Chapter 31 - God Sign

1.5K 34 7
                                    


Abby's POV


"huy kumain ka na aba mauuna pa yung mga langaw na ubusin yang pagkain mo eh" sabi ni bea.

nag pout ako at inilayo ang plato ko

"Ayoko ngang kumain muna kasi bea" tumayo ako dito sa kinauupuan ko at humiga sa sofa

"bakit? dahil parin ba yan kay jungkook nung awarding night ha?"

"May girlfriend na pala sya. bakit ko pa ba guguluhin buhay nya" i sighed "ako pa mag mumukhang kontra bida dito sa buhay ni jungkook eh"

"dapat ipinag laban mo si jungkook. mukhang mahal na mahal ka parin nya eh"

"paano? at paano mo nasabing mahal na mahal parin nya ako eh may girlfriend na nga syang iba diba" niyakap ko ang unan "baka nga gusto nya lang ako kausapin para sabihin kung ano ang galit nya sakin nung iniwan ko sya.. ah!"

napasigaw ako ng batuhin ako ng damit ni bea

"Adik ka pala eh. puro ka baka baka mag baboy ka naman!" sigaw nya "eh paano kung mahal ka pa nya? Paano din kung di sya galit sayo? puro kasi tayo paano eh kung iconfront mo sya? diba mahal mo pa sya? bakit di mo ipaglaban ha paano natin malalaman ang mga baka at paano natin kung di mo sya haharapin!"

kinagat ko ang labi ko dahil sa mga salitang binitawan ni bea

I need a god sign. and I swear to god pag nasagot ang god sign ko haharapin at ipaglalaban ko na si jungkook

.... ano bang pwedeng god sign? yung hindi ginagawa sakin ni bea para sure

ah pag kinurot nya yung ilong k-----

"araaaaay!" napa upo ako ng kurutin ni bea ang ilong ko "aray ko naman!"

"hihiga ka nalang dyan ha? tayo! Harapin at ipaglaban mo si Jungkook! stand up! stand up!" sigaw sakin ni bea

yung totoo? hindi nag kataon lang yun di ko pa nga tapos sabihin yung sentence na kurutin yung ilong ko eh

ah kapag may nabasag na bas--

"Ay sorry!" napa biglang lingon ako sa kusina kay bea "ayan nag babasagan na ang mga baso kasi baka pinapakulam na ni jungkook ang bahay mo dahil ayaw mo sya harapin"

ha? napapa kulam ang bahay?

hindi. hindi parin ako naniniwala

Kapag umula---

"Ay shocks umuulan?!" pasigaw na sabi ni bea "aigoo yung sapatos ko nasa labas eeee!"

nangasim ang mukha ko

God mas excited ka sakin? bat ayaw mong tapusin yung sentences ko!

naman eh!

Last na talaga. pag bumahing si bea. di sya sipunin eh. basta pag bumahing sya within 2 minutes

and the two minutes is starting... Now

napalingon ako ng magbukas ang pinto. si Bea

"Ang aga naman ng tag ulan?" kinuha ko ang phone ko at mistulang nawala sa isip ko ang god sign na hiningi ko "May palang ah? bakit ang a---Haching!!!"

halos mapanga nga ako ng bumahing nga si bea

What?!

"Haching!" bumahing uli sya "Haching! Haching! Haching!"

"Wah oo na tama naaaaa!!" tumayo ako "Oo na tama na creepy na eh!!"

"huh?" pinunasan nya ang ilong nya "Nag shashabu ka ba?. anong tama na creepy creepy chuchu? di naman ako madaling sipunin bat---

"I'm ready! haharapin ko na si jungkook!"

natigilan si bea

paunti unting namumuo ang ngiti sa mga labi nya at niyakap ako at nag sisisigaw

"Waaaaaaah support ako dyan beeeees!"

I hugged her back at ngumiti

"Haching!"

"hahaha" tawa namin ng bumahing nanaman sya




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



BOOK2: Unforgettable Memories | JJK (Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon