Althea's POV:
Isang madilim na lugar at tanging maliit na bumbilya lang ang nagsisilbing ilaw sa lugar kung saan ang kinaroroonan ko. Napabalikwas ako nang tuluyan na akong magising. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Nasa isang malaking kwarto ako na wala man lang mga gamit. Kama lang na aking hinihigaan ang kagamitang nandito.
"Tulong!" sigaw ko na halos maiyak na naman ako.
"Liley!!" sigaw ko muli pero wala akong naririnig maliban sa boses ko at sa echo nito.
Kya agad akong tumayo upang lumapit sa pinto pero hindi ako makaalis sa kama.
Naka-kadena ang isa kong paa at ang isa kong kamay sa bakal ng kama. What is this?
Pinipilit kong magpumiglas kahit alam ko namang hindi iyon matatanggal.
Nasaan ako? Sino ang nagkulong sakin dito? Sino ang may gawa sakin nito?
Bigla kong naisip yung lalaking stranger na laging sumusunod sakin. Fuck him!
"Sino ka ba?! Ano bang kailangan mo sakin?!" matapang na sigaw ko. Nagtatapang-tapangan lang, sa totoo lang natatakot na ako.
"Magpakita ka sakin harap harapan! Ang duwag mo!!"
Pero wala pa rin akong ibang naririnig.
Tuluyan na akong umiyak.
"Please let me go! Ano bang kasalanan ko sayo? Pakawalan mo na ko parang awa mo na!"
Pero maya maya ay napatigil ako at napa atras ng biglang bumukas ang pinto.
Isang lalaki na naka itim na damit at sobrang puti na para bang wala ng dugong dumadaloy sa katawan nito. Mapula ang labi nito. Mapungay ang mga mata, matangkaf at sa tingin ko kaedaran ko lang sya ang bumungad pagkabukas ng pinto.
"S-sino ka?" natatakot kong tanong sa kanya.
Ngunit hindi sya sumagot. Ngumisi lang sya. Ang weird.
"Ano bang kailangan mo sakin? Please naman oh let me go.." nagmamakaawa na ako sa kanya.
Muli akong napa atras nang umabante sya. Paatras ng paatras hanggang sa masandal na ako sa dingding. Pero patuloy pa rin itong naglalakad palapit sa pwesto ko.
Takot na takot na ako. Umiiyak na ako at wala akonv ibang magawa kundi umiyak na lang.
Nang makalapit na sya ay umupo sya sa kama, sa tabi ko. Lumapit pa sya sakin at ako naman ay pilit pa ring umaatras.
Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko at marahan na hinagod ang mga buhok kong nakaharang sa mukha ko.
He keeps looking at me. He looks at my lips up to my eyes. Pagkatapos ay nilagay nya ang palad nya sa may batok ko.
"W-what the hell are you doing?" natatakot at naiiyak kong tanong sa lalaking nasa harapan ko.
Ngunit hindi sya sumagot.
Dahan-dahan nya akong niyayakap. At biglang. Hindi ko namalayan na nakayakap na pala sya sakin. Naramdaman ko pang nilihis nya ang buhok ko na nakaharang sa balikat ko.
At..
At biglang..
At bigla ko na lang naramdaman ang kanyang ngipin sa may gilid ng leeg ko ngunit kakaiba iyon. Ang talim ng ngipin nito na naging sanhi ng labis na hapdi at sakit na para bang may bumaon na matalim na kutsilyo sa leeg ko.
At pagkatapos ay wala na akong natandaan. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
Ethan's POV:
YOU ARE READING
Who Are You (A Blood Of A Vampire)
Vampire"I am all in a sea of wonders. I doubt; I fear; I think strange things which I dare not confess to my own soul."