Prologue

3.9K 84 14
                                    

Prologue

Pagkatapos akong yakapin ng lolo ko ay nagpaalam ako para mag-CR pero sa totoo lang ay hahanapin ko ang aking magaling na fiancée. I sighed. I know he is mad, sino ba namang matutuwa na magpapakasal na lang bigla? Napailing na lang ako noong maalala ko ang araw na siya ang pinili ko.

As weird as it can be pero literal na pinapili ako ng Lolo ko at ni Signore Stefano ng aking pakakasalan habang nakahilera ang kaniyang mga apo.

Tumingin ako kay Stefan. "I have a girlfriend, Ms. Eusford." Aniya.

I don't like Stefan although he's really handsome but he's not my type, may nakakatakot pa siyang aura. Tinanguan ko na lang siya.

"I have a girlfriend too, Ms. Eusford." Aniya na nakataas pa ang kamay. "So please, don't choose me. She's the one I want to marry." Bulong ni Raze

I smiled at him. Hindi naman siya ang pipiliin ko, sa totoo lang ay matagal na akong nakapili at mukhang late pa ito.

"Sorry, I'm late." Hingal na hingal na sabi nito, humawak pa ito sa balikat ni Raze.

Napangiti ako at tinuro siya. "I want him." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "What?" He looks clueless.

"You're late kaya hindi mo alam ang nangyayari." Simone said.

"Ano naman kung late ako? Ano ba 'to?" Tanong niya kay Simone

"Are you sure, hija?" Signore Stefano said. "Are you sure you want Enzio?"

Tinitigan ko si Signore at ngumiti ng matamis. "Yes, Signore. I want him."

"Well then, let's plan the wedding."

"What wedding?" Kunot na kunot ang noo niya. He's so cute!

"Your wedding. You will marry this fine lady." Sagot ni Signore kay Enzio.

"What the f*ck?! No!!! Ayokong magpakasal! Bakit ako?!"

"Pa-VIP ka kasing gago ka, ayan tuloy ikaw ang pinili." Giosuè said

Well kahit naman hindi siya late ay siya talaga ang pipiliin ko. I know Enzio since highschool kahit pa hindi niya ako kilala.

Tinitigan niya ako ng mariin actually matalim kapagkuwan ay bumaling sa kaniyang lolo. "Lo, ano 'to?!"

"Ms. Eusford will choose her groom at ikaw ang napili niya."

"Ano bang tingin niyo sa amin?! Bagay na kapag tinuro ng babaeng 'yan ay pwede niyang bilhin?!" Sigaw niya.

"Are you raising your voice to me, young man?!" Sigaw ng lolo niya dahilan para magbaba ng tingin si Enzio pero kita ko ang pagkagat niya sa kaniyang pang-ibabang labi na parang nagpipigil ng galit.

"No, signore."

"Then it settled." Nginitian ako ni Señor. "You will marry my grandson Enzio, Ms. Eusford and you will be staying in Castello dela Montier when you arrived in the Philippines."

At simula ng araw na iyon ay hindi ako kinausap ni Enzio, ni-ha o hello ay wala. Laging nakakunot ang noo niya kapag nakikita niya ako, ni hindi niya nga ako gustong makasabay sa pagkain. I know it will be hard to tame him, he's a womanizer and kind of immature pero siya talaga ang gusto ko, if I will marry a Montier sisiguruhin kong si Enzio iyon. Nang hindi ko siya makita ay napagdesisyunan kong pumunta na muna sa banyo. Siguro umakyat na iyon sa kwarto para matulog.

"Aahh...f-faster!" Halos manlaki ang aking tenga sa ungol na narinig ko.

Oh my gosh! Don't tell me merong gumagawa ng milagro sa banyo! Aalis na sana ako nang bigla akong matigilan.

"You're so good, Enzio!"

My knees trembled. Ipinikit ko ang aking mga mata. Sh*t!! I need to leave this place! Hindi ko sila kayang tignan! At hindi ako gaga para tignan sila! My heart felt heavy...no it's breaking!

Lumayo ako. You can do this, Kate! Hindi naman agad magbabago si Enzio eh tsaka di ba you prepared yourself for this heartache? Masasaktan ka muna bago maging masaya ganoon ang mga nobelang nabasa mo.

Sinalubong ako ni Sara, a friend of mine slash assistant. "Are you ok? Bakit parang ang putla mo?"

Pilit akong ngumiti. "I-is that a joke? I have a red lipstick on my lips how will you know na namumutla ako?" Pilit kong biro, ayokong mahalata niyang may mali.

"Kate---"

"I will just go and greet the guests." Sabi ko pero pareho kaming natigilan ng mabilis na tumakbo ang mga magpipinsan na Montier

"F*ck!" Rinig ko pang mura ni Stefan.

"What is happening?" Tanong ni Sara.

Bigla akong kinabahan ng papunta silang lahat sa restroom. Oh please no! Huwag naman sana!

Hinila ko papunta doon si Sara at nakita ko ang kumpulan ng mga tao most of them are medias that are covering our engagement party.

Para akong nawalan ng lakas. Nahuli siya. Nahuli siya.

"Ms. Eusford! Ms. Eusford! What can you say about this?" Sunod-sunod ang tanong nila kasabay noon ay ang flash ng kanilang mga camera. Nasisilaw ako! Nanghihina ako! Nahihilo ako! F*ck! Tinignan ko si Enzio, wala man lang siyang reaksiyon. It's as if wala lang sa kaniya na mapahiya ako, na mapahiya siya.

"Sh*t! Let's go, Miss!" Hinila ako ni Sara paalis.

Mahal ko siya, matagal na, hinayaan ko siyang magloko, I let them be, right? Kahit na alam ko na simula ng dumating ako dito ay wala siyang ginawa kundi ang mambabae, hinayaan ko siya dahil alam kong hindi pa siya handa pero ito...f*ck! Paulit-ulit na nga niya akong sinasaktan hindi pa niya ako binigyan ng kahihiyan.

Sinundan kami ng mga reporter and in a span of a minute ay nasa harap na namin sila, nakaharang. Ayoko nito! Nasasaktan ako! Nahihirapan! I want to leave this place! Ang sakit-sakit! I stiffened when I felt something on my head, a coat...tinignan ko ang naglagay noon and my tears fell down when I saw Giosuè. Bakit si Giosuè? Bakit siya? Despite of the fact na galit ako kay Enzio ay umasa pa rin akong siya ang gagawa ng ganito.

"Let's go." He said pero nanatili akong nakatayo. Tinignan niya ako at umiling lang ako.

Pinunasan ko ang aking pisngi at ilang beses akong huminga ng malalim. Ayoko ng umiyak, hindi na ako iiyak.

Pilit akong ngumiti. "It's ok, Giosuè." Nilampasan ko sila, umakyat sa mini-stage at kinuha ang microphone. Hinarap ko ang lahat, everybody is looking at me, may awa sa mga mata nila, ayoko ng ganoon. Ayoko ng kinakaawaan.

I smiled at them. "T-the w-wedding..." I cleared my throat. Tinignan ko si Enzio, ito ang gusto niya. You want freedom and I will give that to you. "The wedding is off."

Tinalikuran ko sila.

And I just got my second heartbreak.




A/N: Lahat na lang ng Montier nagchicheat si Bebe Raze na lang talaga ang santo sa kanila. 😂😂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nuptial AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon