DTBY Chapter 1

6 0 0
                                    

Who is he?

Akemi's POV

"Akemi! Bumangon ka na nga dyan, its been a week since school has started and yet hindi ka pa rin sanay na gumising ng umaga." Narinig kong sermon ng dad ko.

"And also one week na rin siyang late pft." pigil na tawa naman ang narinig ko mula kay kuya.

"Ugh! Five more minutes and I'll take a bath na po!" sigaw ko habang nakatakip pa rin ng kumot.

"Ano pa nga ba magagawa ko. Nako, your mom wouldn't be happy if she will see you like this. Mas malala pa na sermon ang aabutin mo." narinig ko ang buntong hininga ni Dad at narinig kong may nagsara ng pintuan. Finally! No more sermons and no more interup—

"I hate you!" bangon ko bigla nang hatakin ni kuya ang paa ko at dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"Five-more-minutes mo ulo mo. Daliaan mo na, samahan na kita malate." at tumawa siya ng pagkalakas. Ugh!

Wala naman akong magawa kung hindi sumunod na lamang, tinignan ko ang orasan at shit! Almost an hour na akong late. Dali dali akong kumuha ng towel at pumasok ng banyo. Hindi rin nagtagal narinig ko na papalabas na si kuya.

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis at tumingin sa salamin. "Hays, sa kotse na lang ako mag aayos. This is so frustating!" ani ko sa sarili ko habang tinitignan ang itsura ko sa salamin.

"Dad and kuya lets go na, hurry!" natataranta kong sabi sa kanila na ngayon ay nasa dining table at masayang kumakain.

"I told you, sasamahan na kita malate kaya kumain ka na muna." Natatawang sabi ni kuya.

"But kuya? Isang oras na akong late and probably our second subject will about to arrive! I don't have an—."

"Akemi, anak. Sit and have a breakfast first." seryosong utos sa akin ni Dad while ang kuya kong magaling ay naka smirk pa rin. Okay, I gave up. Dad won. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Bakit nga pala ganyan ang itsura mo? Look at yourself, sayang ganda mo kung hindi ka marunong mag ayos." natatawang sabi ni Dad. Wow, bilis mag switch ng mood ah.

"E kasi naman Dad, late na naman ako. I am planning to fix myself naman po... sa kotse nga lang." then I heard them both laughing. Ugh, these boys! Hindi naman ako matataranta ng ganito kung hindi ako na sermunan . . .

"Miss Ferrer, oh you're late again." sabi ni Ms. Gracia sa akin kaya ang mga baliw kong kaklase ay natawa. "Okay class, quiet. Aki, I already warned you yet you're still late. I won't allow myself na maging kunsintidor kaya this is the last time na pagbibigyan kita. If ever this will happen again, I'm sorry Aki but you need to find a new section."

. . . I hate it! Pinaghirapan kong mapunta sa higher section. Hindi man ako nasa top section pero still, I learned to love my section kahit lagi akong late. Pero mukhang hindi ko na muli makakasama ang mga baliw kong kaklase. Kakalipat ko pa man din lang ng school tapos eto agad ang record ko, what a great concept Aki.

"Go fix yourself first Aki. Give some etiquette, wag ka pumasok ng ganyan." I know Dad, of course I need to be presentable. Hays, how I wish sana naging babae ka na lang tutal dinaig mo pa si Mom. Love and peace Dad, I was just joking hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon