Prologue

66 1 1
                                    

“Kunin mo ang ibang files ng target. Ako na ang bahala sa mga Disk.” Pasigaw kong sabi sa phone.

“roger that.”

I cutted the call immediately, at binalik ko sa bulsa ko ang phone. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakatago ko sa ilalim ng isang desk, at kinuha ko ang aking hunting knife na naka-strap sa kanang paa ko. 4 enemies spotted, armed with hand guns. Ok madali lang ‘to. Nang makatayo na ako, ay binaling na nila ang atensyon nila sa akin. Tinutok nila ang mga baril nila sa mukha ko.

“pano ka nakapasok dito?!” sabi nung lalaki

“pumasok ako sa pinto?” I smirked, at inumpisahan ko na ang dapat kong gawin.

Pinutok nila ang mga baril nila, pero dahil mabilis ako, ay nailagan ko lahat ng bala at isa-isa ko silang pinatumba. Inuna ko yung nagtanong saken. Siniko ko ang muka nya, napaluhod sya. Hinawakan ko ang ulo nya, nilagay ko ang knife sa leeg nya and in no time, I sliced his throat, making his blood spurt everywhere. Ginawa ko ulit yon sa iba pa, at napatay ko na silang lahat.

Tiningnan ko ang buong silid, wala nang mga armed men.

Nilinis ko na ang kutsilyo ko gamit ang panyo,at isinilid ko ito sa strap na nasa kanan kong paa. Naglakad ako papunta sa pinto, dahan-dahan ko itong binuksan at lumabas na ako. Maingat akong naglakad, kumaliwa at pumasok nanaman sa isa pang kwarto. Sa puntong ito, ay nahanap ko na ang kailangan kong makuha—ang mga disc. Pero sa kasamaang palad, na-trap ako sa isang silid na may sampung bantay, at ang kanilang amo. Si Mr. Del Valle, ang Illegal weapon dealer.

“aba, tingnan mo nga naman? Nagkita ulit tayo, agent Dusk.”

“Akin na ang mga disk, Mr. Del Valle.”

“tapang mo ah?” tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. At lumingon sya sa mga tauhan nya “boys, tapusin nyo na ‘to.”

Agad kong kinuha ang baril ko, pero shit! Sinunggaban ako ng dalawang bantay kaya nahulog ito kasabay ng pagbagsak ko sa sahig. Habang nasa sahig ako, pinagtulungan nila akong sipain. Babarilin na sana ako ng isang bantay, nang may biglang pumasok sa silid.

“Dad bakit ang ingay? Anong—“

Pumasok ang isang babaeng may napaka-gandang mata. Kulay dugo ang mga labi nya, sing puti naman ng snow ang balat nya. Ang buhok nya ay medyo maiksi, at … ang ganda nya. Lumingon sya sa direksyon ko, at ako rin sa kanya. Natulala sya sa mga nakita nya. “Anak, lumabas ka muna. May magnanakaw na nakapasok dito. sige na labas na.”

“pero dad!“

“get out!”

This is my chance. Inabot ko ang baril ko sa di kalayuan, at pinalo ko ang binti ng bantay na nakahawak ng mahigpit sa leeg ko. Agad syang natumba, at dali-dali naman akong tumayo. Itinutok ko ang baril sa ulo ni Mr. Del Valle, at pinatay ko sya. Sa harap ng anak nya.

“Boss!!” nataranta ang mga tauhan nya.

“DAD!! NOOOO!!!”

Agad akong tumakbo papunta sa pinto. Tinulak ko ang babaeng nakaharang sa pinto, at agad na lumabas ng silid.

*intruder alert! Intruder alert!*

“shit!” no choice, nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo, habang pinapatay ang mga taong sumasalubong sakin. Nang Makita ko na  ang Isang malaking bintana, ay agad na akong tumalon palabas ng building.

Hindi ko nakuha ang disk,tsk.

Agent LovelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon