"Hala mag sitabi kayo dadaan na si Macky!" Sigaw ng isang istudyante sa gilid ng dumaan ako. Napangisi nalang ako, takot na takot sa'kin ang mga istudyante dito dahil alam nilang kung sino man ang humarang sa dinaraanan ko ay masasaktan.
Dire diretso ako ng may isang babae ang parang gulong gulo at nakaharang sa dinaraanan ko. Agad itong lumingon at nag liwanag ang muka.
"Hi, ako si Janine uhm transferee kasi ako at di ko alam kung saan ang mga buildings dito" nahihiyang sambit nito, naka yuko ito at kung titignan ay isang typical na nerd.
Kanda tili ang mga tao sa gilid ng ayusin ko ang buhok na tumatabing sa muka nito. Akala siguro nila at sasampalin ko na ito o ano mang klase ng pananakit.
Halatang nagulat ito at ngumiti. "Gusto mo ba ilibot muna kita dito? Mahaba pa naman ang oras ko". Nagliwanag ang mata nito at masayang kumapit sa braso ko.
" Talaga salamat ah, anong grade ka pala?"Tanong nito.
"Senior ako pa graduate na" sagot ko habang sabay kaming nag lalakad sa mga corridor ng paaralan.
"Ay sayang naman, natatakot kasi ako dito dahil may notorious na bully daw, Kaya nag aalangan akong pumasok dito".
" Wag kang maniwala sa mga chismis, mga chismosa ang mga istudyante dito". Ayoko naman sirain ang first day niya dahil muka siyang mabait. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko dito.
Ng matapos naming libutin ang paaralan ay nag pasalamat ito at nag mamadaling pumunta sa class niya. Nginitian ko nalang siya at tumalikod paalis.
"Puchangina magsi alis kayo sa dinadaanan ko!" Sigaw ko sa kapwa ko senior na naka tayo padin kahit na nakitang dadaan na ako. Agad naman itong nag alisan sa takot na lumipad ang kamao ko sa kanila.
Kaya lang naman malakas ang loob kong mag hari harian o reyna reynahan sa paaralan na ito dahil takot ang mga istudyante sakin. First day ko bilang freshman ay nakipag basag ulo agad ako sa mga senior dito.
Marami akong alam na martial arts and hand combat kaya hindi ako takot na mapahamak. Salamat nalang sa galit ko at sa turo ng papa ni ate.
"Anak kumain ka na" salubong ni mama pag dating ko ng bahay, tumango lang ako at dire diretso sa kwarto ko.
Simula ng umalis si ate at sumama sa tatay niya lumungkot na ang bahay. Gustuhin ko man na bumalik ito sa dati ay hindi na pwede, hindi na ko babalik sa dati. Sa lahat ng sakit, lahat ng gulo sa utak ko. Mahirap na talagang bumalik sa dati, ilang taon na kong gulong gulo na nangyayare sa pamilya namin at saakin.
Napaka daming nangyare puro masasakit na bagay. Una nalaman ko na hindi naman pala talaga kami pamilya at hindi din ako tinanggap ng sarili kong ina. Pangalawa nag kalamat ang relasyon ni mama at papa dahil hindi naman talaga nila mahal ang isat isa. Pangatlo ang pag kawala ni ate at pag kagulo ng buhay na kinasanayan namin.
Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na yon. Umuwi akong gutom na gutom galing sa school, dire diretso akong pumasok ng maabutan ko si mama na may kahalikan at hindi iyon ang papa ko.
Ang kapitbahay namin na matalik na kaibigan ni mama. Si ate Josephine.
Kita ko ang gulat sa mata nilang dalawa ngunit di ko sila pinansin. Kumuha lamang ako ng makakain at pumasok sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng kakaiba pag tapos non, hindi ko nakikita na mali ang ginawa nila. Hindi ko ito nakikita bilang maling bagay na dapat pandirihan. Bagkos nakikita ko ito bilang isang bagay na gugustuhin ko ding gawin.
Buong gabi kong pinag isipan ang nangyare, gulong gulo ako sa sarili ko at sa nakita ko. Nag simula akong kwentiyunin ang pag katao ko. Normal lang bang mas naaaliw ako sa lesbian porn kesa sa normal na pagtatalik. Hanggang ngayon ay hindi ko alam, hanggang ngayon napakarami kong gustong subukan ngunit wala akong lakas ng loob na gawin.
WaH.
BINABASA MO ANG
IN BETEEN [on-going]
Storie d'amoreI don't know who i really am anymore. Im confused and lost. WaH