3.

0 0 0
                                    

3.

"Joke lang!"

Halos masipa ko ang pagmumukha ng mukha nitong lalaking to habang tumatawa ng sobrang lakas.

"Kung nakita mo lang yung mukha mo, Deneece!"

Sabi nanaman niya at tumawa.

Tinignan ko lang siya at nag-umpisa ng maglakad palayo sa lalaking to. This guy really annoyed me! Big time!

"Uy! Haha! Joke lang e. Masyado ka namang tampururut."

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ikaw! Kung sino ka ma–"

"Denise."

"H-Huh?"

"Denise ang pangalan ko."

Huwaw! Magkapangalan pa kami ah?

"Okay! Denise. Pwede ba? Tantanan mo ko."

"Hindi pwede e."

"At bakit?"

"Pinapasabi ni Spencer na gusto ka niyang makausap."

Biglang nagbago ang mood ko.

"Huh? Bakit daw?"

"Dahil daw sa nangyari kanina. He wants to apologize."

Hindi ako nagsalita. Napatitig lang ako sa kanya at hindi makapaniwala.

"Seriously?"

"Yep. So, mabuti pa umalis na tayo. Lezgo!"

Sabi niya at hinawakan ako sa braso pero agad ko din itong binawi.

"Wait! Wait!"

Napatigil siya at nilingon ako.

"Seryoso to, Deneece. Kaya tara na!"

"Hindi siya galit?"

"Alangan galit!"

"Eh bakit kailangan ko pa pumunta dun kung galit naman siya? Atsaka bat siya magsosorry kung galit nga siya?!"

"Hindi siya galit sayo. Galit siya dun sa sumapak sa kanya! Ano ba?! Tara na kasi."

Sigaw niya at hinila na niya ako.

"Dahan dahan naman!"

"Tch."

Tinahak namin ang likod ng school at meron don na isang bahay– abandoned house ata to e. Halata naman kasing super luma na niya sa itsura palang.

Parang yung bahay ni lola ang datingan. Sobrang luma na puro sapot ng gagamba,kakakaba.

Pumasok kami dun at tumambad samin ang isang malaking grupo ng mga lalaki at babae. Isang gang. Gang nila Spencer– ang alam ko kasi may pinamumunuan siyang Gang, nakalimutan ko yung pangalan.

Siya ang leader.

Napatingin samin ang mga ito.

"Oh! Andito na sila Spencer."

Biglang napalingon samin ang isang lalaking nakahiga sa mahabang sofa– si Spencer. Ang ibang mga kasama niya ay nakaupo sa sahig, ang iba ay nagmemake out sa isang gilid, marami e.

"Ow. Andito na pala ang 27th girlfriend ko."

27th? Nagpapatawa ba siya? Kung oo, hindi ako natutuwa.

Umalis si Denise sa tabi ko at humatak ng isang babaeng na nasa isang tabi at hinalikan. Napaiwas ako ng tingin, tsk. Maling lugar ata tong napuntahan ko nakakainis.

"Hi."

Bati sakin ni Spencer. Tinignan ko lang siya, chineck ko gamit ang mga titig ko ang mukha niya para malaman kung okay lang ba siya.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong ko sa kanya na bigla niyang kinatawa. Tumatawa siya habang dahan dahan akong tinignan ng masama.

"T*NGINA MO! SA TINGIN MO AYOS LANG AKO?! G*GO! P*KPOK!"

At.. sinampal niya ako.

Gulat akong napatingin sa kanya.

"B-Bakit mo ko s-sinampal?"

Buong buhay ko, hindi ako nasampal ng mama at papa ko. Ni hindi nila ako sinaktan, unang beses kong masaktan ng pisikal.

"NAGTATANONG KA PA?! BOBO! P*KPOK! MAGSAMA KAYO NG KAIBIGAN MO DING P*KPOK! MGA KUPAL KAYO!"

Nalaglag ang mga luha ko. Natatakot ako.

"Nasan ang tapang mo? Ha? Nasan?"

At mas lalo akong naiyak ng hilahin niya ang buhok ko papalapit sa kanya.

"T*ngina niyo. Pinahiya niyo ko sa harap ng maraming tao kanina! Mga bwiset kayo! Mga p*ta!"

Mama..

"Bitawan mo ko!"

Buong lakas na sigaw ko sa kanya pero sinampal niya nanaman ulit ako at tinulak pasalampak sa sahig.

"G*go! Hindi pa ko tapos sayo. May kasunod pa yan, t*ngina niyo! Magiging miserable ang buhay niyo!"

Pagkatapos niyang sabihin yun, dun niya na ko inumpisahang bugbugin. Sinapak sapak at tinadyak tadyakan. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak at sumigaw.

Siya ba ang minahal ko?

Naluluha akong namimilipit sa sakit na naramdaman ko. Nakahiga ako sa sahig habang nakatagilid, ang sakit ng katawan ko.

Tumingala ako at nakita ko siyang hinihingal. Nakatingin din siya sakin ng masama, ningitian ko lang siya na halatang kinagulat niya. Dahan dahan akong bumangon at umupo.

Tumingin ako sa likod niya, ang mga kasama niya ay nakatingin lang sakin. Kahit si Denise. Tinignan ko siya sa mata at nakita ko ang awa pero alam kong wala siyang magagawa.

Tinignan ko si Spencer. Naramdaman ko ang sunod sunod na paghulog ng mga luha ko, ang dugo na nalalasahan ko ng dahil sa pagkasapak niya sakin ng ilang beses.

Ngumiti ako sa kanya at maya maya ay humikbi.

"Ito ba, Spencer?"

Tanong ko at tinitigan siya. Katahimikan. Walang nagsasalita, lahat nakatingin samin.

"Ito ba ang sukli mo sa lahat ng pinakita ko sayo? Sorry, Spencer. Minahal lang naman kita e."

Sabi ko at humagulgol.

"I-I'm sorry.. I'm s-so sorry.."

*BLAG!*

"ITAAS ANG KAMAY!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon