Chapter 25

82 8 0
                                    


Paikot-ikot si Kirsten sa loob ng lift. Maaga siyang pumunta sa condo ni  Jace ng araw na iyon. Laman ng kaniyang bag ang ring box na may ngipin at ang kuwintas ng kapatid.

Hindi na niya napigilan pa ang kanina pang pinipigil na pag-iyak, napahagulgol siya. Hindi na niya alam pa ang dapat isipin. Paano kung ngipin nga ni Kylie ang dala niya? Ano ang ibig sabihin nun? Hindi niya matatanggap kung wala na ito.

Pag bukas ng lift, nagulat si Jace ng siya ang iluwa niyon. Itinapon niya naman agad ang sarili sa mga bisig nito dahil wala na siyang lakas, para bang masisiraan na siya ng bait sa mga masasamang isipin. Tahimik naman siyang niyakap ni Jace.

Tsaka lang siya inusisa nito nang makapasok ng condo unit ng lalaki.

"Anong nangyari?"

Nanginginig si Kirsten ng ilabas niya ang laman ng bag. Nakalagay sa ziploc ang isang ring box at kwintas.

"P-pakipatest ito kay tito Theo sa crime lab kung magma-match sa DNA ni Kylie." halos pabulong niyang sabi at muling napahagulgol.

Napasuklay ng daliri si Jace sa sariling buhok ng malamang ngipin na meron pang brace bracket ang laman ng ring box. Hindi na niya natapos tingnan ang mga kuhang litrato ni Kirsten sa library sa loob ng bahay ni Paris kung saan niya ito nakuha. Napaupo siya sa couch na naroon at hindi narin napigilan ang pag-iyak. Oo alam niyang dapat maging malakas siya para kay Kirsten, pero ma-imagine ang paghihirap ni Kylie sa kamay ni Paris nanlambot ito sa pagkagimbal.

"Putang ina!" Galit na galit ito.

"I will kill him! I will kill him, I swear!" Para itong batang napahagulgol. Nagsalo sila ni Kirsten sa maingay na pagiyak ng may poot, takot at lungkot sa tinig.

Nakatulog si Kirsten sa kakaiyak, at nang magising siya ay madilim na. Hindi niya akalaing mahigit walong oras siyang nakatulog. Tamang-tama na siya ring dating ni Jace, hinatid na pala nito ang mga ipapa-test na evidence sa tiyuhin ng makatulog siya.

Napasapo siya sa ulo ng bumangon. Tsaka niya lang naisip na ni hindi siya nag almusal kaninang umaga at hindi rin nakapananghalian.

"Wag ka ng bumalik sa kaniya."

"Kailangan kong bumalik hanggat hindi natin nakukuha ang result, Jace."

"Please, Kirsten. Please lang. I don't wanna argue with you, but it will kill me pag may nangyari sa iyong masama. Let the police handle it now."

"Jace, mahal ako ni Paris. Hindi niya ako magagawang saktan, okay?" Hinawakan ni Kirsten ang pisngi nito para i-assure ito kahit na siya mismo ay nagdududang hindi saktan ni Paris.

Niyakap siya ni Jace at hinalikan sa noo. Para bang ayaw na siyang bitiwan nito. At oo, napakainit ng yakap ni Jace na nako-comfort ang buo niyang kaluluwa. Kung meron man siyang gustong ibigin, si Jace iyon at hindi si Paris. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at inalis sa isip ang huli.

Kumain sila sa isang kainan sa White Plains bago siya ihatid ni Jace malapit sa Corinthians.

Nakaupo si Paris sa couch sa living room habang umiinom ng alak nang dumating si Kirsten. Frustrated ang mukha nito katulad ng unang araw na sila ay magkakilala. Nakalilis ang long sleeve na suot at nakabukas ang ilang butones nito sa dibdib. Sa ilang buwan na magkasama sila nito, ngayon niya lang ito nakitang naninigarilyo at sa loob pa ng bahay. Nagkalat ang mga upos ng sigarilyo sa sahig maging ang kurbata nito. Hindi siya nilingon nito, kita ang malalim na pag-iisip.

Lumakad siya patungong kwarto ng magsalita ito.

"Where have you been?"

Hindi niya ito pinansin dahil nasa himig nito ang maguumpisa ng gulo. Pumasok siya sa kwarto at ipipinid sana ang pinto ng hinarang ni Paris ang katawan nito.

"I'm asking you, where the hell have you been?" Matigas ang bawat bigkas nito sa mga salita.

"Sa dati kong apartment, okay?" Pilit inaalis ni Kirsten ang matigas na kamay ni Paris na nakahawak sa braso niya.

"Liar!" Nanlaki ang mga mata ni Kirsten at napasapo sa  pisngi ng sampalin siya ni Paris. Dumaloy ang dugo sa kaniyang pumutok na labi.

Pinagbuhatan siya ng kamay nito!

"Who were you with?! Who the fuck was that man?!"

Nang ma-realise ang nangyayari, tinangka niyang lumabas ng kwarto para takasan si Paris, ngunit hinila nito ang kaniyang buhok at itinulak siya sa kama.

Hindi papayag si Kirsten, kailangan niyang maipagtanggol ang sarili laban dito. Sinipa niya ito sa pagitan ng mga hita at bumangon para tumakbo palabas sa pinto.

"Agh! Fuck! Fuck!" Namilipit si Paris at napasapo sa pagkalalake. Para bang lalong bumilis ito at lumakas ng masaktan, muli siya nitong nahawakan sa kaniyang buhok at marahas na tinulak muli sa kama.

"Where do you think you're going huh?" Nanggagaliiting tanong nito sa kaniya.

Umiyak si Kirsten sa sakit at sa takot. Pinagsusuntok niya si Paris pero parang ni hindi manlang ito nasasaktan. He finally pinned her down.

"Who was that guy? Answer me! Does his kiss taste better than mine? Do you moan louder when he fucks you?!"

Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi gamit ang isang kamay.

"Huwag, tama na!" Pagmamakaawa niya, pero para itong naisisiraan ng bait na hindi siya marinig.

Pinaghahalikan siya nito sa leeg.

Hinihipuan sa kaniyang katawan.

Ipinasok nito ang kamay sa loob ng suot niya na blouse at inilabas ang kaniyang dibdib na tinatakpan ng kaniyang bra. Marahas nitong hinihimas at pinipisil ang mga ito.

"You're all mine..." Bulong nito sa kaniya.

Nagpupumiglas siya sa mga halik ni Paris at pilit tinutulak palayo pero napakalaki nito at napakalakas. Wala siyang magawa kundi umiyak.

Naramdaman niya na lumalaki ito sa pagitan ng kaniyang hita.

Hanggang sa mahubuan na siya ni Paris ng pang ibaba niyang suot.

"Paris, 'wag! 'Wag please!" Nasasaktan siya sa ginagawa nito sa kaniya at sa mahigpit na paghawak nito sa kaniyang mga pulso gamit lamang ang isang kamay.

Napahagulgol siya nang maimagine na ganito ang naranasan ng kaniyang kapatid sa mga kamay nito. Napuno ng poot ang puso niya para dito. Nandidiri siya kay Paris at sa bawat haplos na ginagawa nito sa kaniyang katawan.

"You're mine, Kirsten... All mine!"

At naramdaman niya ang marahas na pagulos nito sa loob niya. Napaigik siya sa sakit.

"Tulungan niyo ako! Manang Tere! Tulong!" Nagsisisigaw siya sa pagkawala ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Pero tinakpan ni Paris ang kaniyang bibig.

Nanghihina na siya sa panglalaban. Habang si Paris, parang hindi napapagod na maglabas-masok sa kaniya.

Hanggang sa manginig ito at labasan sa loob niya. At ilang ulit itong nangyari sa gabing iyon.

Ibinagsak ni Paris ang katawan sa tabi niya at nanginginig si Kirsten na bumangon ng kama. Hinang hina siya. Itinaas ang nakahubong pantalon at inayos ang sarili.

Nagkapasa ang mga pulso niya sa mahigpit na paghawak ni Paris sa kaniya. Awang awa siya sa kaniyang sarili at umiyak ng umiyak. Takot na takot siya, hindi para sa sarili, kundi para kay Kylie.

Nang lumabas siya ng kwarto ay nakita niya ang mag-tiyahing Tere at Elsa na nasa tapat ng hagdan, may awa sa mga mata para sa kaniya ngunit nagmamadaling bumalik sa kwarto ng mga ito. Dinala din kaya ni Paris si Kylie sa bahay na 'yon? May alam kaya ang dalawa tungkol sa kapatid niya?

Naputol ang pag-iisip ni Kirsten ng biglang magring ang kaniyang cellphone. Si Jace.

"K-kirsten... Nagmatch sa DNA ni Kylie ang ngipin."

Under His SkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon