prologue

23 2 0
                                    


After that worst encounter with my family. I decided to went to this high end bar.

Pag pasok ko palang, amoy na ng alak at sigarilyo ang bumungad sakin. Well im used to it, kaya siguro wala na lang sakin.

Dumiretso ako sa bar counter at umorder ng isang bloody marry. isang lagukan ko lang ito, agad akong napangiwi ng gumuhit ang lasa nito sa lalamunan ko.

Habang nag titingin tingin sa maingay at magulong bar na ito, nadako ang paningin ko sa isang babaeng nakatayo sa harap ko at nakatitig sakin.

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at dire diretso akong nag lakad papunta sa kanya. Without breaking our eye contact huminto ako sa harap niya.

Ngumisi ang mapupula niyang labi sakin.

And the next thing i knew.

Im kissing her... Passionately.

***

Alistair Demetri. My annoying neighbour.

He's been my friend as long as i can remember. He's so annoying, so i hate him most of the time, he hates me too, so i think the feeling is mutual.

Then this one freaking day. Bigla nalang nag bago ang lahat, December 14 20** my birthday, may party sa bahay pero pinili kong iwanan yon para sumama sa kanya sa tree house sa bakuran nila. I decided to celebrate my 13th birthday with him, we had this magical candle and an ugly party hats.

"Happy birthday tombs!" Sigaw niya at kinantahan ako ng birthday song. He keeps on chanting pero di ko siya pinansin busy ako sa regalo niya sakin. Isa itong bracelet na may key pendant. Maganda ito at halatang mamahalin.

"Hoy tombs, hipan mo na to" he keeps calling me tombs or tomboy, dahil daw laging lalake ang kaibigan ko sa school. Humarap ako sa kanya at hinipan ang cupcake niya na binili kila aling Beth.

Akma ko nang kukunin yung cupcake ng bigla niya itong isubo ng buo. Agad ko siyang binatukan at sinamaan ng tingin, tumawa lang siya ng tumawa.
I just looked at him. I smiled mukang mas masaya pa siya kesa sakin.

Kinabukasan maaga akong pumunta sa bahay nila para isauli itong psp na pinahiram niya sakin.

Alas onse palang ng hapon kaya sobrang init, katok ako ng katok sa gate nila pero walang nag bubukas, pinukpok ko ng ito ng bato pero wala parin.

"Neng, wala na yung nakatira diyan umalis na kaninang madaling araw" sabi ni aling Nida habang nag didilig ng halaman.

"Umalis saan po nag punta?" Tanong ko.

"Sa US ata" ani nito at tinuloy ang pag didilig.

Napa upo ako sa gilid at bumuntong hininga. Mahina akong nag mura dahil walang sinabi sakin ang lalaking iyon na aalis sila. Ang haba namin na mag kasama kahapon pero wala siyang binanggit sakin.

Inis ako tumawid at bumalik sa bahay, nakita ko si mama na inilalabas na ref yung mga tirang handa ko kahapon.

"Ma, bat daw umalis si Tita Kimmy?" Tanong ko kay mama. Si tita Kimmy mama ni Alistair.

"Dun na ata titira sa US dahil pinamigay na nila yung ibang gamit nila" sagot ni mama.

Kumunot ang noo ko, mabigat ang hakbang ko na nag martsa papasok sa kwarto ko.

Umupo ako sa gilid ng kama at inis na napa padyak. Nadako ang tingin ko sa picture namin na nakapatong sa side table ng kama ko.

Nakangiti siya pero ako nakasimangot. Tandang tanda ko to first day of school grade six, ayoko kasi ng ipit ko non nakatirintas ako na pakana ng ate kong bruha. Inis na inis ako at nag sumbong ako sa kanya, lalo niya akong inasar kaya nauwi sa away.

Ng papasok na kami sa gate bigla nalang kaming tinawag ng mama niya para mag picture.

Okay sana nung umpisa kaso sinimulan niya akong asar asarin. Kaya nakasimangot ako sa picture. Sa sobrang frustrated ko, humiga ako sa mahinang umiyak sa ilalim ng kumot.

5 months had passed, di parin ako sanay na wala ang makulit kong bestfriend. May bago ng nakatira sa bahay nila kaya lalo akong nalungkot.
Hindi ako sanay na wala siya at wala na kong kakampi sa lugar na 'to

Bigla bigla nalang pumasok si ate non sa bahay na hilam ang luha sa muka, nasa kusina ako kumakain at di ko siya pinansin, nagulat ako ng mag simulang umiyak si mama, si papa naman ay inalo alo siya.

Pumunta ako malapit sa kanila iyakan sila ng iyakan, nag taka naman ako. Narinig ko na pinag uusapan nila yung totoong papa ni ate.

Pumunta sila sa sala nandun lang ako at nakinig, ng lumakas ang iyak ni ate lumapit ako sa kanya at humawak sa kamay niya.

Nakaupo lang ako sa gilid ng sofa ng bigla nalang may sinabi si mama na halos ikabingi ko.

Hindi niya daw ako anak, were not related in blood, kahit si ate kahit half hindi ko kadugo.

Bigla nalang akong nabingi umiiyak na pala ako. Hindi, hindi totoo yon sigaw ng isang bahagi ng utak ko, niyakap ako ni mama kaya lalo akong naiyak.

Ang pamilya na akala ko ay totoo at kumpleto nasira sa isang iglap. Hindi ko alam kung saan mag sisimula, nakaramdam ako ng takot, gulong gulo ang utak ko sa nangyayare.

After that day i decided to talk to papa kung sino ang totoo kong nanay. Nag alangan siya ngunit sinabi niya sakin ang pangalan nito.

Hinanap ko to lingid sa kaalaman nila, hanggang sa napadpad ako sa isang sikat na sabdibisyon, dahil sa pag tatanong nahanap ko ang bahay ng nanay ko. Malaki ito at halatang mayaman ang nakatira.

Kumatok ako sa gate at tinanong kung dito ba nakatira ang nanay ko. Tumango ang maid kaya halos mag bundol ang kaba at excitement sakin.

Lumabas ang isang, sopistikadang babae, halata ang pag kakalapit ng anyo namin nito, kamukang kamuka ko siya.

Nagulat siya ng bigla ko siyang yakapin, bakas sa muka niya na hindi siya natuwa sa ginawa ko, kumunot ang noo ko ng itulak ako nito. Napa atras ako.

Kita ko ang inis at iritasyon sa muka nito. Kahit ganon ngumiti ako ng natamis at ipinakita na masaya ako at nandito siya sa harap ko.

May nilabas akong picture nung baby pa ako pinakita ko ito sa kanya. Tinignan niya lang ito pero walang halong gulat.

"Ako po si Macky Jane, ako po yung anak niyo" nagniningning ang mata ko na nakatingin sa kanya.

"Alam ko" mataray na wika nito.

"Miss na miss po kita" akma akong yayakap ngunit mabilis siyang umiwas at tinulak ako. Napatulala ako sa gulat at sakit ng ginawa niya.

"Wala akong pake, matagal na kitang inabando kaya pwede umalis ka na dito!" Agad nag tubig ang mata ko, naestatwa ako at nanghina.

May lumabas na isang mantandang hapon at tinawag niya mabilis naman siyang tumalima at tinalikuran ako.

Lumabas ulit ang katulong at iginaya ako sa gate ng bahay. Pag sarang pag sara ng gate, doon bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan, tumakbo ako habang umiiyak, sumakay ako ng taxi at nag pa hatid na bahay namin.

Pag uwi ko takang taka sila ng makita ang mugto kong mata. Agad akong niyakap ni papa at doon na ako napa hagulgol.

Pinakita ko na okay na ako at dire diretsong pumasok sa kwarto ko. Galit at pangungulila ang nararamdaman ko.

Tinignan ko ang litrato namin sa bed side table, mapait akong ngumiti. "Sana andito ka, kailangang kailangan kita".


.....

IN BETEEN [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon