(A/N: gamitin ko name mo ate eunice ah? Hihi hart hart <3 )
Lumipas ang tatlong araw, at nakipag-kita ako ulit sa partner ko. Andito kami ngayon sa loob ng isang café. umorder ako ng blueberry cake at chocohazelnut smoothie, sya naman strawberry shortcake at caramel milk tea. Nang matapos na kaming kumain, kinuha ni Eunice (partner ko yan) ang shoulder bag nya na nakalagay sa empty chair sa table namin. Binuksan nya ito, at may kinuha syang white folder.
“oh.”
Inabot nya saken ang folder. Kinuha ko ito at binasa ang nasa loob. “fake identity? Para san ba ‘to?” tanong ko sa kanya habang binabrowse yung documents sa folder “kahapon officially enrolled na tayo sa Eastern Whale University. Yan ang gagamitin mong identity sa loob.” Tiningnan ko lang sya. Bakit ba kami mag-aaral ulit?is this some kind of a sick joke? “bakit?nababaliw na yata si Director.ayokong mag-aral.” Tiningnan ko ulit yung contents ng folder at may naka-insert palang ID sa loob. Eto nga pala yung fake identity ko:
Name: Dusk Maniego
Age: 19 y/o
Blood type: O
Height: 5’8
Course: AB Psych
Status: First year, late enrollee
“engot para yan sa task natin. Dun nag-aaral yung anak ni Mr.Del Valle at classmates kayo.”
“ah..sabi ko nga. Patingin nung sayo?” inilagay ko sa table yung folder ko, at kinuha ko yung folder ni Eunice. Binasa ko yung first page, then sinara ko na yung folder, at binalik sa kanya. Tapos lumipad bigla ang isip ko, kung mag-aaral ako dun araw-araw starting next week, ibig sabihin.. hindi na ako makakapaglaro sa xbox! Ano ba yaaaaan -___- konti na lang din ang oras ng tulog ko. Tsk. Hindi na rin ako makakapag movie marathon! At-- “anyway Dusk, you need to act like a good boy. magpapanggap kang nerd.” I snapped back to reality. tinutok ko ang mga mata ko sa kanya, nagulat ako ng konti dun sa sinabi nya.
“WHAT!?!”
“you heard me. Magiging nerd ka, ok?”
“ayoko!”
“pag pumalpak ka, bahala ka sa buhay mo.”
“hindi naman nya ako makikilala! Naka-mask ako nung nang-intrude tayo sa bahay nila.”
“yan na yung napag-usapan. Mamili ka na ng mga nerdy clothes,books etc. kita nlang tayo sa Monday. Adios!”
Kinuha na nya yung shoulder bag nya at nilagay sa balikat nya. Tumayo na sya at umalis. Alam nyo, minsan.. gusto kong sakalin yang babaeng yan eh. Pinapahirapan ako! Grabe. Nabadtrip nanaman ako. Ako? Magiging nerd? No fucking way! Tinawag ko nalang yung waiter, at umorder ulit ng pagkain. Anti-stress ko ang pagkain, don’t judge me.
“what’s your order sir?”
“isang strawberry milkshake, at isang buong blackforest cake please.”
------------------------------------------
Monday.
I hate Monday. Well, lahat naman ng estudyante hate yang word na yan. Ngayon na ang simula ng pagiging student ko.ulit. hayyy mabobored lang ako for sure. It’s 6:00 am, bumangon na ako at nag-stretching ng konti. Hinubad ko na ang boxers at white shirt ko, at pumunta na sa banyo para mag-shower. “dadagdagan ko ng isa pang tattoo ang katawan ko after this task..” bulong ko sa sarili ko, habang nakatingin sa upper body ko sa salamin. Yep, may tattoos ako sa katawan ko. Tribal tattoo sa upper right arm ko, Dragon tattoo galing sa left shoulder hanggang sa left chest ko at wings of freedom naman sa upper back ko.
BINABASA MO ANG
Agent Loveless
RomansaSa bago kong mundo, hindi na uso yang ‘forgive and forget’. Kung nagkasala ka, papatayin kita, period. Hinding hindi ako maawa sayo, you deserve to die. I don’t give a shit about ‘love’ either. Yep, I kill people. Bad people. Pumapatay din ako ng m...