Chapter 2

29 1 0
                                    

Damn.

I'M DOOMED.

Alam na nila kuya.

Hanggang uwian, yan lang ang mga salitang nasa isip ko. Wala akong naintindihan sa mga lesson namin kanina. Napag-isipan namin ni Micheal na pumunta na lang sa condo niya. No, unlike what you think, wala kaming ginawang milagro. Nakapagpaalam na kasi ako na hindi ako uuwi agad kaya dito na muna ako tatambay. Sira na yung turf namin eh.

Dumiretso ako sa kwarto niya tapos kumuha ng tshirt. Nagpalit na rin ako ng damit at dumiretso sa kusina. Hinalungkat ko yung ref niya, walang laman. Puro canned beer lang tsaka soda tsaka tubig na rin, siyempre. Kumakain pa ba tong si Micheal? May nakita akong pack ng uncooked popcorn sa ref niya. Sinunod ko yung instructions tapos nilagay sa microwave oven. Pinatay ko rin agad yung oven nung nagpop na. Bumalik ako sa kwarto niya tapos nanuod ng movie. 

"Hoy. Ano na naman yang pinapanuod mo? Shit!" Natawa ako sa pagsigaw niya. Sumakto kasi yung jumpscare sa pagkaupo niya sa tabi ko. Mukha man siyang matapang, matatakutin yang si Micheal. "Nakakadalawa ka na sakin, Maika ha" Siguro iniisip niyo kung ano yung una kong ginawa sa kanya. Hindi ko rin alam. Siguro nakasinghot lang tong si Micheal ng kung ano kaya ganyan. 

Medyo namumula yung mukha niya hanggang sa may leeg, kasama yung tenga. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pamumula niya. Siguro naiinis o nahihiya siya kasi may nakakita sa kanyang nagugulat nang ganoon. "At bakit suot mo yang tshirt ko?" Sabi niya habang nakakunot yung noo niya. 

Tinignan ko siya bago ngumiti nang pagkalaki-laki. Nanliit yung mga mata niya, if it did got smaller. Singkit si Micheal kaya hindi ko sigurado kung naniningkit yung mga mata niya o talagang ganyan na kasingkit yung mga mata niya. Mukha siyang bata, pero in a way mature din siyang tignan. Mahirap i-explain. Gwapo siya, inaamin ko. Pero pag sinabi ko sa kanyang nagwagwapuhan ako sa kanya, iinisin niya lang ako.

"Dito ako matutulog ngayon!" Ngayon ko lang din naisip na dito na lang muna matulog kina Micheal. Hiniram ko lang naman yung damit niya kasi mainit yung uniform ko. Napansin ko namang napapoker face siya bigla. Mukhang hindi pa yata papayag. Nagpout ako. Hindi naman ako matitiis ni Micheal eh. Tumingin siya ulit sa television.

"Hindi pwede" Lumingon siya sakin tapos dumila bago bumalik yung tingin niya sa movie. Akala ko ba ayaw niya sa mga horror movie? Sumimangot naman ako. Spoiled talaga ako si Micheal tsaka sa mga kuya ko kaya siguro ganito ako ka-disappointed. Pag kasi hindi ako pinapayagan nila mama, sila pa ang pipilit para lang payagan ako.

Narinig ko namang bumuntong hininga siya. Mga tatlong beses siguro. Tinignan ko siya sa gilid ng mga mata ko. Nakatingin siya nang diretso sakin tapos bumuntong hininga ulit. Andaming beses na talaga. 

"Oo na. Dito ka na matutulog ngayong gabi" May diin sa sinabi niyang "ngayong gabi" Ibig sabihin ngayong gabi lang pwede? Hindi pwede bukas o kaya sa susunod na araw? "Hindi ka pwede sa guest room. May bisita ako. Overnight din sila. Sa sofa ka na lang" Grabe naman to.

"Para naman akong hindi babae kung ituring mo" Syempre paawa effect para payagan niya ako sa kama niya.

"Hindi pwedeng tabi tayo sa kama. Kama ko to tapos ako sa sofa? Ikaw ang nagpumilit dito, ikaw ang maghirap. Dun ka sa sofa" Grabe talaga. Parang hindi niya ako bestfriend. 

"Tabi na kasi tayo. Promise hindi kita ihuhulog. Hindi naman ako malikot matulog eh" 

"Fine. Sa kama ka, dun ako sa sofa. Nakakahiya naman sayo. Sayo tong condo eh" 

"Tabi na nga lang kasi tayo. Arte naman nito. Magkatabi tayong natutulog dati pag nags-sleepover ako sa inyo. Tapos ginagawa mo pa nga akong human pillow"

"Dati lang yun. Di ko na yun ginagawa. Di ko na yun gagawin" Nakatingin lang ako sa kanya. Hinihintay kung anong sunod niyang sasabihin. "Fine! Fine! Tabi na tayo. Just stop giving me that look"

Wala namang kakaiba sa paraan ng pagtingin ko sa kanya ah? Di naman ako kumakawag kawag na parang kinikilig. Basta. Poker face lang naman ako habang nakatingin sa kanya.

"Kunin mo yung telephone diyan sa may tv tapos tumawag ka dun sa resto sa baba. Magpadala ka na lang ng pagkain. Basta yung akin, alam mo na ha? Tsaka sparkling water na lang. Ikaw na bahala sa kakainin mo. Ipabill mo na lang sakin" Tuloy tuloy lang yung pagkakasabi niya. May tinatawagan ata siya. Hindi ata sumagot tapos ayun tinext na lang ata niya. Hindi naman ako chismosa kaya hindi na ako nagtanong kung sino yun.

Ginawa ko yung sinabi niya. Umorder ako ng carbonara para sa kanya tapos lasagna sakin. Sparkling water tapos iced tea. Nagpagulong gulong ako dun sa kama kasi wala akong magawa. Napatayo ako bigla nung may narinig akong nagdoorbell. Wow. Ang bilis dumating nung pagkain. Binagalan ko lang yung pagpunta sa pintuan para buksan iyon. Hindi naman ako sabik na sabik sa pagkain kahit na gutom ako. Wala pa akong nakakain na full meal simula kaninang umaga.

"Uy, Maika. Nandito ka pala" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong naconscious sa suot ko. Ngumiti siya nang pagkalaki laki na para bang sinasabi niyang alam niya ang mga sikreto ko. Kamukha niya yung cheshire cat sa Alice in Wonderland. He's always like this. Minsan nga iniisip ko kung bakit ganito siya eh. Para bang lagi siyang naglalaro ng chess. At piyesa niya ang lahat. Napatungo naman ako dahil sa pagtitig niya.

"Hi, Matt" Matt Dizon. That's his name. Kapatid ni Micheal, pero hindi sila close.

"Hi, Princess" I know that voice. Hinding-hindi ko malilimutan ang malamig na boses na yan. Gusto ko na lang tumakbo papasok at hindi na lumabas ulit. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa at dalhin sa lugar na malayo sa kanya. Naramdaman kong lumapit siya sakin. Inangat niya yung ulo ko para mapatingin alp sa kanya, at dahil don nagtama ang mga tingin namin. "I'm back, babydoll" He's still wearing his boyish smile. He never changed.

"R-reed"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Definitely a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon