#5

51 2 2
                                    

Today, nagcelebrate kami ni Xander ng 6th monthsary namin.
Oo tama basa niyo. 6 months na naming tinatry na magdate.

It was fun.

I was starting to fall for him

Scratch that, I already fell for him.

Mahal ko na siya as in mahal na mahal.

Yun nga lang, mukhang hindi pwede kasi mukhang may gusto siyang ibang babae.

Madalas ko siya Makita na nakangiti sa phone niya habang may tinatype.

Masakit pala magselos lalo na kung wala naman akong karapatan.

Sino ba naman ako?

Im just his bestfriend na at the same time pretend girlfriend niya rin.

Also, dun sa 6 months na yun, naging close ako kay Mr. Suave.

Everyday kami nagchachat, magkatext din kami.

Masaya siya kausap and sweet.

Weird as it sounds pero parang naiinlove din ako sa kanya or infatuated.

Basta parang ganun.

I know its wrong kasi technically boyfriend ko pa si Xander pero ang bait kasi ni Alkei (mr. suave) eh.

I tried recalling who Alkei was pero wala akong matandaan tungkol sa kanya.

Kahit anong isip ko hindi ko alam kung sino siya.

I really have a vague memory about my childhood isa na sigurong rason is yung nakidnap ako dati.

Yeah I know, ako nakidnap?

Pero pwera biro, its true.

Sabi nung therapist ko, dahil siguro sa trauma ko, I forgot some things from my childhood.

May mga natatandaan ako pero marami din akong nakalimutan.

Clear lang sa memories ko ay yung nangyari nung mga 11 years old na ako pataas.

I was typing another update nung nakita kong umilaw yung phone ko.

Apat lang yang pedeng magtext.
Si mama, (2) si Ynna (3) si Xander or (4) si Alkei.

This time it was the fourth option.

Fr: Alkei
Aria, Im willing to give you a clue now kung sino ako.
Check your account later mga 9:30 pm. Ill be posting a little memory of us.

To: Alkei
You know it will be easier if you just tell me who you really are tapos ayan pede kang maging sweet sa akin in person diba?

Fr: Alkei
I can't. May boyfriend ka ba?

I hesitated kung ano isasagot ko sa kanya.
Kakasabi ko lang naman kanina diba?
Im genuinely in love with Xander.

To: Alkei
Yeah I do. Pero...

Fr: Alkei
You don't love him?

Nagulat ako sa tinext niya. It took me a while bago ako makapagisip ng irereply sa kanya.
Isesend ko pa lang yung message nung magtext uli sa akin si Alkei.

Fr: Alkei
Forget I even asked that. It's not my position to ask. Basta ah yung sinabi ko sayo. Check your account mamayang 9:30.

I replied a quick 'ok'

To: Xander Henares
Hey

It took a while for him to reply. Kaya medyo nagulat ako. Usually mabilis magreply si Xander sa akin.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon