Chapter 2

519 10 0
                                    

Casey's POV

Nakakatawa itsura ni Bianca.... 

Eh pano?

Bigla siyang napatulala nang may nakita siyang isang lalaki which is gwapo nga tas sobrang bait pa.....

Kilala namin siya except kay Bianca.... hindi niya kilala yun dahil sa sobrang busy last year.... 

Maasar nga......

"Hoy!" di parin gumagalaw....

"HOOOYYYY!!!" pagsigaw ko na nagpabalik sa kanya sa realidad.

"Oh bakit? May nangyari ba?" pa-inosente nyang tanong na parang walang nangyari.

"Okay ka lang?" pagtanong ni Jonas.

"Oo naman, bakit? Anong nangyari?" pagtanong niya habang ang mga mata naming apat ay nasa pagmumukha niya habang sina Steven at Bella, palihim na natatawa.

"Eh kasi parang bato ka kanina eh!" sabi ni Bella habang natatawa.

"Hindi mo ba alam na halos kalahating oras kang nakatunganga?" pagtanong ni Steven.... alam kong may pagka-OA siya kasi 5 minutes lang siya nakatunganga, pero syempre sasakyan namin siya.

"Oo nga.... nakatunganga sa ka-love at first sight niya!" mas natawa kami sa itsura ni Bianca dahil sa sinabi namin.

"A-an-anong ka-love at first sight eh ni hindi ko siya kilala?" pagdepensa ni Bianca.

"Gusto mo ipakilala ka namin?" pagtutukso ni Steven.

"Oo nga, kilala naming apat yun!" sumunod naman tong si Jonas.

"Hindi na....." pagtanggi nya.

"Bakit naman eh ka-love at first sight mo...." hindi ako pinatapos ni Bianca.

"HINDI NGAAAAAA! Kasi ayaw ko!"

"Ay suuuusssss! Nakita mo na nga yung soon-to-be-oppa mo, sasayangin mo pa!" panunukso ni Bella.

"Hindi ah! Ang layo nga eh!" pag-deny ni Bianca..... hay nako Bianca, kahit mag-poker face ka, halata ka parin!

"Oo nga pala, si Andrei Reyes yun.... Ka-batch natin at Mass Com course mo, diba?" pagpapakilala ni Steven kahit tumanggi si Bianca, nice move, baby!

"Oh?" sabi ni Bianca.

"Edi ka-course mo rin siya!" tinapos ni Jonas.... nice move!

"Then?" sus, Bianca!

"Jusko, Bianca! Edi may chance ka sa kanya!" sabi ko na nagpa-roll eyes kay Bianca sakin.

"No way!" pag-deny ni Bianca.

"Ayaw mo nun? Para di ka na ma-OP?" tanong ni Bella.

"Mas ok nang ma-OP!" haysh Bianca, "Tara na nga!"

***

Bianca's POV

Gusto talaga akong kainin yung mga salita kong ayaw kong magka-boyfriend!!!!

Bat kasi bigla ako natameme nung nakita ko si Andrei?

JUSKO WRONG MOVE, BIANCA! NAPAKA-WRONG!!!!!!! KAYA NAISAHAN KA NG MGA KAIBIGAN MO EHHHH!!!

Pero infairness, ang gwapo niya talaga!!!!! Talagang nasa standard ko yung gwapo niya, pero mabait rin ba siya?

Pero nah..... Hindi parin.... Hindi ako magkaka-boyfriend!

Haayyyysss wag na nga! Baka kainin ko nanaman yung mga salita ko!

Umuwi rin akong bahay.... Grabe ang hirap sumakay! Ganun pala pag taga-Espanya noh??

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon