This is it! This is really is it, is it na bonggang bongga!
Ito na ang pinakamaligayang araw sa buhay ko. Makakasama ko na sa wakas ang lalaking pinakamamahal ko - si Jason. Masayang gumising at magmulat ng mata na ang mahal mo ang iyong unang makikita. Kasal na namin ngayon! Napakasaya ko! :)
"Here comes the bride, all dressed in white.." ang kinakanta ko habang pasakay ako ng bridal car. Kulay puti ito at napapalibutan ng everlasting flowers. Ito ang nagsisimbulo na ang love namin ay everlasting. :) Ang cute di ba? Ito ang dream wedding ko. :)
7:30 ng umaga ang oras ng kasal namin. Habang daan papuntang simbahan, nakaramdam na 'ko ng di maipaliwanag na kaba. Pero, di ko na masyadong pinansin. Baka dala lang 'to ng excitement. :)
Nang nakarating kami sa simbahan, hindi ako agad pinababa ng sasakyan kasi ayon sa tradisyon, magkikita lang daw ang bride at groom sa may altar na.
Tiningnan ko ang aking relo. Regalo sakin 'to ni Jason noong 1st year anniversary namin bilang magboyfriend.
7:15 na. Malamang nasa loob na si Jason at gusto na rin nya 'kong makita.
Naiimagine ko na ang mangyayari sa kasalan na ito. Omaygaaaadddd, nakakakilig naman. :')
Tinignan ko uli ang relo ko. 7:30 na. Bakit hindi pa rin nila ako pinapababa ng sasakyan? Nandoon ang mga abay, mga ninong at ninang, ang mga magulang namin ni Jason at iba pang mga kamag-anak at kaibigan namin. Pero si Jason - di ko sya makita.
Bakit ganun? Mukhang waring balisa sila. Anong nangyayari? Bakit wala doon si Jason? Kinabahan ako. Bakit walang lumalapit sakin? Bakit ayaw nila akong pababain dito? Kasal na namin eh! Kailangan ko nang bumaba.
Dali-dali akong lumabas ng sasakyan papunta sa simbahan kung saan nandun silang lahat. Nagtinginan silang lahat sakin. Si Ate, nilapitan nya ako at hinawakan sa braso. "Daniella, bakit ka bumaba? Dun ka muna habang iniintay nating dumating si Jason." ang nag-aalalang sabi nya sakin at inakay ako pabalik sa sasakyan.
Nasaan ka na Jason? Nasaan ka na? Hindi ko na napigilang umiyak.
Maya maya pa, lumapit na sina Ate sa kinaroroonan ko para sabihing, di na tuloy ang kasal namin.
"Daniella, anak" ang sabi ng mama ni Jason. "Iha, hindi namin akalain na magagawa sayo 'to ng anak namin. We're very sorry." ang pagpapaumanhin nila sakin.
Natulala na lang ako. Ayokong maniwala. Bumaba ako ng sasakyan at nagtatakbo sa loob ng simbahan. Baka binibiro lang nila 'ko. Andun lang si Jason. Baka, pinagtataguan lang nya ako. "Jason!" ang tawag ko sa kanya. "Jason! Nasaan ka na?" ang humahagulgol kong pag-iyak habang papalapit sa altar.
Sa altar. Sa altar kung saan dapat, saksi namin ang Diyos sa aming pagmamahalan.
Nang narating ko ang altar, lumuhod ako. Dito ko sya iintayin. Alam kong dadating sya. Mahal nya 'ko. Hindi ako aalis dito.
Pilit nila 'kong niyayakag pauwi pero ayoko. Ayokong umuwi. Dito lang ako! Dadating si Jason, dadating sya! Di nya 'ko iiwan. Mahal nya 'ko!
Pero lumipas ang maraming oras, walang Jason na dumating. Ang dapat pinakamasayang araw ng buhay ko, eto pa ang naging pinaka-malungkot.
Tumunog ang cellphone ko sa maliit na bag na nakasabit pa rin pala sa balikat ko. Binasa ko ang text. Si Jason!
"Sorry Daniella, I just realized that it's not worth it. GOODBYE."
Nabitawan ko ang cellphone ko. Hindi ko alam...hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na nya ako babalikan... INIWAN NA NYA 'KO.
