Harry's POV:
Pagka-uwi ko, lasing na talaga ako. Hindi ko na ma-straight yung katawan ko pota, para bang ang bigat-bigat ng likod ko, parang pasan-pasan ko yung bunso kong kapatid na mahilig pumasan sakin.
Buti na lang tulog na sila mama, wala akong sermon na maririnig. Thank you lord.
Pumunta ako sa CR para maghugas ng mukha. Shet, ang bigat talaga ng pakiramdam ko, alam ko lasing lang ako pero hindi ako pagod pero taena sobrang bigat ng likod ko jusko.
Pagkatapos kong maghilamos, napa-atras ako nang makita ko mula sa salamin, may batang duguan na nakasampa sa likod ko habang naka-kapit sya sa leeg ko at nasa gilid ko yung ulo nya habang nakatingin din sa salamin. Masamang nakatingin sakin.
Ilang segundo akong napako sa kinatatayuan ko, hindi ako makakilos. Takot na takot akong nakipag-titigan sa batang duguan na nakasampa sa likod ko. Maya-maya ay nag-"lagot ka" sign ito sakin. Tangina, doon pa lang ako napasigaw at halos madulas dulas sa pagtakbo palabas ng CR. Patakbo akong lumabas ng bahay namin at dali-daling pinaandar ang motor ko.
Si Ethan. Si Ethan lang ang alam kong makakatulong sakin ngayon. Nasa 80 na yung takbo ko, wala akong pake. Partida nawala yung lasing ko mga tol.
Kahit nagmamaneho, hinanap ko yung pangalan ni Ethan sa contacts ko at dinayal yon.
"Pare tangina! Tulungan mo ko!"
"Anyare?"
"Alam ko ikaw lang ang makakatulong sakin ngayon! Pre tangina! May batang nakasampa sa likod ko! Duguan pare! Ano to?! Papunta ako ngayon sa inyo. Paalisin mo tong batang nasa likod ko!"
"Sabi na nga ba eh!"
"Baket? Tangina tol! Bat nakaroon ng batang duguan sa likod ko?!"
"Magkita tayo sa high way papunta sa school. Papunta na ko."
"Sige. Bilisan mo Than!"
Ethan's POV:
Hindi nga ko nagkamali, sinundan ng batang duguan si Harry hanggang sa kanila at talaga palang wala silang nakitang nasagasaan kanina.
Pagdating ko sa meeting place namin ni Harry, nandoon na sya. Mutlang-mutla ang mukha dahil sa takot tangina hahaha.
Nakatayo kami parehas sa gitna ng daan kung saan doon ko nakita yung batang nasagasaan ni Harry kanina, wala naman nang sasakyan dahil dis oras na rin ng gabi.
Pumikit ako nun at may nakita na naman ako.
Isang batang lalaki ang tumatawid sa kalsadang kinatatayuan namin. Naka-uniporme pa at may bitbit na bag sa likod nito. Nakita ko ding may malaking truck na paparating. Hindi mabilis ang takbo ng truck, hindi din naman mabagal. Sinigawan ko yung bata at tumakbo ako para tulungan sya pero nahuli ako.
Hindi sumalpok ang bata. Nakita ko na lang nakahandusay na at halos putol-putol na ang mga bahagi ng katawan nito. Nagulungan pa ang kawawang bata.
"Ethan? Ano na?"
Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Harry.
"Yung batang nakasampa sa likod mo, nasagasaan sya ng malaking truck, dito mismo sa kinatatayuan natin."
Saglit na hindi nakapagsalita si Harry, parang may iniisip.
"Teka. Yun ba yung sinabi mo kanina na may bata akong nasagasaan?"

YOU ARE READING
Who Are You (A Blood Of A Vampire)
Vampire"I am all in a sea of wonders. I doubt; I fear; I think strange things which I dare not confess to my own soul."