Chapter 22

56 11 2
                                    


Kanina pa paikot-ikot si Kirsten sa loob ng kwarto nila ni Paris. Iniisip niya kung paano ba siya makakapaglibot at makakapag hanap ng ebidensiya kung naritong lagi sa bahay si Paris. Habang tumatagal siya rito ay lalo siyang hindi mapanatag sa kalagayan ng kapatid, kailangan niya na mahanap si Kylie.

Nang maramdaman na niya ang mga papalapit na yabag ni Paris papunta sa kwarto ay nagkunwari siyang nag-aayos ng gamit para hindi nito mahalata na aligaga siya. Naupo ito sa kama katabi niya, natilihan siya at biglang tumayo hindi niya gusto pagnagkakalapit ang mga balat nila dahil tina-traydor siya ng katawan niya.

Tinignan siya nito ng mapanuri kaya hindi siya makatingin ng diretso rito. Hindi rin siya nakatiis at nagsalita na rin.

“Paris, bakit nga pala hindi ka pa pumapasok baka ma-late ka?” Pakunwari’y tanong niya pero tinataboy niya talaga ito.

“Hindi ako papasok.” Maikling sagot nito.

“Bakit?” Paguusisa niya pa.

“Why are you asking? I’m the CEO I can leave anytime.”

“Well naisip ko kasi na siyempre business mo yun di ba dapat hands on ka?”

“Kirsten, my business will move even without me in it. I have my own life hindi lang doon umiikot ang mundo ko and I want to be with you, masama bang hindi pumasok para makasama ka?” Parang batang maktol nito.

Unti-unti itong lumapit sa kanya at kinabig siya likod at niyakap, Hinaplos nito ang buhok niya at hinalik halikan, Hinayaan niya lang ito masarap sa pakiramdam ang ginagawa nitong paghaplos sa buhok niya. Maya-maya nga’y naramdaman na niya ang labi nito sa tenga niya bahagyang tinutudyo kaya para tuloy siyang nanlambot sa ginawa nito lalo pa’t humaplos na ang kamay nito sa braso niya. Gusto niyang pigilan ito dahil sigurado siyang mauuwi na naman ito sa mainit na tagpo. Akmang haharap siya ng halikan siya nito sa leeg bahagya siyang napasinghap sa pagsipsip ng labi nito sa leeg niya, naramdaman niya ang pagdama at pagpisil nito sa isa niyang dibdib. Hinawakan nito ang mukha niya paharap dito para halikan siya, Marubdob ang ginawa nitong paghalik sa kanya parang lagi itong gigil tuwing magkakatagpo ang katawan nila, katulad nung nakaraang galing sila sa party at sumunod na mga araw masyado itong intense sa pakikipag-lovemaking sa kanya.

Namalayan na lang niyang nagpaubaya na naman siya kay Paris. Katabi niya ito sa higahan at nakatitig lang sa kisame, siya naman ay nakatagilid dito. Maya-maya’y ng mapansin niyang malalim na ang buntong hininga nito kaya sumilip siya sa tabi niya at nakitang natutulog na si Paris bumangon siya at pumasok sa banyo.

Naramdaman ni Paris ang pagbangon ni Kirsten kaya hindi na siya bumalik sa pagtulog hindi siya mapakali pag hindi ito nakikita, kahit pa nasa bahay lang si Kirsten.

Naramdaman niya ang pag-uga ng tokador, kaya binuksan niya iyon para makita kung ano ang tumutunog sa loob niyon. Pagbukas ay nakita niyang cellphone iyon ni Kirsten may tumatawag pero ‘unknown’ ang naka-register sa caller id, na curious siya kung sino ba ang tumatawag dito lalo na’t bihira niya lang makita si Kirsten na nakikipagtext o nakikipag-usap sa cellphone. Ng akma niyang sasagutin ay bigla naman iyong namatay. Pinindot niya ang screen sa pagbabakasakali na makakuha ng impormasyon tungkol sa tumatawag pero naka lock iyon at hindi niya mabuksan.

“Who is this caller?” Agad niya iyong ibinalik ng maramdamang palabas na si Kirsten sa shower room. Naisip niyang magpanggap na tulog gusto niya malaman kung titignan ba ni Kirsten ang cellphone at kung may tatawagan ito. Pero bigo siya hindi nito kinuha ang telepono at nagpatuyo lang si Kirsten ng buhok. Nakatulog siya ng tuluyan habang nag-aantay sa susunod na aksyon nito.

Paggising niya ay agad na kinapa niya ang katabi wala roon si Kirsten, agad siyang bumangon at nagsuot ng damit. Hinanap niya ito agad, tinignan niya sa shower room at closet room pero wala ito. Nagmamadali siyang bumaba at hinanap si Manang Elsa.

“Manang Tere?!” Sigaw ni Paris, natataranta.

Agad naman pumunta si Manang Tere sa kinaroroonan nito.

“Si Kirsten saan siya nagpunta?” Halatang aburido ito.

“Hindi naman po siya umalis Sir Paris, baka andito lang sa loob ng bahay.”

“Hanapin niyo siya ngayon na!” Medyo napataas ang tono ng boses niya.

Kaya nagulat si Manang Tere at Tumalima naman agad. Sinabihan niya rin si Daniel at Elsa na hanapin si Kirsten sa loob ng kabahayan. Naisip ni Manang Tere na baka tinotopak na naman si Paris dahil ganoon ito pag mainit ang ulo.

Kanina pa pagod na pagod si Elsa kanina pa niya hinahanap si Kirsten, Sa laki ba naman ng bahay ni Sir Paris nakakapagod talaga hay! Magpapahinga muna siyang sandali ng biglang makita si Kirsten. Agad na nilapitan niya ito napatakbo pa nga siya.

“Ma’am Kirsten! Sandali lang po!” Habol niya rito. Sa wakas na hanap niya rin ito banda sa garden.

Napalingon siya sa tumatawag si Elsa pala iyon ang pamangkin ni Aling Tere. Agad naman niya itong nginitian.

“Oh bakit mukhang pagod na pagod ka?” Tanong niya sa hinihingal at tagaktak ng pawis na si Elsa.

“Eh Ma’am Kirsten kanina pa po kayo pinapahanap ni Sir Paris.” Hingal na sabi nito.

“Hinahanap? Eh na sa bahay lang naman ako.” Takang sabi niya pa.

“Ewan ko po, pero tara na po kasi pinahahalughog niya buong kabahayan ngayon para lang makita kayo.”

Nagtataka ring sagot nito.

Sumunod na lang siya rito. Ang OA niya, ito na nga ba ang sinasabi ko lagi siyang nakabantay sakin nakakainis! Naiinis na sumunod siya kay Elsa nasa kwarto si Paris paikot-ikot ito.

“San ka ba galing? Iritado nitong sabi.

“Nasa bahay lang ako nag libot-libot, Nakakainip kasi.” Nabore-bore na sagot niya.

“You should have atleast told me!” Tumaas na naman ang boses nito.

“Paris lahat ba kelangan pag-paalam ko? Ok fine dahil gusto mo rin lang naman na magsabi ako sa’yo, gusto kong lumabas. Ayan masaya ka na nagsasabi ako, pwede na ba ako umalis?” Sarkastikong sabi niya, naiirita siya ni pagpunta ata niya ng CR ay gusto nito na magpaalam siya.

“At saan ka naman pupunta?” Lumapit agad ito sa kanya, parang nahuhulaan na niya kung magtatangka siyang lumabas ay pipigilan siya nito.

“Magpupunta lang ako sa Salon.”

“Magpa-service ka na lang, I’ll call the best salon team to serve you.” Akmang mag-di-dial ito ng sumagot siya.

“Are you locking me up?” Naninitang tanong niya.

“Of course not!” Pagtatanggi nito.

“Then why do I have this feeling na hindi totoo yang sinasabi mo?”

Nakipagsukatan pa siya ng tingin dito pero siya rin ang sumuko, masyadong matiim tumitig si Paris hindi niya maarok ang nasa isip nito. Nagdial na ito sa telepono at nagpapunta na nga ng salon service sa bahay.

,

Under His SkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon