Masaya siyang kumakaway sa'kin habang papalapit ako sa kanya. Anlaki ng ngiti niya, para bang nakakita siya ng tagapag ligtas.

"Kamusta" masayang bati niya at kumapit agad sa braso ko.

"Okay lang, ikaw kamusta ka dito" naka tingin siya sakin ngunit ako naman ay iwas na iwas. Naiilang ako, kung kahapon ay parang normal na nerd lang ang tingin ko sa kanya ngayon ay parang mas gumanda siya.

"Masaya ako dito, feeling ko makakapag bagong buhay ako" di ko alam pero ang ganda sa pandinig ko ng boses niya.

Biglang lumungkot at pumait nag itsura niya.

"Bakit, may problema ba?" Tanong ko.

"Sa dati ko kasing school ako yung laging target ng mga bully" tinitigan kong mabuti ang muka niya. "Pero masaya ako kasi tingin ko magiging maayos lahat dito" sumigla ulit ang boses niya. Di ko alam pero napapangiti ako sa inosenteng muka niya.

Hindi niya pa ako kilala, di niya alam kung ano ang reputasyon ko sa eskuwelahang ito.

"Mabuti naman, magiging masaya ang school year mo dito" nag liwanag ang muka niya sa'kin parang nakahanap siya ng kakampi.

"So friends na tayo?" Humina ang boses na at parang nahihiya.

Kunwaring nag isip ako, agad nadismaya ang muka niya kaya agad akong napangiti.

"Okay, basta friends lang. May best friend na'ko eh" niyakap niya ako sa humalik sa pisngi ko. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba at napatitig sa maganda niyang muka.

Lunch at napag desisyonan namin na sabay kaming kakain sa mall. Habang hinihintay ang sasakyan niya sobrang dami niyang kwento sa'kin ngunit di ko naman iniintindi lahat.

"Di ako makapaniwala, makikipag friends ka sakin. Eh parang takot na takot sayo mga istudyante dito" tumawa lang ako. Kung alam mo lang.

"Tsaka tignan mo ang angas mo pumorma, samantalang ako parang eto, nerd".

"Hindi no, bagay naman sayo yang ayos mo" wika ko. " Tsaka ang cute mo tignan" humina nag boses ko pero kita ko naman na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya.

"Uh ahem, wala pa sundo mo. Itext mo sabihin mo sasabay ka sakin" wika ko at tinuro ang big bike ko. Nanlaki ang mata nito at halatang na eexcite.

Humihigpit ang kapit niya kada bibilisan ko ang pagpapatakbo. Ewan ko ba bakit ako natutuwa na kasama ko siya, eh saglit palang naman kami mag kakilala.

Pag tapos namin mag lunch ay bumalik na din kami agad sa school. Nag tungo na siya sa klase niya ganon din ako.

Pag uwing pag uwi ko rinig ko na ang sigawan ni mama at papa. Napa tsk nalang ako at dinaanan lang sila, nung makita ako ay agad din huminto ang dalawa. Pinag aawayan nanaman nila ang pag alis ni ate, nag sisisihan kung sino ba ang nag kulang.

Di ko nalang sila pinansin. Akmang aakyat ako ng kwarto ng tinawag ako ni mama.

"Jane, anak halika muna dito" humarap ako at bored siyang tinignan.

"Ano nanaman ba yon" iniwas ko ang tingin sa maamo niyang muka na para bang nangungusap sakin. Inalis ko iyon sa utak ko at iritadong tumingin sa kanya.

"Kasi ano anak, pinadalan ka ng Mommy mo ng allowance, tsaka pera para sa pag college mo" humina ang boses nito na para bang nahihiya.

Ayaw ko man ngunit wala akong magawa kundi tanggapin ang pera ng babaeng iyon. Itinaboy niya ko ngunit bibigyan niya daw ako ng sustento basta hindi ko guguluhin nag buhay niya.

Pag kalipas kasi ng ilang buwan nung tinaboy niya ko ay bumalik ako sa bahay niya, pinag babato ko ito ng paputok habang sumisigaw na kapag hindi siya lumabas ay papasabugin ko ang bahay niya.

Kailangang kailangan na namin ng pera non at alam kong meron siya kaya napilitan ako. Pinangako niya na papadalahan niya ko ng pera kada buwan basta tigilan ko ang panggugulo.

Nabalik ako sa reyalidad ng sambitin ulit ni mama ang pangalan ko.

"Iwan niyo nalang sa taas ng ref, kung may kailangan kayo kunin niyo nalang diyan" tinalikuran ko silang dalawa at mabigat ang paang pumasok sa kwarto.

Humiga ako at tumitig lang sa kawalan. Nag kanda letse letse na ang perpekto kong buhay. Hindi ko alam pero siguro mahina ako para tanggapin ang mga bagay, kaya para sakin mabigat ang lahat ng yon.

Pakiramdam ko pag pinakawalan ko kung ano man itong nararamdaman ko ay makakalimot ako. Makakalimot sa kung ano ba ang dapat kong gawin, makakalilimot sa sakit na kailangan ko para makaramdam pa ng mga bagay.

Bigla kong naalala ang ngiti ni Janine, hindi ko alam pero natutuwa ako sa mga ngiti niyang yon. Parang napaka gaan at nakakaalis ng kung ano mang bumabagabag sakin.

Mapait ngunit ngayon ay may halong buhay akong napangiti. Hanggang sa nilamon na ko ng antok.

IN BETEEN [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon