2.
—
"Hindi ko kasi maintindihan e! T*ngina mo kasing lalaki ka. Iexplain mo nga sakin kung bakit ginagawa mong tanga tong kaibigan ko slash girlfriend mo?!"
Sigaw ni Mia. Halos lahat ng paghila ginawa ko na para alisin siya pero matigas siya, ayaw niyang umalis.
"Mia, please."
"No!"
Mariin niyang sabi sakin at tumingin ulit kay Spencer.
"Hindi lang naman siya ang girlfriend ko. Hindi naman kasi lahat ng oras at atensyon ko nasa kanya, ginusto niyang maging boyfriend ako. So, magtiis siya."
Napatulala ako sa kanya. Habang si Mia nararamdaman ko na ang panggigigil niya, hinawakan ko ang kamay niya.
"Please, Mia. Please. Tama na."
Tumingin siya sakin na may.. awa. Naaawa siya sakin.
"Last."
Sabi niya at tumingin kay Spencer. Dahan dahan siyang lumapit sa Sushi na ginawa ko na tinapon lang ni Spencer. Dinakot niya yun gamit ang kamay niya at mas lalong nagulat ako kasi hinagis niya yun sa mukha ni Spencer.
"Mia!"
Sigaw ko sa sobrang gulat.
"What the fck?!"
"OMG babe!"
"Hoy! Babae! T*ngina mo ah?! Anong karapatan mong gawin yan kay Spen–"
"T*ngina mo din! P*kyu! Wag kang epal, di ka kasali dito! Mga leche kayo!"
Putol niya sa lalaki at bumaling kay Spencer.
"Sorry for telling this, Deneece. Pero gusto ko lang malaman ng Spencer na to kung gaano siya kabobo sa mga pinapakita niya sayo. Ang bobo mo kasi pinagpapalit mo yung babaeng mahal ka talaga sa mga babae mong pera at image mo lang ang habol sayo! Syempre pag naging boyfriend ka nila, ipagkakalat nila then boom! Sikat na sila."
Pinunasan ni Spencer ang mukha niya at ngumisi kay Mia.
"Tapos ka na?"
"Hindi pa."
Madiin na sabi ni Mia at nagulat kaming lahat dahil sinapak niya si Spencer! Oo, sinapak!
"Mia! Tama na!"
Hinawakan ko siya sa braso pero nakatingin parin siya kay Spencer na napaupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkasapak ni Mia sa kanya.
"Yang sushi na hawak mo? Pinaghirapan niya yan e. Pinagpuyatan. Ay! Actually araw araw naman siyang nagpupuyat para gawan ka ng mga pagkain pero dahil bobo ka, hindi mo naaappreciate yun. Kasi ang mga naaappreciate mo lang sa mga babae ay mga suso at pekpek!"
"MIA!"
Malakas kong sigaw sa kanya at hinila na siya. Binigay ko na lahat ng lakas ko para hilahin siya at salamat naman dahil umuusad na kami.
"Tandaan mo to, Spencer Viña! Wala ng mas bo-bobo sayo! TANGA TANGA!"
Sigaw niya at ako na ang hinila niya palabas ng Cafeteria habang bitbit ko naman ang mga bag namin.
Tumakbo kami papuntang classroom. Umupo kami habang hinihingal, nilingon ko siya.
"T*ngina talaga nung Spencer na yun! Ini-stress ako ng bongga! Nakakaloka!"
Sigaw niya at hinagis ang notebook niya. Pinulot ko ulit to at nilagay sa bag niya.
"Hayaan mo na kasi, Mia."