CHAPTER 2: The Flashback

98 5 6
                                    

Dalawang buwan na nakalipas mula noong naghiwalay sila Leo at Yanna.

Focus na focus si Yanna sa kanyang pag aaral.

Pilit niyang kinakalimutan ang lahat lahat ng nangyareng mga masasayang alaala sa dalawang taon nilang pagsasama ni Leo.

Pilit niyang iniiwasan ang mga bagay o lugar na pwedeng magpaalala kay Leo.

Hanggang sa dumating ang Final examination nila. *u*

Ilang linggo pa't summer vacation na. :">

Nagplano ang magtotropang sila Yanna, Marie, Joy at Hanah na pumunta sa isang beach para makapagrelax dahil tapos na ang finals week at simula na ng summer. :">

"Kelan tayo pupuntang beach?" tanong ni Marie.

"Oo nga. Pampawala stress." sabad naman ni Joy.

"Huy Alyanna! Sumama ka ha. Walang rason rason." pagbabanta ni Hanah.

"Oo na! Magpapaalam muna ako kena mama. Baka hindi ako payagan eh." sagot ni Yanna.

"Kami na bahalang magpaalam kay tita." nakangiting sabi ni Joy.

"Oo nga. Para wala kang lusot sameng babae ka." ani Marie.

"Magrelax ka naman din Yanna. Mukha ka ng ewan. Stressed na stressed buong pagmumukha mo. Kung nakikita pa lang namin kaluluwa mo sigurado, Stressed din siya dahil sayo!" pagbibirong sabi ni Hanah.

"Oo na oo na! Dami niyong alam." napatawa na rin si Yanna.

Kinabukasan ay nagpaalan na sina Marie sa mama at papa ni Yanna. At pumayag naman ang mga magulang nito, sa isang kundisyon na hindi sila lalagpas ng alas otso ng gabi. XD

- - - - - -

Nasa beach na sila. :">

Kasama ni Marie at Joy ang mga nobyo nila. XD

"Tara babe doon tayo." pagbibirong sabi ni Hannah kay Yanna sabay hawak sa kamay nito.

"Magtigil ka nga Hanah!" Natatawang sabi ni Yanna.

Kumain na sila. Naligo at nag enjoy naman silang anim. :)

Kahit anim lang sila'y daig pa nila ang isang dosenang magkakasama sa ingay. XD

Mga alas tres ng hapon ay naisipan muna ni Hanah na magpahinga. Samantalag, gumagawa ng palasyong buhangin sina Hanah, Joy at Herbert. Magkapatid si Hanah at Herbert, kaya nakikisali din si Hanah sa magsyota.

Ang cute tignan nila Marie at Marco, habang naglalakad lakad sa dalampasigan. 

Una nakangiti pa si Yanna habang nakatingin sa mga tropa niya. Pero nagsimulang tumulo ang luha niya dahil may naalala siya.

SEARCHING FOR FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon