[PS] Dreammer_Lover {Req. 2} - The Past Or Present

136 6 3
                                    

The Past Or The Present

Past. Nakalipas. Nagdaan. Nakaraan.

Mga salitang ayokong marinig, ngunit mga oras na gustong gusto 'kong balikan.

Mga oras na nagpasaya saakin ng lubos, at mga oras na kasama kita.

Matagal na ang nakalipas nang mawala ka sa aking piling.

Matagal na ang nakalipas, nang mapatay kita....

Tuwing ika'y aking naaalala, nakikita ko ang 'yong mala-anghel na mukha na may napakatamis na ngiti.

Bumamalik saakin ang lahat ng ating pinagsamahan, lahat ng masasayang mga araw natin, lahat ng mga pagsubok na linagpasan nating dalawa, at 'yung mga araw na tayo'y magkasama.

Ako sana'y mapatawad mo sa lahat lahat ng naging pagkukulang ko't sa mga mga naging kasalan ko.

Matagal akong nalungkot. Araw araw bumabalik saakin lahat ng nagawa ko.

Sa piling ng aking mga kaibigan lamang ako nakakabawi sa kalungkutang lagi 'kong nadarama.

Matagal ako'ng nagluksa. Nagsisi sa lahat ng aking nagawa.

Kalungkutan ang naging kasama ko sa bawat araw na lumipas 'mula ng mawala ka sa aking tabi.

Bawat araw 'kong sinisi ang aking sarili sa iyong pagkawala.

Bawat minuto't bawat oras akong naghirap.

Lahat nang iyan ay matagal 'kong pinagdaan.

Nawala lang lahat ng iyon,

Noong dumating siya...

Alam 'kong ikaw parin.

Ikaw parin ang mahal ko,

Pero mahal ko 'rin siya.

***

Ayo! Uy sorry delayed. Sobrang delayed. TT~TT

Anw, feel free to change anything! But not everything! Chos.

Oy 2nd req. mo na! Ayiee salamat XD

Mian mejj fail XD di ko forte ang tagalog. Charot XDD

StalKry's Prologue Shop [TEMP CLOSED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon