Chapter 5

331 13 5
                                    

Andrei's POV

Kumirot ang puso ko nang nakita kong naghahalikan sina Krista....

Alam niyo ba ang mas masakit?

Na isang taon akong niloko ni Krista pati ni Gerard, kung sino pinagkatiwalaan ko ng lubos.

Kaya ko naging kaibigan si Gerard nang dahil kay Krista kasi naisip kong may magsasabi sakin ng mga ginagawa niya....

Pero nagkamali ako..... Pinagkatiwalaan ko lang siya sa wala! Pinagkatiwalaan ko yung nilalandi ni Krista ng palihim....

Nakakainis!

Nakakainis ang tadhana!!!

Na-realize ko tuloy na hindi nagkamali si Bianca sa line na "Fate is a player." kasi nilalaro niya feelings ko eh!!!

Naiinis ako sa sarili ko!

At sinisisi ko sarili ko dahil I'm not good enough for her....

May kulang ba sa akin??

Masyado ba akong kadaling lokohin?

Masyado ba akong mahina??

Nakakainiiiissss!!!!!!

Nagawa akong lokohin ng taong mahal ko at ng taong pinagkatiwalaan ko!!!!!

Pero biglang naalala ko yung line sa long quotes namin na "You must find a way unless you regret it."

Ano bang pinakamagandang paraan para makatakas sa player?

Oo, I know it's too late pero I have to....

Di kasi pwedeng magmukhang bitter sa harapan nila so I must find a way, the best way to move on....

Bukas na nga lang... Matutulog muna ako... Hindi ko hahayaang maging hadlang ito sa aking kinabukasan....

***

Pagkagising ko, ayun hinanda ko sarili ko.... Tas ang dami kong kinain sa almusal ko. Ayoko namang hindi gagawin ang kinekailangan nang dahil sa nasaktan ka ng mga pinagkatiwalaan ko.... Para rin hindi magmukhang bitter.

Pagka-drive ko papuntang school, inisip ko na mag-act natural na parang walang nangyari.

Pagkarating ko, may tumawag sa pangalan ko

"Drei!" paglingon ko, wala namang iba kundi si Bianca eh.

"Oh, Bianca, kanina ka pa?"

"Oo.... kasi wala nanamang tao sa bahay eh.... kaya naglibot-libot muna ako bago magklase...." sagot niya.

"Ahhhhhhh...." tas bigla akong natahimik, hanggang sa sinira niya yung katahimikan.

"Okay ka lang?" alam kong alam niya na hindi, pero tumango ako.

"Talaga ba?" talagang alam niyang hindi ako okay kasi kasama ko siya nung nangyari yon.

"I know you're lying.... but that's great! Kasi kailangan mong ipakita na hindi mo alam ang nangyari sa harapan nina Krista, diba?" pagtanong niya.

"Yun na nga eh.... kaya kahit alam kong alam mo na hindi ako okay, I lied para ready ako pag nakaharap ko kung sinuman sa kanila."

"Yan ang alam ko kay Andrei! Stay firm lagi!" sabi niya, to cheer me up at napangiti naman ako.

"Kaya pag may problema ka, andito lang ako, huh?" pagpatuloy niya.

"Eh pano pag magkalayo tayo?"

"Akin na phone mo...." binigay ko naman phone ko sa kanya. Nilagay niya sariling number nya at sinave sa contacts ko.

"Tawagan mo yang number para ma-save ko yung iyo...." ginawa ko naman, at nareceive naman niya yung tawag kaya na-save nya number ko sa contacts niya.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon