#1

104 9 2
                                    

They say all good things comes to those who wait, pero bakit parang hindi ata applicable sa akin?

No matter how long I wait, walang magandang nangyayari sa buhay ko

Is it a sign that I should give up?

Ganito na nga lang ba talaga?

 

 

I love you so much Arkin but it seems like I’ll always be hidden beneath the shadows of Mirilla.

Sino nga ba naman ako? Im just a plain old girl trying and begging for the attention of the one that she loves.

So this is the end.

 

After 4 years, Im finally giving up.

 

 

“ARIIIIIIIIIIAAAA! Bakit mo inend sa ganon yung story mo? Bakit ganun? Huhuhuhuhu bitin na bitin. Sobrang bitin!!! Part 2 part 2 part 2” Sabi sa akin ng bestfriend ko na  si Ynna habang hinahampas niya ako.

“Ynna, Im the author right? I can end it anyway I like. Buti nga medyo naging maayos ang naging ending eh. I was thinking of killing both Arkin and Louise. Buti na lang kahit papaano nagkaroon pa ako ng mercy sa kanila eh.”

“Ang harsh mo talaga sa kanila bes. Pero bakit nga? Pwede mo naman gawing happy ending di ba?”

“Oo nga. Pero diba pag ginawa kong happy ending aasa yung mga readers? Iisipin nila na in real life palagi nila makukuha yung happy ending na yan pero ang totoo, they won’t ever have it. Kathang isip lang yun” Tumayo na ako at niligay ko yung gamit ko sa locker ko.

“Bes hindi naman dahil sa hindi nagkaroon ng happy ending yung parents mo, hindi na possible for others to have their own happy ending diba?”

“That may be true. But I really don’t believe in those things. Nga pala, san tayo tatambay? What time is your next class?”

“3pm yung klase ni Ma’am Guevarra samin. Kaw?”

“3 din. San tayo tambay? We still have 5 hours bago yung mga klase natin”

“Teagen na lang? para din may wifi.” Suggestion ni Ynna sa akin

Naglakad na kami sa may P.Noval tapos dumiretso na kami sa Teagen.

“1 cocoa slush kuya saka isang carbonara. Yung lang kuya salamat po”

“Aria, tignan mo to. May letter para sayo! Taray talaga ng beauty mo!”

 

This was the place I started to read ARIAnism’s works. She’s really amazing. I hope I’ll be able to meet her in person

 

Im soooo inlove with Arkin Ventura & Louise Mendoza! Sana sila magkatuluyan sa IHTBY! #TeamArIese

 

“taray talaga Ms. Author. Ang daming naloloka sayo” puri ni Ynna sa akin na may halong biro.

“Ewan ko sayo Ynna. Hahahaha”

“Sagutin mo message nila sayo hahaha”

“Ano sasabihin ko bes? Thanks? Ganun lang?”

“Oo! Ano ba naman to. Naturingang accounting student di marunong makipagusap”

“Girl sayo na nanggaling. Accounting student ako at hindi Mass Comm. Pero sige na nga”

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon