~2~

56 5 10
                                    

。☆✼★━━━━━━━━━━━━★✼☆。
ㅡJihoon'sㅡ

Pagkapasok ko sa classroom, bumungad sa akin ang isang maingay na silid. Umupo ako sa pwesto ko sa bandang likod malapit sa bintana. At least dito sa pwesto ko, walang masyadong magugulo.

Parang baliktad pa nga eh. Yung mga nasa harap pa yung maiingay habang nasa likod naman yung mga tahimik. 

Maya-maya ay pumasok na sa classroom yung prof namin sa Literature habang may nakasunod sa kanyang lalaki. I'm guessing that he's new kasi hindi ko siya namumukhaan.

Hindi naman nagwagwapuhan ako sa kanya pero...





Ayun, gwapo nga.



"Good morning class." Bumati rin kami pabalik at tumingin si Prof. Euni sa bagong estudyante na katabi niya. 

"As you can see, may bago kayong kaklase ngayon. Please introduce yourself," Sabi niya. Tumango naman yung lalaki at ngumiti.



Pucha, lalo siya gumagwapo 'pag ngumingiti.



"Hello! I'm Kwon Soonyoung. Bagong lipat lang ako rito sa Seoul kaya ngayon lang ako nakatransfer dito sa Healing U. Nice to meet you all!"

H-Huh? Tama ba yung narinig ko?



Kwon Soonyoung..

Kwon Soonyoung..

Kwon Soonyoung?!

"Alright. So magiging classmate ninyo ito si Soonyoung until the end of the school year. Soonyoung-ssi, you may seat beside Jihoon-ssi at the back kasi yung tabi niya na lang ang bakanteng upuan," Paliwanag ni Prof. Euni while gesturing the seat beside me. 

Naglakad si Soonyoung papunta rito bago umupo sa tabi ko. Did I mention na by doubles yung desk dito? 

Humarap siya sa akin with his smile. "Hi! Jihoon right?"



"Kasasabi lang diba?" Sagot ko. An amused expression was plastered on his face pagkatapos kong magsalita. I sighed and gave him a small smile. "Lee Jihoon to be precise."



"Ang cute ng pangalan mo, Jihoon. Sana maging close tayo!" Nakangising sabi niya. Hindi ko na siya sinagot pa at itinutok ang atensyon ko sa discussion ni Prof. Euni.



Actually, hindi ako masyadong nakikinig sa itinuturo niya. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko na si Soonyoung ay nandito. Katabi ko pa.

The real answer to Seokmin's question; his name was a form of my imagination all along.



People think that I use his name in my stories because he left a scar on my past. Diba nga, angst ang kadalasang genre ng mga sinusulat ko. May mga nagtanong na rin sa akin kung sino siya. They even thought he was my ex. Dafuq lang. Never pa kaya akong nagkaroon ng jowa in my life. Single since birth kumbaga. And wala rin naman akong time para makipaglandian.

Pero akalain mo 'yun, ang Kwon Soonyoung na imagination ko ay totoo pala.

Sa kaiisip ko, hindi ko napansing tapos na pala ang klase. Last class ang literature tuwing Monday. Tumayo ako at kinuha ang aking mga libro, Soonyoung doing the same. Sinundan niya ako palabas. I didn't mind kasi naisip ko na baka hindi niya pa memorize kung saan yung locker room.

Pagkarating ko roon, agad kong pinuntahan ang locker ko para mailagay na itong mga librong dala-dala ko. As I was fixing my things, nagulat ako nang makita si Soonyoung sa tabi ko.



Chapter 88 ♦ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon