CHAPTER 1: Si Yanna ...

170 11 10
                                    

"Yanna! Yanna! Gising na malilate ka na naman!" sigaw ng mama ni Yanna.

"Oooohmmm!" sagot  ni yanna.

"Bumangon ka na nga dyang bata ka! Magrereklamo ka naman kapag nalate ka." sabi ng mama ni Yanna habang hinihila siya patayo sa kama.

Bumangon na si Yanna. Dumiretso agad sa banyo para makaligo.

"Bumaba ka na pagkatapos ah. Naihanda ko na almusal."

"Opo ma."

Si ALYANNA ANGELES:

- Maganda

- Matalino

- Nag iisang anak

- Nasa 2nd year college

- One of the boys

- Tamad

- Maingay

- Queen of Clumsiness

-  Bungangera

- Isip bata

- Trashtalker

- KPOP adik

- Otaku

- Naging man hater pero naniniwala paring may forever, destiny, soulmate at happy ever after

RING RING ! tunong nang doorbell nila Yanna.

"Oy Leo, iho ikaw pala. Pasok ka." sabi ng mama ni Yanna.

"Magandang umaga po tita." Sabi naman ni Leo, boyfriend ni Yanna.

"Tuloy tuloy. Maupo ka. Nasa itaas pa si Yanna. Alam mo naman yung batang yun napakakupad." pagpapaliwanag ng ina ni Yanna.

"Okay lang po tita. Medyo maaga pa naman po eh."

"Kumain ka muna iho."

"Sige po tita, busog na po ako. Nag almusal rin ako pag alis ko eh."

"Sige maiwan muna kita dito iho ah. Hinatayin mo na lang si Yanna."

"Sige po tita."

Bumaba na si Yanna.

"Omo! Andyan ka na pala babe. Goodmorning!" sabi ni Yanna sabay takbo sa boyfriend at humalik sa pisnge nito.

"Goodmorning babe. Kumain ka na para makaalis na tayo."

"Opo opo. Ikaw nag almusal ka na ba babe?"

"Oo tapos na ako."

Kumain na si Yanna. Ilang minuto pay nagpaalam na sila sa ina nito. Maagang umalis ang ama ni Yanna dahil sa trabaho nito.

SEARCHING FOR FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon