1.
—
"Ano bang nagustuhan mo diyan kay Spencer? Eh dinededma ka lang naman niyan!"
Hindi ko siya tinignan at tuloy tuloy lang ako sa paggawa ng sushi.
Nagvi-videocall kami nitong kaibigan kong si Mia habang ako ay busy sa paggawa ng sushi para kay Spencer, ang aking pinakamamahal na lalaki. Hahaha!
"Wag kang mangialam, Mia!"
Sabi ko nang hindi tumitingin sa screen ng laptop ko.
"Deneece Zamora, tandaan mo palagi na ayaw sayo ni Spencer Viña kaya wag ka na magsayang ng oras at panahon sa lalaking yun!"
"Mia Ramirez.."
Tumingin ako sa screen na nakatingin lang din siya sakin.
"I love him."
"Hindi ka niya mahal."
"It's okay! Matututunan niya din akong mahalin."
Sabi ko at tinuloy ang paggawa ko.
"What the hell is wrong with you, Deneece? Alam mo, tinitiis ko lang na hindi mangialam sa pagmamahal mo na yan kay Spencer ah? Pero hindi ka ba napapagod? Ikaw nalang palagi ang naghahabol at umiintindi."
"Mia, I love him."
"So? Wala akong pake. Layuan mo na siya, Deneece!"
"Mia.."
"Girlfriend ka niya pero kung itreat ka niya parang wala lang! Sa school, hindi ka niya pinapansin at humahalik siya ng ibang babae sa school kahit kayo pa then eto pa ah?! Harap harapan niya pang pinapakita sayo. Wala siyang respeto, Den."
"Naiintindi–"
"Yeah. You always understand, wala ng bago. Take note ah? 3 years na kayo! 3 fcking years pero parang wala lang sa kanya yung relationship niyo."
"I think you have to rest na, Mia. Bukas nalang tayo mag-usap sa school okay? Goodnight and I love you."
Sabi ko at inend na ang vidcall. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa dahil nanghihina ako sa mga sinasabi niya. Yeah, totoo naman diba? Totoo naman.
Napatungkod ako sa lamesa at pumikit. Huminga ako ng malalim at sa pagdilat ko, nakita ko ang sushi na pinagpupuyatan kong gawin para kay Spencer.
Kahit alam kong malabo pa sa kanal na tanggapin niya to ay ginagawa ko parin at pinagpupuyatan. Mahal ko kasi siya e.
Boyfriend ko na siya for almost 3 years. Mag-4 na next month and last month na namin dito sa University, gagraduate na kami ni Spencer at nila Mia.
Tinake ko ang Psychology. Parehas kami ni Spencer dahil yun ang gusto niya, sinundan ko siya kahit ang gusto ko is Arts and Design. Pangarap kong maging Fashion Designer pero naging Doctor ako dahil sa kanya.
Naalala ko pa ang sabi niya noon sakin, "Please. Mag-Psychology ka, Deneece. Gusto kitang makasama." at dun nag-umpisa ang pagiging tanga ko. Kaya ko palang ipagpalit ang pangarap ko para sa kanya at yun ang kinagagalit ko sa sarili ko.
Nag-Psychology ako pero kahit magkasama kami sa iisang room, hindi niya ko pinapansin. Harap-harapan siyang nakikipaglandian sa magaganda naming classmate at make out nadin.
Pero hindi parin ako sumusuko. Wala e, mahal ko e. Tanga na kung tanga.
Hindi ako sumuko sa kanya. Kahit aware akong marami siyang babaeng kasama, kalandian, kahalikan at kahit alam kong hindi ko mapapantayan o mahihigitan ang babaeng totoong mahal niya hindi parin ako sumuko. Pinapakita ko parin na mahal na mahal ko siya at di ako basta basta susuko sa kanya.
I love him and I always will.
—
"Oh paano mo ibibigay yang pinagpuyatan mong sushi, Zamora?"
Masungit na tanong sakin ni Mia.
Nandito kami ngayon sa Cafeteria, nakatingin kay Spencer na may kasamang ibang babae sa table nila at masayang nagkekwentuhan.
"Bahala na."
Sabi ko at tumayo na.
"Nako. Sinasabi ko sayo, Deneece! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag may ginawa o sinabi sayo si Spencer na hindi maganda."
"Ano ba, Mia! Kumalma ka nga."
"Tsk."
Umalis na ko sa table namin ni Mia at lumapit kanila Spencer. Nang makalapit ako sa kanila ay biglang napatingin sakin ang mga kasama nila Spencer kaya pati siya ay napatingin sakin.
Tinaasan niya ko ng kilay.
"Ano nanaman?"
Nakukulitan niyang sabi sakin.
"Ayiiee! Andiyan nanaman si Ms. Obsessed!"
"Spencer! HAHAHAHA! Kinikilig balls niyan!"
"T*ngina! Loveteam!"
Malakas nilang kantyaw na kinatawa ng lahat ng tao sa Cafeteria. Hindi ko sila pinansin at masayang inabot kay Spencer ang tupperware na naglalaman ng maraming Sushi.
"Para sayo, Spencer!"
Sabi ko at nagtawanan nanaman ang mga tao sakin pero wala akong pakealam.
Tumayo si Spencer at ngumiti sakin. Kinuwa niya ang inabot ko sa kanya at binuksan iyon.
"Ay wow naman. Salamat."
Sweet na sabi ni Spencer.
"You're welcome!"
Masaya kong sabi kasi tinanggap niya! Dati kasi hindi niya tinatanggap yung mga bigay ko sa kan–
*PLOK*
Gulat akong napatingin sa mga Sushi na natapon sa sahig. Binaliktad ni Spencer ang tupperware kaya natapon ang mga Sushi na ginawa ko para sa kanya.
"S-Spencer.."
"Pwede ba, Miss Who-You-Are? Leave me alone! Wag mo na ko guluhin pwede? Tch. Fcking stalker."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nakatingin parin sa Sushi na tinapon at sinayang niya sa sahig.
Sana sinabi niya nalang na ayaw niya o di kaya hindi niya nalang tinanggap para pwede pa naming makain ni Mia yung mga Sushi.
Naiiyak ko tong tinignan at the same time.. nahihiya ako. First time kong maramdaman ang gantong pakiramdam, ang mabalewala ng sobra. Dati kasi, hindi ko dinidibdib ang mga ginagawa niya sakin kasi sinusuksok ko sa utak ko na mahal niya din ako kahit katiting kasi pinaparamdam niya yun sakin minsan.
Pero ngayon?
Nasaktan ako ng sobra. Palagi naman akong nasasatan e, sa tingin ko ito yung pinakasobrang sakit na nagawa niya sakin. Mas masakit pa sa makita siyang nakikipaghalikan sa iba.
"Napaka-feelingera mo kasi! Akala mo naman kakainin ni Spencer babe ko yang cheap na pagkain na yan. Sa pagkakaalam ko mumurahin lang yan sa Japan, kaya niya bumili ng ganyan kahit libo pa! Hmp!"
Rinig kong sabi ng kasama ni Spencer na babae.
Napayuko ako at dahan dahang yumuko para pulutin ang mga Su–
*BLAG!*
Bigla akong napaayos ng tayo at tumingin sa pinagmulan ng bumagsak.
Lamesang nakatumba.
Lamesa namin ni Mia!
Nakatayo siya, nakayukom ang kamay at masama ang tingin kay Spencer.
No! No! No! Hindi pwede.
"IKAW! P*TANG*NA KA SPENCER VIÑA! SINASAGAD MO ANG PASENSYA KONG G*GO KA!"
Sigaw niya at tinuro si Spencer. Nakita kong nagulat si Spencer dahil minura siya ni Mia. Agad akong lumapit kay Mia at hinihila siya paalis sa Cafeteria pero matigas siya.
"Mia naman?!"
Pasigaw kong bulong sa kanya!
"NO! Hindi pwede! Sumusobra na siya e! Sobra na! Nakakakulo ng dugo ang bobong yan."
I'm.. dead.