mo diba nga nagpaalam ka pa saamin na uuwi ka na kasi masama pakiramdam mo di mo na nga naabutan sila ma'am Samantha sa sobrang pagmamadali mo." Natatawang sabi nito.

"Alam mo matulog kana lang, baka inaantok ka lang kaya ganyan ka puro ka kasi puyat eh. Tignan mo kamukha mo na si Aling Pasing." Nangaasar na sabi nito sabay labas ng dila at humiga patalikod sakanya.

Pinalo niya naman ito ng unan na ikinatawa nito humiga na din siya at sinubukang matulog pero binabagabag parin siya nang nangyari kanina.

Bakit walang maalala si Ash? Diba katabi niya lang ito kanina? Saka naabutan niya ang pagdating nila ma'am Sam pero bakit sabi ni Ash hindi?

Hanggang ngayon nga ay ramdam niya parin ang mga haplos at ang malambot na labi ni Sky na lumapat sa Labi niya.

Dahil sa naiisip niya ay bahagyang pumula ang pisngi niya, Teka nga bakit ba niya iniisip ang babaeng yun eh Na-harass na siya yun pa yung may ganang magalit pakitunguan siya ng malamig.

Peeo hindi niya alam kung bakit, Bakit hanggang ngayon masakit pa din parang matagal na nilang kilala ang isat-isa at bakit ang sakit isipin na pinagsawalang bahala nito ang presensya niya.

Dahil naiiyak nanaman ay pinikit niya ang mga mata niya at sinubukang makatulog, hindi naman siya nabigo ng unti-unti siyang kainin ng antok.

Hey, my Princess.

Hey to you too my love.

I love you my Princess.

I love you more than you ever know my love.

Our love is forbidden if someone knows we'll both die my love.

I am willing to die just to be with you.

Your a disgrace to all guardian's, we loathe you.

Kill that Blood Sucker.

No!

My Mate!

Mi Amore wake up please don't give up.

Moon Goddess, I Princess of The Guardians know that my life isn't worth enough but even if I have done so many sins tell me that I meant something, that we meant something, I sacrifice all my power even if it cause my own life for a one Last wish. Please, I'm begging you please allow me and my Love to have Second Chance and be together again.

Die disgusting Creatures!

Napabalikwas ng bangon si Cupid matapos ang panaginip na yun dahil sa panaginip niya ay sinunog ang babae ng mga tao habang nakatingin sa kalangitan nakatali ito sa mahaba at malaking kahoy puno ng sugat at halos kulay pula na dahil sa dugo ang puti nitong damit.

Her Human Mate GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon