Bumangon si Paris sa kama hindi siya makatulog dahil nangangamba siyang anumang oras ay aalis si Kirsten at iiwan siya. Nagpalakad lakad siya at nag isip-isip, nang mapagod ay umupo siya sa katapat na upuan. Naihilamos niya ang palad sa mukha, isang plano ang nabuo sa isip niya. Tinitigan niya ang mahimbing na natutulog na si Kirsten “You’re not leaving me again, you’re mine!” mahina pero mariin niyang bigkas.
Lumakad siya palapit dito at umupo sa gilid nito bahagyang dumukwang at pinadaanan ng mga daliri niya ang makinis nitong pisngi at tumigil sa labi. Dinama niya ang mga labi ng babaeng nagparanas sa kanya ng samu’t-saring emosyon na ikakamatay ata niya pag hindi nadamang muli.
Naalimpungatan si Kirsten pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga na para bang may mga kamay na mahigpit na nakawak sa leeg niya. Napadilat siya at nakita si Paris nakakubabaw ito sa kanya at nanlilisik ang mata habang sinasakal siya. Sinubukan niyang pigilan ito pero para itong demonyo na siyang-siya pa sa ginagawa. “O Diyos ko tulungan niyo po ako!” naibulong niya sa isip, malapit na siyang pangapusan ng hininga sinubukan niyang kalmutin ito sa mukha at nagtagumpay siya, napahawak ito sa mukhang nasaktan kaya lumuwag ang pagkakahawak nito sa leeg niya at nagkaroon siya ng pagkakataon na itulak ito at tumakbo palabas ng kuwarto.
“Ahh! Kirsten come back!” Galit na sigaw nito.
Dahil sa laki ng bahay ni Paris halos magkandaligaw-ligaw siya sa paghanap ng pintuan palabas ng bahay. Ayaw niyang mamatay na hindi nahahanap ang kanyang kapatid.
“Kirsten come out! I know you’re still here! You wanna play a game, huh? If I find you I’ll kill you!” Parang baliw na sabi ni Paris tumawa pa ito ng nakakaloko.
Pumasok si Kirsten sa isa sa mga kwarto ng mansyon at nakita ang malaking cabinet agad siyang nagtago doon. Kabang kaba na pinakiramdaman niya ang paligid sa labas. Nang sa tingin niya ay hindi pa siya natutunton ni Paris naisipan niyang lumabas ng cabinet. Pinilit niyang itulak ang pinto niyon pero nahirapan siya at napaupo hindi sinasadyang may nahawakan siyang isang malamig at matigas na bagay. Sinubukan niyang kapain ngunit kinalubutan siya dahil hindi bagay ang nakapa niya kundi isang malamig na bangkay. Inaninag niya ito at nagulat sa nakita. Si Kylie! Napasigaw siya at pinilit buksan ang pintuan ng cabinet, pagkalabas niya ay nagulat siya nakita niya si Paris sa labas ngiting ngiti ito.
“At last I found you, bitch! Pinahirapan mo ko! Halika rito!” Hinila nito ang buhok niya at kinaladkad siya. “Sa wakas Kirsten nahanap mo na ang kapatid mo, aren’t you happy? Magkakasama na kayo dahil pagtatabihin ko kayo sa hukay!”
“Napaka-hayop mo! Bakit mo ito ginagawa? Wala kang kasing sama!” Galit na sabi ni Kirsten.
Tinutukan siya nito ng baril. “Shh! I know! I know!” Tumawa it ng pagak. “Any last words sweetheart? Kung wala na papatayin na kita!” Sabay kalabit nito sa gatilyo ng baril.
Napabalikwas siya ng bangon, kinapa-kapa niya ang sarili para masiguradong buhay pa siya. Panaginip lang pala ang lahat! Napayakap siya sa sarili sa takot. Nakita niyang natutulog si Paris sa tabi niya. Ayaw niya makita ni anino nito at akmang tatayo na siya sa higaan ng pigilan siya nito. Naalimpungatan ito sa pagbangon niya. Agad na bumangon si Paris nakita niyang pawis na pawis si Kirsten at namumutla, hinawakan niya ito sa balikat at pinilit na hinarap sa kanya “Are you okay? Bad dream?” Concern na tanong niya pero pinalis ng nanginginig na kamay nito ang kamay niya.
“Don’t touch me! Don’t!” Hysterical na sabi nito, nasa mukha nito ang matinding takot. Niyakap niya ito, kahit pa pilit siyang tinutulak nito.
“Shh! It’s just a dream.” Pagaalo niya rito.
Umiyak lang ito ng umiyak at ng mahimasmasan na ay binitawan niya sandali para kumuha ng tubig at pinainom rito.
Nakatulog ito na nasa bisig niya. Hindi tuloy mawala sa isip niya kung ano ba ang napaniginipan nito at takot na takot ito.
Napansin niya na mag uumaga na kaya bumangon na siya at naligo pagkatapos ay nag handa ng breakfast. Hinayaan niya lang na matulog si Kirsten. Tumawag muna siya sa bahay niya.
“Manang Tere, pakilinis po ang kwarto ko. I will come home today, and prepare lunch for two. Also tell manong to pick me up in my condo later this morning.” Utos nito sa katulong sa kabilang linya.
Nakapag-decide na siya na iuwi na si Kirsten sa bahay niya sa San Juan. Kailangan mabantayan niya ang bawat kilos nito, hindi ito pwedeng mawala sa paningin niya.
Mabigat ang katawan na bumangon si Kirsten, Hinanap agad niya si Paris. Lumabas siya ng kwarto at nakita si Paris na nakatitig sa bintana halatang malalim ang iniisip nito.
Nilampasan niya lang ito, nagtuloy siya sa banyo at nagshower. Kung siya lang ang papipiliin ay ayaw na niya pang makita ang mukha nito, pero hindi pa siya nakakakuha ng kahit anung impormasyon tungkol sa pagkawala ng kapatid niya kailangan niya pa si Paris da Silva.
Natinag lang si Paris sa pag-iisip ng maalala na gisingin si Kirsten, Pag dating niya sa kwarto ay wala ito, Kinabahan siya, hindi kaya tinakasan siya nito?
“Where the hell did she go?!” Inis na sabi niya.
Naririnig ni Kirsten ang pagsigaw ni Paris sa pangalan niya pero hindi siya sumasagot. “Bahala ka sa buhay mo mabaliw ka kakahanap!” Natatawang asar niya rito sa isip niya.
Hindi napansin ni Kirsten na pinipilit na palang buksan ni Paris ang doorknob.
Nagulat pa siya ng mabungaran ito sa labas ng shower room. Nakatayo ito at madilim ang mukha habang tinititigan siya.
“Don’t you know how to knock?” Iritang tanong niya.
“You think this is funny? I’ve been looking for you all over the house and you didn’t even bother to answer?”
“I’m sorry hindi ko narinig.” She said in unapologetic tone.
“Oh really? Damn it Kirsten! I’ve been shouting your name at the top my lungs.” Hinila siya nito palabas at dinala sa kwarto.
“Ano ba?! Nakakasakit ka na ah!” Inirapan niya ito.
“Pack your things!”Galit na utos ni Paris.
“So you throwing me out?” Nagtatakang tanong niya.
“Of course not! We’re moving to my house, my real house. Now pack your things and don’t make me repeat myself.”
Tatanggi sana siya dahil mahihirapan lalo siyang makalabas labas sa bahay nito para makibalita kanila Jace tungkol sa pagiimbestiga sa nawawalang kapatid, pero naisip niya na mas malaki ang tsansa na makahanap siya ng ibedensiya pag lumipat sila doon. Nang hindi pa siya tumitinag ay si Paris na ang kusang naglagay ng gamit niya sa maleta.
“Paris, ako na.” Inagaw niya rito ang mga damit at inilagay sa maleta.
Maya-maya pa ay dumating na ang driver nito at binabaybay na nila ang EDSA. Sa isang pamosong subdivision pumasok ang sasakyan nito. Tumigil ang sasakyan nito sa isang malaking garahe, bumukas iyon at ng makapasok ang sasakyan ay inalalayan siyang makababa ni Paris.
Sa isang Greco-Roman inspired kinuha ang desinyo ng mansion nito. Binati sila ng mga kasambahay nito na nagiintay sa entrada ng pintuan. Kinuha ng nagpakilalang si Manang Tere ang kanilang mga gamit.
Inanyayahan siya ni Paris pumasok sa bahay, Kung kahanga-hanga sa labas mas lalo siyang napatanga sa loob ng mansion may malaking chandelier at mga nagmamahaling painting dalawa ang entrada ng hagdan at sigurado siyang mahigit sa sampo ang kwartong nasa itaas ng mansion.
“Like it?” turan ni Paris sa pagkamangha niya.
“I must say the grandness of this house fits his owner.” Nanunuya niyang sabi. Naisip isip niya na kahit gaano pa kaganda ang bahay nito ay hindi niya gugustuhin tumira kasama ito.
“Why the sarcasm? Have problem with big houses, hon?” Halatang hindi nasiyahan sa komento niya. Buti na lang at dumating si Manang Tere.
“Sir Paris handa na po ang pananghalian.” Sabi ni Manang Tere.
“Let’s eat lunch and then we can get a rest after.” Hinawakan ni Paris ang kamay niya at iginiya papunta sa komedor.
Nagpatianod na lang siya, Pasimple siyang nagmasid sa loob ng mansion. Iniisip kung saan siya unang maghahanap ng ebidensiya.
BINABASA MO ANG
Under His Skin
RomanceKirsten Vera's younger sister was abducted. According to a CCTV footage, the getaway car used was owned by Paris Da Silva. Now Kirsten will do what it takes to find her sister, even to lay down on Paris's bed...