~5~

58 3 14
                                    

。☆✼★━━━━━━━━━━━━★✼☆。
Third Person's

*chiring chiring~*


He groaned and placed his pillow above his head to cover the noise. Patuloy lang ang pag-ingay ng kaniyang phone kaya napagpasiyahan niyang patayin na ito. He sat up and stretched his arms, ruffling his air after. Jihoon directed his gaze towards the window as the sunlight continues to shine in his room.


'Isa nanamang normal at walang kwentang araw. Tss.'





Twenty minutes later, natapos na rin siyang maligo at magbihis. Kinuha niya ang kaniyang suklay at pinadaan ito ng ilang beses sa mamasa-masa niya pang buhok. Tiningnan niya muna ang sarili sa salamin at ngumisi. '


Damn Lee Jihoon, ang gwapo mo.'


He grabbed his bag and went out of his room, closing the door quietly. Bumaba siya sa hagdanan ng kanilang bahay at nakitang nag-aalmusal na ang kaniyang kinikilalang pangalawang magulang.





"Good morming po Tito, Tita," Bati niya sa dalawa at saka umupo sa harapan nila. He took a spoonful of rice and ate it sabay kagat sa bacon na nakahain para sa kaniya.



"Ji, ilang beses ba naming kailangang ipaalala sayo na huwag mo na kaming tawagin na tito at tita?"


"Mamshie naman," He emphasized the word 'mamshie' making the woman smile in satisfication. "Ilang beses ko na rin po bang sinabi na ayaw kong tawagin kayong mamshie o papshie? Hindi ako sanay."


The two frowned after hearing Jihoon mutter the last sentence. Hindi naman nila masisisi ang pamangkin nila dahil natural iyan na reaksyon. Sa ibang salita, hindi sila ang tunay na magulang ni Jihoon. Pagkatapos kasi ng nangyari sa pamilya niya, napag-isipan nilang kupkupin siya at i-welcome sa pamilya nila na para bang tunay na anak.





"Gusto ko mamshie tawag mo sa akin."





"Tita, mas matanda lang po kayo ni Tito sa akin ng labindalawang taon. Lalo po kayong tumatanda kapag tinatawag ko kayong ganon," He said before putting a spoonful of rice in his mouth. Sumimangot ang kaniyang nanay-nanayan.





"Sa ganda kong ito, paano ako magmumukhang matanda?"





"Hayaan mo na lang Minji. Maganda ka naman sa paningin ko," Lambing ni Giyoon sa kaniyang asawa sabay halik sa pisngi nito. Na-cringe si Jihoon sa ginawa nito at tuluyang napailing. Natapos na siyang kumain at tumayo para ilagay ang pinagkainan niya sa lababo.


"Una na po ako," Paalam niya bago lumabas ng kanilang bahay. Hindi ganoong kalayo ang unibersidad kung saan siya nag-aaral kaya naglalakad na lang siya papunta roon. Sayang din kasi ang pamasahe. Hindi pa siya nakakalayo nang may narinig siyang tumawag sa kaniya.





"Jiji!"

Tumigil si Jihoon sa paglalakad at lumingon sa likod. He unconsciously smiled nang makita niya ang pigura ni Soonyoung na palapit sa kaniya. "Hey!" He greeted. Ginulo ni Soonyoung ang buhok ni Jihoon dahilan para makatanggap siya ng palo mula sa nakababata.





"Tara na at baka ma-late pa tayo," Saad ni Soonyoung. Sabay silang naglakad papunta sa Healing U. They had small talks on their way at hindi nagtagal ay nakarating na sila sa tapat ng university. May iilang bumati kay Jihoon nang pumasok na sila sa school grounds dahil isa siya sa mga kinikilalang estudyante roon.





Chapter 88 ♦ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon