M-A [1]

162 12 3
                                    

Unang araw. Tandang-tanda ko pa noon ang unang araw kitang nasilayan.
Unang araw na nakita ko ang babaeng nagpatibok ng aking puso.

Para bang tumigil ang mundo ng masilayan ko ang mala-anghel mong mukha.
Mga ngiting kay sarap titigan.
Mukhang kahit kailan ay hindi ko ata pagsasawaan.

Tinanong ko pa nga aking sarili, bakit  ganito?
Bakit ganito agad ang naramdaman ko kahit una pa kitang nakita.
Anong meron sayo bakit itong manhid at torpe kong puso ay bigla na lamang nagwawala.

Nagwawala na para bang may karera.
Nagwawala na para bang may pagligsaan ang nagaganap.
Pakiwari ko nga ako'y nababaliw na.

Mas umintig ang kasiyahan ng malaman kong kaklase kita.
At mas lalong nagwawala ang puso kong kanina pa gustong kumawala.

Pasulyap-sulyap, iyan lang ata ang aking nagawa habang ikaw ay nagbabangayan sa iyong mga kaibigan.
Para bang gusto ko na lamang titigan ka.
Dahil sa puntong iyon ikaw na ang paboritong kong pagmasdan.

Nawala siguro ang aking katinuan  ng biglang nagtama ang ating mga mata.
Nanginginig, kinakabahan at natulala.
Lalo na ng ngumiti ka sa akin.
Ngiting walang ka tumbas, ngiting akin ng hinahanap.

Wala akong magawa kundi ang umiwas ng tingin.
Dahil kung iyon ay aking ipagpatuloy tiyak mawawalan ako ng malay.

Kaya ang unang araw na iyon ay tanda kung paano kita minahal.
Minahal ng higit pa sa aking buhay.

—Aldrex

Mga AlaAla✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon